Nagtungo ako sa bandang likuran upang itapon ang balat ng kinain kong chocolate bar.Kaaalis lamang ng teacher namin at hinihintay na lamang na magring ang bell.Napadako ang tingin ko doon kay Lincoln.Nakatayo siya at nakasandal sa gilid ng isang upuan habang kausap ang ilan, sina Van at Gon ata 'yon.
"Fawzia!"sigaw ng kung sino kaya nilingon ko iyon.
Nakita ko si Dirk na sinisenyasan akong lumapit.Malayo siya sa tunay niyang silya at mukhang lumipat pa upang makipagchismisan.Naglakad ako papunta sa kanila habang ipinapalandas ko ang aking kamay sa bawat upuan na nadadaanan.Feel ko eh, why ba?
"Bakit?"tanong ko kay Dirk.
"Hi!I'm Stella."pagpapakilala ng mga babae sa kaniyang tapat.Nagpakilala rin ang iba pa na sina Ava at Phoebe.Nginitian ko sila at naupo sa silyang bakante.Sumandal pa ako doon at nagcrossed arms.
"Fawzia."pagpapakilala ko rin.
Ready na sana akong makipagchismisan nang maramdaman kong may sumipa sa aking inuupuan.Hindi ako natinag ngunit ng sa gilid ng bandang likuran ko na iyon tumama ay hindi na ako nakapagtimpi.Kunot noong nilingon ko ang punyetang papansin.
"Ano bang problema mo?"
Lalong nagaalubong ang aking kilay ng makitang si Lincoln iyon.
"'Yung bag ko inipit mo na."seryoso at mariing sagot niya kaya kaagad akong umalis sa pagkakasandal.
Tumayo ako at nakitang mayroon ngang itim na bag doon, Armani pa ang tatak.Edi siya na ang sosyal.Halos wala namang laman ang bag niya kundi hangin.Nag bag pa siya?Nang malingunan ko sina Dirk ay nakita kong nakangisi siya samantalang sina Stella naman ay sinisenyasan akong umalis na.Iyon na nga sana ang gagawin ko ng magsalita muli si kabayo este si Lincoln.
"Baka gusto mong ayusin, ano?"
Nilingon ko siya at nginitian.
"Ayoko, ikaw na lang ang gumawa.Tinatamad ako."wika ko bago siya tinalikuran dahil nagring na ang bell.Kumapit ako sa braso ni Dirk upang ayain na siya paalis.
"Ken!"tawag ko kaya napalingon siya sa amin.Sumenyas ako na kakain kaya naglakad siya papunta sa direksyon namin ni Dirk.
"Next time na lang Fawzi, may gagawin pa kasi ako ."
"Ah, ocakes."
Hinila ako ni Dirk papunta sa Cafeteria.
"Ang sakit ng sipa ni Horsie."reklamo ko habang hinihimas ang aking bandang likuran.
Natamaan ako, peste siya!Mabuti na lamang at hindi nadumihan ang uniform ko dahil luluhod siya sa harapan ko kapag nangyari iyon.Tadyakan ba naman ako sa likod.Pwede namang magsabi ng excuse me o 'di kaya ay kamay ang gamitin niyang panulak, hindi 'yung naninipa siya dyan na parang kabayo.Bwisit siya!
"Horsie?Sino 'yon?"nagtatakang tanong ni Dirk habang nakapila kami.
"Sino pa?Edi si Lincoln!"
Natawa siya sa aking sinabi.
"Lakas manipa, daig pa ang kabayo!"
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room.Naabutan ko pang nakatingin sa amin sina Lincoln, ang sama ng tingin sa akin ni Horsie pero hindi ko na pinansin.Naks!Hindi pinansin?Para namang close kami.
Maya-maya pa ay dumating na ang P.E teacher namin.Sinabihan kami nitong magdala ng P.E uniform bukas.Siguro naman ay mayroon na ako non sa bahay?Si Mama pa?Masyado 'yung prepared sa lahat ng bagay.
"Sabay tayo mamaya."bulong ni Dirk kaya tumango na lang ako.
Nang mag-uwian ay sabay kaming tatlo nina Dirk at Ken.Nasa gitna ako at parehas silang nakahawak sa braso ko.Para namang tatakas ako.
"Kumakain ka ba ng street foods, Fawzi?"
"Oo naman, anong tingin mo sa akin rich kid para hindi kumain non?"
"Sige, tara kumain muna tayo.Mamaya pa naman ang dating ng service."anyaya ni Dirk.
Hinila nila ako papunta sa tindahan ng street foods.Agad na nagningning ang mata namin nang matanaw ang mga pagkain.Kwek-kwek lang naman ang kinakain ko rito, ang sarap kaya ng itlog ng pugo.
"Magkano po lahat?"tanong ni Ken.
Nice manlilibre pa ata siya.
"150, hijo."sagot ng ale.
Naglahad ng kamay si Ken sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"Bwakit?"may subo kasi akong tatlong kwek-kwek.
"Manlilibre ka, hindi ba?"nakangiting pagpapaalala niya.Napailing na lang ako bago dumukot ng pera sa bulsa.
"Wagas kayong dalawa kung makapag-aya pero ako naman pala ang magbabayad sa mga kinain natin!"pagrereklamo ko pero tinawanan lang ako ng dalawang itlog.
Wala pa kami sa main gate.Nasa gate pa lang kami ng Project 8.Medyo malayo din ang lalakarin namin.Maya-maya pa ay may nakita kaming isang batalyon ng kalalakihan ang papunta sa gubat.
"May laban sina Lincoln?"tanong ni Ken kay Dirk.
"Oo ata."
Yown!Away!Pustahan!Nagningning ang mata ko sa narinig.Hinila ko sina Dirk patungo sa gubat.
"Gaga ka talagang babae ka!Hindi ka ba natatakot?"tanong ni Dirk.
"Hindi, 'no!Sayang ang pustahan.Baka manalo ulit ako."nakangising sagot ko.
Nagtinginan silang dalawa bago napailing.
"Tara na kasi!"sabay higit ko sa kanilang braso.
Wala silang nagawa kundi ang magpatianod.Mabuti naman at hindi gaanong siksikan kaya nakikita namin ang nasa gitna.
Ulalam~
Nasa gitna si Lincoln habang kaharap ang isang lalaki.Palagay ko ay senior ang kalaban niya.Witwew!Naks!May abs ang kabayo!Napapadyak ako ng may humarang sa unahan ko.Nilingon ko si Dirk at Ken, nginitian ko sila.
"Ano na namang binabalak mo?"tanong ni Dirk.
"Buhatin n'yo ako!Bilis!"nakangising utos ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Ficción GeneralFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...