"Ang bango ng buhok mo, Fawti. Anong shampoo mo?"tanong ni Van habang sinusuklayan ako. Yeah, may tagasuklay ako. Alipin ko kasi 'tong ulol na 'to.
"Downy. Hoy, Vans of the wall! Fawzia ang pangalan ko, hindi Fawti!"pagtatama ko.
"Ayaw ko, mas gusto ko ang Fawti."
"Whatevah!"maarteng sagot ko sa kaniya.
"May boyfriend ka ba, Fawti?"tanong ni Trevor.
Pati siya ay nakiki-Fawti na! Gosh!
"Wala at wala akong balak magkaroon."
"Eh crush?"pangungulit ni Gon. Bago pa ako sumagot ay nakapagsalita na si Ken.
"Syempre meron, si Lincoln!"
"Whoooooah!"
"Lincoln ka pala ha!"
Binatukan ko si Ken. Ang kinginang 'to ipapahamak pa ako.
"Wala akong crush, 'no! Naniwala naman kayo sa abnoy na 'yan!"
"Pareng Lincoln, crush ka pala ni Fawti! Crush back mo na nga."
Sinamaan ko ng tingin si Trevor.
"Sabi ko nga joke lang. Easy, Fawti, easy!"
"Tangina n'yo."inirapan ko sila at itinuloy ang pagsasagot sa aking notebook.
"Saan ka pala nakatira, Fawti?"tanong muli ni Trevor. Ang kulit! Ayaw akong tantanan.
"Sa bahay."
"Malamang."
"Alam mo naman pala eh ba't ka pa nagtatanong?"
"Easy ka lang. Sige, ganito na lang, saan nakatayo ang bahay n'yo?"
"Sa lupa."
Napasabunot siya sa kaniyang buhok kaya lihim akong natawa. Mapikon ka na! Nilingon ko si Van.
"Tirintasin mo ulit ang buhok ko."utos ko.
Kaagad naman siyang sumunod at inayos ang buhok ko. Oha! Kalalaking tao ang galing magtirintas. Ako nga hindi marunong. Dinaig pa ako. Baka naman kafederasyon siya? Pero malabo naman kasi lalaking lalaki ang porma niya. Sayang din ang lahi kapag nagkataon. Pero kung sabagay pwede pa rin namang siyang magkaroon ng anak kung sakali man.
"Hoy! Hoy!"kinalabit ko si Dirk nang may maalala. Agad naman siyang humarap sa akin.
"Bakit? Bakit?"
"Samahan mo ako mamaya sa bookstore."
"Anong gagawin natin doon?"
Napairap ako sa itinanong niya.
"Baka bibili ng damit! Malamang bibili ng school supplies or books!"
"Bakit ako? May gagawin ako mamaya."aniya kaya napanguso ako. Bumaling ako sa kaniyang katabi. Si Ken naman ang kinulbit ko.
"Samahan mo ako mamaya."nakangiting anyaya ko.
"Saan?"
"Sa bo—"
"Darating— aray ko naman! Ang bigat talaga ng kamay mong babae ka!"reklamo niya habang nakahawak sa kaniyang batok.
"Umayos ka kasi!"
"Hindi ako pwede mamaya!"
"Bakit ka sumisigaw?!"pinanlakihan ko siya ng mga mata para masindak.
"Eh sumisigaw ka rin kaya!"
Napa-face palm na lamang ako. Walang kwentang kausap! Sino ang kasama ko mamaya? Haays, I feel so lonely. Choss! Napagawi ang tingin ko sa aking katabi.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...
