Alas tres na ng hapon at dapat mag-eensayo pa kami
Kaya paglabas ko ng silid
Pagkaupo sa gilid ng mga bulaklak
Papanoorin lang sana ang kaklase kong sumasayaw ng cha-cha
At dapat bibili ako ng saging ulitKahit barado ang lalamunan
Pero bigla-bigla ay nakita ka sa durungawan
Kumakain ng pagkaing hindi ko alam
At dahil nasa loob ka
May ideya na namang namumuo sa kaisipan
Aruzcaldo ba yan?Katulad ng katabi ko kanina
Naamoy ko pa ang pinaghalong
Asim at pait ng mga rekados
At medyo ayaw ng ilong ko
Na dati kapag kumakain ako ay hindi ko maubos-ubosDahil hapon na nga
Nagliliwanag pa ang araw na natatakpan ng ulap
At ang kakaibang amoy ng bakal doo'y umalingasaw na 'di ko maiwasang malanghap
Kaso sya
Patuloy pa rin sa pagsubo at pagnguyaMasarap nga kaya o sadyang
Mas masarap kang pagmasdan habang hawak-hawak ang kutsara?
Dagdag puntos pa ang balat mong parang hinalikan ng araw
At buhok na hindi nakakasawang pagmasdan
Kahit masilawKahit pinagtawanan ako ng kaibigan ko
Na inakala nya
Gwardya yung tinitignan
Kahit matapilok pa ako sa harap nila
Ayos lang kasi baka malay mo mapalingon ka
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...