Sa Likod ng Katahimikan

63 1 0
                                    

Ala una na ng madaling araw,
At gumagapang na ang lamig na nagmumula sa bentilador patungo sa balat ng aking katawan.
Napapatayo ang bawat balahibo ko dahil sa nararamdaman;
Katahimikan.

Ngunit ang dibdib na bumibigat ang hindi na matagalan,
Parang may bumara sa lalamunan.
Masakit,
Hinahayaan ko na lang ang mga luhang pumapatak sa brasong ginawang unan.

Ako'y nasasaktan.
Ngunit hindi ko masabi kaya itinago ko na lang;
Sa likod ng katahimikan.

Ninanamnam ang bawat kirot,
Ipipikit ang mga mata para makalimot.
Paano tayo dumating sa ganito?
Bakit ba tayo nagkakaganito?
Hindi ko alam,
Dahil hindi mo rin alam.

Pang-unawa na lang ang magagawa,
Huwag ka lang mawala.
Ngunit alam mo ba;
Sa lahat ng ayaw ko ay ang tatapusin natin ang usapan na may tampuhan.

Kaya pakiusap,
Hindi ka isang simpleng kaibigan.
Ikaw ang aking tahanan,
Aking uuwian.

Kahit,
Minsan
Ako'y nasasaktan.
Ngunit hindi ko masabi kaya itinatago ko na lang;
Sa likod ng katahimikan.

Ikaw lang.
Kasi,
Teka.

Ikaw lang naman.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon