Hinayaan

40 2 0
                                    

Sinubukan kong putulin ang buhok ko
At baka ngayon mapapansin mo rin
Ang mitsa nang pagturo ng kanang daliri
Sa dibdib na naging sensitibo
Bago niyurakan ang pinakitang pagkatao

Pero hinayaan ko kahit mas masakit pa sa
Suntok ng kaaway ko sa baryo
O ang pagtihulog ng kwaderno sa ulo
Mas gusto kong humawak sa karayom
Habang nginingitian ang dugong lumalabas
At iisipin kong ikaw yun

Na kahit hinayaan kong masugatan
Ang pagdagundong na nasa loob ng katawan
Gagawin pa ring basahan ang damit

Masuotan ka lang ng malinis na blusa
Kahawig ng mga nagsisikatang pangsuot
Na sabay sa uso
Hinayaan ko, ikaw

Alang-alang sa atensyon mo na puro
Pananakit at pait
At walang kasiguraduhang kapalit
Pero itong nararamdaman ko hindi pilit
Hinayaan
Ko

Hayaang
Ipahiya mo sa kumpol ng mga tao
Hinayaan kong
Lumalim pa

Hanggang sa
Hindi ko na maabot
Ang imposibleng paglambot
Hinayaan ko ulit
Pagkatapos

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon