Tinitignan kita sa malayo

534 2 0
                                    

(04112020)

Kahit
Sa panaginip
Tinitignan kita
Sa malayo
Minamasdan kita
Kahit malabo

Ginagawa ko ito
Kahit alas onse na ng gabi
Hubad sa itaas, malambot na kumot ang tumatakip
Nasanay na akong matulog na walang damit

Wala akong kasama
Pakiramdam ko'y dahan-dahang sumasama
Lalo na kapag nagigising sa umaga
Mula sa panaginip kung saan ka nakita

Buhay ka nga pero
Bakit hindi mo ako pinapatahimik
Kahit ipagdasal ko pang 'wag ka na ulit
Bumalik
Pilit kang sumisiksik, bakit

Kahit
Sa panaginip
Tinitignan kita
Sa malayo
Minamasdan kita
Kahit malabo

Sinusubukan ko
Kahit magulo, sinasaulo ko
Kahit hanggang doon
Lagi lagi tayong nagkakasalubong
Na parang hindi tayo magkakilala noon
Siguro nga
'Hindi na kita kilala ngayon'




*


Sana malaman mong laging masama ang gising ko sa umaga tuwing napapanaginipan kita.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon