Bukayo

2.3K 4 1
                                    


Hindi ko naman magawang mairita
Kahit antok na antok na
Sa tatlong magkakapatid na bata
Dalawang babae at isang lalaki
Na medyo marumi na ang suot na uniporme
May inosenteng tawa
Habang nakakandong sa kuya
Naglalaro

At Kinakain
Paunti-unti ang maliit na bukayo
Takot na maubos
Pagkatapos
Lumagok sa bote ng coke
Na may lamang gatas
At parang isang kutsara lang ang hinalo
Rinig kong sabi nya 'Uulamin ko pa to mamaya'
Sabay itinago

Napamulat ako
At sumilay sa labi ang mapait na ngiti
Inabot ko ang bukas nang pagkain
Na binili sa karenderya
At kahit kumakalam ang tiyan
Sapat na ang isang ganting
'Salamat'
Para masiyahan

Sabay isa isang binigyan
Basta nga kabataan
Wala silang pakialam
Patuloy na nagtatawanan
'Kita mo 'yang pulang kotse? Akin yan!'
Dahilan para mag-ngitian kami ng kaharap ko sa dyepni
Parang nakasalamin ako sa sarili ko noong bata pa
Kung saan simpleng bagay lang sasaya ka na

Tipong kinakain
Paunti-unti ang maliit na bukayo
Takot na maubos
Pagkatapos
Lumagok sa bote ng coke
Na may lamang gatas
At parang isang kutsara lang ang hinalo
Rinig kong sabi nya 'Uulamin ko pa to mamaya'
Sabay itinago





*

Yung dumating sa point na bote bakal na lang ang paraan para magkapera ka, kahit limang piso or worst dalawang piso. Ilang gramo ba yung limang piso? Para may pambili ka lang ng bukayo sa tindahan (na tigpipiso) at para may maulam. O di kaya yung bande (peanut na sugar coated) bahala nang sumakit ang tonsil mo may makain ka lang.

Pero yung nakikita ko sa mga pamangkin ko ngayon. Napaka-spoiled brat. Di makuntento. Kada punta sa mall o palengke kasama ang magulang may bagong dalang laruan. Sa panahon namin, iiyak ka muna sa loob ng isang buwan bago ka bibilhan. Pero never naman yung nangyari kasi never kaming nagdemand. Ang saya saya ko na nga dati pag may napulot akong laruan sa basurahan!

Di. Charoooot. Drama ko. Di naman kasalanan ng bata kung may nakasubo nang gintong kutsara sa bibig nya.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon