Chapter 58

89 5 3
                                    

"Noong umamin ka, anong sinabi niya?"tanong ni Lincoln kaya napabuntong hininga ako.

"Noong una, panay ang pag-iwas niya sa akin.Bigla siyang nagbago matapos kong magtapat.Ang akala ko kasi parehas kami ng nararamdaman.Itinaboy niya ako palayo at talagang nasaktan ako, pero hindi naman automatic na nawala kaagad ang feelings ko.Ang inisip ko na lang non ay iiwasan ko na siya at hindi na aabalahin pa, pero alam mo kung anong ginagawa ng kapatid mo sa tuwing lumalayo ako?"

Nanatiling matamang nakikinig si Lincoln na tila walang gustong palampasin na bawat salita.

"Siya ang gumagawa ng paraan para magkita kaming muli.Edi ayon, umasa na naman ako.Noong birthday ng kaibigan niya, habang nagsasayaw kami sa gitna ng maraming tao, nagtapat siya.Ang sabi niya mahal niya rin ako pero hindi kami pwede dahil masyado pa akong bata para sa kaniya."

"Iyon lang?Para doon tinanggihan ka niya?Tangina lang ha!"hindi mapakapaniwalang aniya.

"May isa pang rason kung bakit hindi niya ako magawang mahalin, Lincoln."

"At ano naman 'yon?"

"Dahil sa'yo."

"Ano?Anong dahil sa akin?Bakit ako?"tila takang taka siya sa aking sinabi.

"Dahil alam niyang gusto mo ako at gusto niyang mapapunta ang atensyon ko sa'yo.Gusto niyang ikaw ang mahalin ko."

Kitang kita ko ang pagbabago sa kaniyang reaksiyon.Tila hindi siya makapaniwala na ewan.Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling muli iyon sa itaas.

"Hindi kayo close ni Law dahil hindi kayo magkasamang lumaki pero hindi ibig sabihin non na hindi ka niya mahal."

"Dahil iyon ang totoo.Wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya."

Natawa ako ng mahina.

"Kung sarili lang pala niya ang iniisip niya, magagawa ba niya akong itulak papalapit sa'yo?Malinaw na malinaw na sinabi niyang hindi kami pwede dahil mahal mo ako.Sa tingin ko, mahal ka ng kapatid mo.Hindi lang siguro siya showy, pero malay ba natin?"binalingan ko siya at nakitang nanatili pa rin pala sa akin ang kaniyang mga mata.

"Nagawa mo na ba siyang kausapin at tanungin kung bakit niya kayo iniwan ni Tita Loren?Bakit hindi mo subukang pakinggan ang side niya, Lincoln?Hindi sa kumakampi ako sa kaniya pero walang mawawala kung mag-uusap kayong muli."

"Hindi ko alam, Fawzia.Naguguluhan ako.Siya ang nag-iisa kong kapatid pero nagawa niya kaming iwan ni Mama.Dahil lang sa mapera ang walang hiya niyang ama?Iyon lang ba 'yon?"

"Papaano kung may malalim pala siyang dahilan?Papaano kung hindi lang dahil sa marangyang buhay na tinataglay ng tatay ninyo?"

Kumibot ang kaniyang labi at tila may nais pang sabihin ngunit sa huli'y tumikom rin.Lumipas ang ilang minuto at walang nagtangkang magsalita sa amin.Tahimik lamang kaming pareho na nakatanaw muli sa kalangitan.Humikab ako at nag-unat-unat ng binti.

"Umuwi na tayo."wika ni Lincoln bago naunang tumayo.

"Oh, okay."tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya sa paglalakad.

"Bakit dyan ka umangkas?"usisa ko nang sakyan niya ang aking bike.

"Trip lang.Sakay na, iwanan kita dyan eh.Sige ka at baka 'yung manananggal pa ang maghatid sa'yo pabalik."pananakot pa niya kaya napangiwi ako.

"Ulol!Ikaw ang ipapahatid ko doon."nakasimangot na umangkas ako sa likurang upuan.Kaya ko namang mag-balance kaya kahit hindi ako humawak kay Lincoln ay ayos lang.Habang nasa daan ay may naisip akong kalokohan.

"Baloooot!Penoooooooy!"sigaw ko na ikinahinto ni Lincoln.

"Hoy!Bakit ka huminto?"kunot noong tinapik ko ang kaniyang likuran.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon