Ang lumang palaruan noon sa amin
Ay ang lagi kong binabalikan
Kahit sira-sira na at kumakalawang
Iba ang dalang saya
Humahagikhik sa tuwa
Sa tuwing ako'y hinahampas pababa
Ramdam ko pa ang paghalik ng hangin sa buhok kong mahaba
Puno ng sigla at
parang ayoko nang tumanda
Gusto kong bumalik sa pagkabata
Ayoko nang lumaki
Na hinihiling ko pa noong una
Pwede bang manatili na lang akong maliit sa mata nilaNakakapagod nang pumasan ng mga problema
Nagmamakaawa,
Bata
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...