Lagi lagi tuwing bibili ako sa tindahan
Naaabutan ko syang nakahiga sa kama na gawa sa kahoy
Nakapwesto sa lilim ng puno sa labas ng kanilang tahanan
Sa edad nyang triple na sa kalendaryo
Nagagawa nya pa ring walisin ang mga natutuyong dahon
Kahit na medyo paika-ika na sya kung maglakad
At lagi lagi akong napapasulyap, hanggang sa magkatitigan kami
Hihigupin ako ng mga mata nya papunta sa alaala ng yumao kong lola
Hindi naman ako naluluha, nakakabagabag lang na kung bakit
Nasa labas pa sya, malamig pa ang higaan at basa dahil umulan kagabi hanggang umaga-nahukay sa baul
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...