para sa babaeng kulot ang buhok

114 1 0
                                    

Alas dos na ng hapon nang tinakbo ko
Ang maputik na daan
sa gilid ng mga kubo
Huli na naman ako
sa trabaho

Oo nga
Inaamin ko
bagong taon na
Pero nahihirapan pa ring magbago

Lalo na kung
May makikita kang babaeng
Makakasalubong mo
May kulot na buhok
Kung sa rampahan pwede nang pumasok
Pwede rin sa puso ko, kakatok

At kahit abutan ng oras
Susubukan kong bagalan ang mga hakbang
Para lang siya masabayan
Habang
May dala dala siyang
Pitaka na medyo may kamahalan

Pwede ko namang hawakan
Ang kamay niya
Kung nabibigatan
Hindi ba nya alam
Sanay akong magbuhat
Sa ganitong katawan

At matapos kong batiin ang mga
Kaibigan kong nagliligpit ng mga dahon
At may hawak hawak na sako
Saka ako lumingon sakanya
Nagpapapansin lang
Pasensya na
Mabilis lang akong matulala

Kahit maliit man ang tyansa kong makikita ulit sya
Magpapasalamat pa rin ako
Na kahit sa maiksing panahon
nabinyagan ang mata ko
Sa isang tanawing makalaglag panga

Oo nga
Bagong taon na
Pero mahirap talagang baguhin ang mga bagay
Na alam mong nakakapagpasaya

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon