Untitled Story Part.

27 1 0
                                    

(042519)

Ang tulang hindi nabigyan ng pamagat dahil sa nag-uumapaw na pakiramdam.

Inabot at nasilayan
ang ugat sa kamay
at ngiping hindi pantay
madadala sa matang kahit nakapikit ay nakatawa pa rin
kahit ang boses na mahinhin

nagsimula ito noong makita ko sya ulit
pagbalik sa lugar kung saan ako lumaki
pagkabili, bilang nagbabantay sa tindahan

inaalala dati pagkabata
kung paano sya magtaray
bote bakal na malapit sakanilang bahay
habang naglalaba
napiga din pati sariling utak, nakakawarak

nakakawala ng malay
sa taglay na kaanyuan
anong nangyari sa ayokong maakit na naman
tulad sa mga mahahaba na ang pagtagal sa kinatatayuan
pwede bang huwag na lang aalahanin
kalimutan na lang muna hangga't nandito pa

nakahiga sa kawayan, madumog ng lamok
kahit nahahanginan
pati tiyan at likod sumakit na
handa naman akong isabay ka, diba

libre pa, hanggang sa masilayan
ang ugat sa kamay
at ngiping hindi pantay
madala sa matang kahit nakapikit ay nakatawa pa rin
kahit ang boses na mahinhin

suot ang puting blusa na may mahabang manggas
hindi malaman kung saan ang lakad
halatang minsan lang kung lumabas
mabuti na sigurong sa araw lang nakababad

ilang taon na nga ako?
ilang taon ka na ba ulit?
ang alam ko malayo ng agwat nating dalawa
pero hayaan mong sabihin kong mas mukha ka pang bata

at mas mukha akong matanda
nakakatawa lang, hindi perpekto ang lahat
lalo na sayo
pagkalabas sa kumbento ipapanalangin ko
sana hindi ka tumulad sa mga kapatid mo

dahil ramdam kong naiiba ang hinog na mangga
sa hilaw at nabubulok na
inabot at nasilayan
ang ugat sa kamay
at ngiping hindi pantay
madadala sa matang kahit nakapikit ay nakatawa pa rin
kahit ang boses na mahinhin

ito nga pala ang tulang hindi nabigyan ng pamagat
dahil sa nag-uumapaw na pakiramdam

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon