Maghapong umuulan
Punong puno ng kalungkutan
Habang nilulunod ako ng buhangin
At natatangay sa lakas ng hanginBiglang lumiwanag at lumitaw ang anghel
Na may dalang payong na kulay kahel
Nagtanong ka ng 'Sukob ka?'
Sa ganda ng boses, bibig ko biglang bumukaSasagot na sana, nang bumaliktad ang payong
At ikaw ay nag-anyong butiki sa bubong
Napasigaw ako at na untog
Teka nasa kubo ako at sa lupa nakatulogTumutulo pa ang tubig sa bubong na maliit
Ang butiki sa ilaw ay nakatitig na para akong nasisiraan ng bait.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...