04/26/2019
Naabutan na ng gabi sa byahe
Lumipat na ng upuan ang katabing lalaki
Kanina pa hindi nakakagatan ang burger
Na binili namin ni ate sa kainan na sikat
Sa mga kabataanNasagot ko na ang tanong ng aleng tumabi
Magkano raw ba ang pamasahe
Mahal ang bayarin dahil may kubeta sa loob ng bus
Kahit anong oras gagamitin o dala mong tubig ang mauubosAliw na aliw kong pinagmamasdan ang mga ilaw sa daan
Mga taong gabi na rin umuuwi
O taong gising lang tuwing gabi
Mabuti at hindi naisuka ang kinaing manok noong tanghaliNagbabakasakaling ibalik ang sandali
Sana nahalikan ko pa ang pamangkin kong lalaki
Sana nagantihan ko ang pagsabi nya ng "labyu tita" sa telepono
Nagiging malambing lang si mama kapag ako'y lalayo naKailan ko kaya masasabing mahal din kita, ma?
Sa kadahilanang hindi nasanay
Mag-iisip na lang ng ibang bagay
Dahil kanina ko pa gustong umihiBaka sakaling walang tubig sa kubeta
Nakakahiya iyon diba?
Mag-isa pa naman, salamat nga't hindi nasuka
Sa repleksyon ng telebisyon doon sa salamin ako nakatulalaAyaw kong lumingon sa bagong katabi
Ayaw kong maakit sa kinakain nyang dalandan
Langhap na langhap ng ilong
Teka malapit na akong bumabaSa tabi ng kalsadang madilim na pero may tao pa
Traysikel, habal-habal at kotse
Malapit nang sumabog ang pantog ko
Pero hindi pa rin nagamit ang kubeta sa loob ng bus
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...