06/16/22
Habang nakasandal ang ulo sa bildong bintana
At lulan ng sinasakyan kong bus
Doon ko nasilayan ang kagandahan ng aming probinsyaMalas nga lang at mabilis ang pagmaneho nito
Dahilan para saglit lang masilayan ng mga mata ko
Ang dalawang batang babae sa gilid ng kalsada
Nakaputing bestida
Tanda ko pa
May kalong na tuta iyong isa sakanilaHabang pinapanood ang mga dumadaang sasakyan
Parang nasa pelikula lang
Iyong paligid na kay sarap pagmasdan
Kung maaari nga lang mabilis ko na silang kinuhanan ng litratoAng bundok sa likod nila at punong mangga na hitik sa bunga
At isang bahay sa di kalayuan
Nasa pusod ng maliit na kagubatan
Medyo madilim at nakakatakot tignanMalas nga lang at mabilis ang pagmaneho nito
Dahilan para saglit lang masilayan ng mga mata ko
Ang dalawang batang babae sa gilid ng kalsada
Nakaputing bestida
Tanda ko pa
May kalong na tuta iyong isa sakanila
Kayumanggi ang kulay
At parang wala ng buhay
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...