Prologue

636 13 0
                                        

"Fawzia! Maligo ka na! Papasok ka pa sa school!"sigaw ni Mama mula sa ibaba.

"Mama naman! Dalawang oras pa lang po ang tulog ko! A-absent po muna ako!"balik sigaw ko bago nahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Mama. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang hawak niyang hanger. Ayokong ma-hanger!

"Babangon ka o babangon?"

"Sabi ko nga po babangon na. Ikaw po talaga, Mama, masyado kang hot!"

Pagkatapos kong maligo ay napalingon ako sa uniform na nasa ibabaw ng kama ko, nandoon rin ang bag at sapatos ko. Hindi naman sila masyadong prepared, 'no? Mas excited pa sila kaysa sa akin.

"Papa, saan po pala ako papasok?"tanong ko sabay kagat sa pandesal at inom sa tasa na may lamang kape.

Sila naman kasi ang nag-enroll sa akin kaya wala akong ideya. Hindi ako nakasama noon dahil tinatamad ako, choss. Kalilipat lang namin noong nakaraang buwan dito sa Quezon, though dito naman talaga lumaki ang Papa ko. Napagpasyahan lang nilang bumalik dahil walang kasama si Lola, bukod pa doon ay wala siyang katulong sa pamamahala sa farm.

"Sa pinto."sagot niya kaya napairap ako.

"De joke lang, ito namang anak ko masyadong high blood. Manang mana sa Mama niya."natatawang aniya kaya sinamaan siya ng tingin ni Mama.

"Joke lang, baby."

Baby? Yucks!

"Sa Sariaya Integrated National High School ka papasok."wika ni Mama.

"Saan po 'yon?"

"Doon."

Napasimangot ako. Saang lugar kasi? Magulang ko ba talaga 'tong dalawang ito? Bakit napakapilosopo?

"Kayo talaga, ang aga-aga pinagkakaisahan n'yo ang maganda kong apo."

Lumapit si Lola sa amin kaya tumayo ako upang magmano.

"Saan po kasing lugar?"

"Doon nga."tipid na sagot nilang dalawa kaya napairap ako.

"Saang doon nga po?"

"Doon sa malayong lugar."

"Mama naman eh! Kapag ako naligaw talaga!"reklamo ko ngunit tinawanan lang nila akong tatlo. Napa-face palm na lamang ako sa mga kalokohan nila. Maya-maya pa ay may nadinig kaming bumubusina sa labas.

"Nandyan na 'yung sundo mo, mag-ready ka na."sabi ni Mama.

Wow, may pasundo! Ano ako bata? May pa-ganoon pa pala sila dito. Isinakbit ko ang aking bag.

"Aalis na po ako."sabi ko matapos humalik sa kanilang tatlo.

"Goodluck, apo!"

Nginitian ko si Lola. Pagkalabas ko ng gate ay tumambad sa akin ang isang jeep, mistulang bus ang disenyo nito pero jeep talaga siya. Wala pa masyadong nakasakay. Bale apat pa lang kami kasama 'yung driver.

"Transferee ka, Ineng, 'no?"tanong ng driver.

"Opo."nakangiting sagot ko.

Maya-maya pa ay huminto kami sa ilang bahay para daanan ang iba pang estudyante. Nasa dulo akong parte ng sasakyan. Mas trip ko kasing maupo dito kaysa sa gitna. Napansin kong pasulyap-sulyap sa akin ang babaeng katapat ko kaya nilingon ko siya.

"Hi, Miss! Ako nga pala si Eva."nakangiting aniya.

"Hello, Fawzia ang pangalan ko."

"Anong section mo?"

"Hellium."

"Talaga? Edi kaklase mo pala si Dirk."sabay turo sa katabi niyang lalaki na wagas makapagpahid ng lip tint.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon