Kung ang pag-ibig ay musika
Magiging iba
Ang epekto nito sakinNapapangiti na nga lang bigla
At napapasayaw pati ang puso
Sa galak na tila naging ritmo ng mga nota
At ang pagkabog ng dibdib
Sumasabay
Sa pagtipa ng mga daliri sa aking hita
Sinusundan pa nga
Ng paa ko ang tambol nito
Gumagawa ng sariling
TonoIlang minuto
Dahan-dahan nang maririnig
Ang pagduyan ng aking tinig
Nagiging isang kundimanKay sarap sa tenga
Nakakalutang sa alapaap
At ang tangi kong unan
Ay ang mga malalambot na ulapKung ang pag-ibig ay musika
Magiging isang sanggol ako bigla
At ang himig ng isang ina
Ang mismong magpapahimbing
Ng aking tulog
At magpapaiwan ng ngiti
Sa aking mga labi
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...