Kapusin man ng hininga
Mawala man ang paningin
At kahit dumating ang araw na sasabog ang mundo
Kung sakaling tatagos na ako sa katawan mo
Habang magkaharap tayoIisipin ko pa ring ako ang ngingitian mo
Kahit na ang nasa likod ko ang binibigyan
Sa masisilaw na ngipin
Sa kurba ng labing kulay rosas
Bigla kang maglalakad at nakapormang yakap
Ako sana
Ako dapat
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...