'Lucila
Pasensya ka na
Dahil hindi pa ako nakapagbihis at nakapaglinis
Ng kalat na itsura
Kaya siguro nagalit ka'Tinitigan mo ako
Habang sinasalubong ang pagbungad mo sa pinto
Hindi ko pa rin nababasa ang emosyon
Na nakasalamin sa mga mata, kaya'P-pasensya na nahuli na naman ako, Lucila'
Pero hindi ka sumagot
Hindi ka tumugon kahit isang iling o tango
Kasabay nang paglagok ko ng sariling laway
At pagpunas ng pawisang noo sa maduming kamayBumukas ang bibig mong kanina ay nakasira
At para akong nasiraan nang magsalita ka na
'Pagod na ako
Ayoko na'
Bago mo ako tinalikuran at nilampasanAt bigla-bigla akong hiningal sa
Pagtakbo ko ng napakalayo
Makarating lang sa silid nyo
At
'D-diba ihahatid pa k-kita?'Tumigil ka nang ilang hakbang na lang
'Hindi na kailangan'
Parang nilamukas ang dibdib ko sa sagot mo
Saka ka nga lumakad hanggang
Lamunin na ng araw ang anino moNaiwan na naman akong napatitig sa damit kong
May bahid ng pintura
At
Kamay na may guhit ng pangalan mo'Lucila
Pasensya ka na
Dahil hindi pa ako nakapagbihis at nakapaglinis
Ng kalat na itsura
Kaya siguro nagalit ka'Pero diba kapag nahuhuli ako sa usapan ay
Pupunasan mo pa nga ang pawisan kong noo
Bago lalagyan ng alkohol ang kamay na
Dati ayaw kong humawak sayo dahil
Ayaw kong mabahiran ng pintura ang
Makinis mong brasoPaano mo nasabing 'Pagod ka na?'
Hindi ka naman siguro nakatulog sa kakaintay kahit
Ako ay gugol sa pagpinta ng mukha mo, diba Lucila?
Susunduin pa rin kita
Ihahatid pa rin kita sa silid ng mga humanistaPasensya ka na kung matigas ang ulo ko
Dahil nandito na naman ako sa labas ng bahay nyo, nakatayo
Tapos ka na bang mag-ayos?
Nakakain ka ba ng maayos?Isang hakbang ang binigay ko na sya ring pagbukas ng pintuan
At unang lumabas
Ang lalaking kasa-kasama ko dati sa kalokohan
Kahit naguguluhan, masaya pa rin akong sinalubong ka
'Tropa?'Nakakabigla
Bakit kayo magkahawak kamay na lumabas ng bahay, 'Lucila?Pasensya ka na
Dahil hindi pa ako nakapagbihis at nakapaglinis
Ng kalat na itsura
Kaya siguro nagalit ka'Pero bakit sya pa, Lucila?
Oo nga, isa lamang akong taong gumuguhit
At pumipinta ng mga bagay na tungkol sayo
Diba humanista ka Lucila
Pero bakit mo ko sinasaktan na parang hindi makatao?
At kung kelan malapit ko nang matapos ang pinta
Ay saka ka lalayo,
Lucila?
*
- Para kay Lucila Jeanne
Omffff. Wag kang magalit pls.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...