Huhupa
Hanggang sa mawala
Hanggang sa maging anim
Maliit
Malaki
Paikli ng paikli
Pero maliTutubo ang mga palay na tinanim
Kukupas ang rosas
Pipiyok ang boses na malaginto
Pero ang kalayaang hinihingi ko ay limitadoSaan ba patungo?
Sa bahay na may kadena?
O sa bahay na puno ng misteryo?
Kabisado ko ng
Maglakad
Sa kawalanHuminto
Tumitig sa walang buhay na guhit
At may nakaukit na mensahe
Kahit bumyahe
Kakayanin ba?
Kaya kapag tuluyan nang sumamaAt kung lilipat man sa dapit roon
Matatagpuan ko ang dating direksyon
Papunta
Sa hulmang ako ang gumawaBawat sulok
Paulit-ulit
Paikot-ikot
Na sinadya
Para maging korona
Pero hindi ako reynaHindi rin prinsesa
Kundi isang taong hindi ordinaryo na nabibilang sa mga grupong may pinaghuhugutan
At ang tanging kinakapitan ay pangmatagalang kahon
Kahon ng kapalaran
Pero hindi mo man lang sinubukan
Pailalim
Hanggang sukdulanKaya nanghuhusga
Sa taong nakatira
Sa loob ng makapal na papel
Na may apat na sulok
Nagmumukmok
Hindi regalo
Pero nakalitaw ang ulo
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...