Bakasyon na nga ba?

38 1 0
                                    

Magdamag na nakahiga, maghapong nakahilata
Andaming gawain, pero hindi ko magawa
Sa katawan kong hinihila at iniimbita ng kama
Hindi naman ako lasing para masabing may tama
Diba't bakasyon ang tawag sa pagdayo sa malalayong lugar?
Bakasyon din nga ba ang tawag sa pagtutok sa telebisyong umaandar?
Nilundagan ko na halos ang malawak na bakuran
Inapakan ko na ang lupang kumikislap sakay ang bisekletang nasisiraan
Napulot ko na rin ang maliliit na kawayan pata gawing bahay-bahayan
Tapos ko nang sungkitin ang nasabit na kahoy sa punong pinanggalingan
Bakasyon na nga ba talaga?
O uso lang ngayon ang kaliwa't kanang pista
Pero kapag simula na ang balik eskwela
Hindi na ako magdamag na nakahiga o maghapong nakahilata
Andami ko nang gawain na kailangan kong magawa















-galing ulit sa baul

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon