Tanong at Sagot (Part 2)

44 3 0
                                    


Ang pagkapa ko ng mga salitang
'Tandaan mo, tuwid yan
Ingat, baka ka masaktan'
Binitawan
Isang sampal sa katotohanan
Sumabay sa tunog ng nakakabinging orasan
Isa
Hindi
Dalawa
Ba
Tatlo
Talaga
Apat
Pwede?
Hindi ba talaga pwede?

Tumatagos
Sa kaibutaran ng pusong nananakit
Lumalalim
Sa pagkatao kong nananabik sa pait
Pagulong-gulong sa parteng ako lang ang nakakaalam at nakakaramdam
Pero umaasa na sana lumubog ang buwan, maging araw lahat ng bibisita ngayong taon
At tatango ang kalangitan habang papagalitan ako ng mga ulap na umiitim
Kasabay ng malakas na pagbasak ng hinigop na tubig
Pagtumila

Iaalo ako ng napakagandang bahaghari
Nakangiti, na parang inang nagpapatahan ng anak
Pero nawala
Tumakbo
Papunta
Saan?
Hanggang
Kailan?
Magiging ganito ako?
Matatanggap ito?

Tanong na walang sumasagot
Kung sakali
Binalikan ang nasabing inuman
Kung saan tayo unang nagkabatian
Naipit sa hindi makalimutang pustuhan
Na hanggang ngayon gumugulo, umiikot, paulit-ulit na tumutusok sa isipang sana hinabol ang kamay mong bumitaw
Pero hindi ako gumalaw
Hinintay na tumama ang pader sa ulo
Hanggang sa ikaw ay maglaho
Lumaho

Pati pag-asang sinusubaybayan ang katanungang
Kailan tayo muling magkikita?
Aasahan kong may sasagot, hindi ang barkada, hindi ang kaibigan
Kundi sa nag-iisa, ikaw na kumalas
Limang taon na ang lumipas
Walang nagbago
Walang pagbabago

Binubuhay mo pa rin ang hindi mawalawalang tanong saating dalawa
At habang dinadala ako ng umaandar na dyep
Hindi sinasadyang mapadaan sa lugar na tinatambayan ng mga umiinom
Ng mga taong nilulubog sa alak para malimutan ang sakit
Mapalitan ng panandaliang saya
Akala ko dala lang ng nanlalabong paningin sa likod ng sinusuot na salamin
Hindi ako namamalikmata
Kasabay ang pagsigaw ko ng 'Para!' ay ang paglalim ng hininga

Bawat hakbang, paunti-unti
Parang nag-aapoy na daan
Naglalagablab, Nakikiramay
Banggaang pasulong, paabante
Walang karapatang manood
Ang mata ko
Na parang sa sinehan kung walang bayad
Walang karapatan

Dumagdag ang isa pang tanong na
'Sya ba ang dahilan ng kasiyahan mo?'
Humakbang paatras
Paalis
Napatungo katulad ng nagawa ko noon
Isa
Hindi
Dalawa
Na
Tatlo
Ako
Apat
Babalik

Pero nagulat
Sa kamay na biglang humawak
Sa braso kong naghahanap ng mapatungan
Ang pagpihit sa katawan kong nanlulumo ay ang pagsilay sa mukha
Na syang dahilan
Hindi inaasahan
Sa harap ng inuman, kung saan unang nagkabatian
Bumukas-sara ang bibig mo habang binibigkas ang 'Kumusta?'

Napatitig sa kumakaway na kanang kamay
Ang kamay na nahawakan ko noon
At ngumiti ka
Natigilan
Pinalibutan ng braso mo ang leeg ko
Bago yumapos
Hindi pa rin binibitawan ang tanong na 'Kumusta ka?'
Humahangos

Wala akong masagot, walang lumabas na salita
Katulad ng pagkapa ko sa hinahanap na susi sa kubyertos
Walang makita
Walang sagot
Kundi tanong din
Kamusta na nga ba ako?
Tayo?
Kung may sagot man
Yun ang hindi ko alam

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon