nakaupo
nakatungo ang ulo
habang nakikiramdam sa
isang presensya sa may dulo
tila isang mahika
ang dumaloy sa katawannanunuot pa sa ilong
ang mahalimuyak
na pabango
na galing sakanyaat ang tinig nitong kakaiba
parang tinangay na hangin
at nag-anyong palad
ramdam ko
ang taglay nitong lambot
na humaplos sa aking dibdibisang pamilyar
na sensasyon
ng pag-ibig
ang tangan-tangan ng isang
marikit na dalaganakakakaba
tila ako'y nasa ilalim ng
isang gayuma
o hindi kaya'y nilulunod
sa kumunoy na
nakasalamin sa kanyang
mga matahindi maigalaw ang
bawat biyas
nakapako lamang sa
upuang gawa sa kahoy
na makintabtila may nakapalibot
na isang umiilaw na lubid
sa aking katawanpilit akong bumalik sa
pagkakatungosaka sumuot sa magkabilang
tenga
ang nakakaakit nitong tinig"ven, mi amor"
at doon ako'y
nagising
mula sa pagkakahimlaypanaginip?
ngunit
bakit
natigal-gal ako nang
mapagtantoang marikit na dalaga
sa aking mahiwagang mundo
ay nakatayo sa gitnatuluyan na ngang nabihag
ang aking pusokahanga-hanga
- para sa isang mujer bonita
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...