Nakaupo lamang ako sa bench habang tinatanaw sina Van at Stella.Hindi sila nagsisigawan pero halatang malalim ang pinag-uusapan nila.Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mag-ring ang aking cellphone.Tumatawag na naman si Law.
"Oh, bakit?"bungad ko pagkasagot.
"Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko?"
"Wala ka namang sinabing mag-reply ako."
Nadinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Nami-miss kaya ako ng lokong 'to?Panay ang tawag at text sa akin eh.May oras pa siyang gawin iyon gayong nagpapatakbo siya ng isang kompanya?
"Of course, you should.I was waiting for you to respond to my messages.Are you busy?"
"Hindi naman."
"Don't you have class?Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase mo."
"Huwag na, wala ako sa school."
"What?Hindi ka pumasok?Masama ba ang papakiramdam mo?"
"Hindi rin!Nag-cut ako ng klase kasi may event.Tinatamad akong manood."
"For pete's sake, Fawzia!You're a girl and you shouldn't skipped your class!"
Galit na galit yarne?
"Eh sa tinamad ako eh.Wala namang klase kaya ayos lang.Ano bang sadya mo?"
"Nasaan ka ngayon?Nasa bahay ka ba?"
"Wala rin."
"Then where are you?"
"Babe!"
Akmang sasagot na ako nang may sumigaw na lalaki.Dahil dakilang chimosa ako ay nilingon ko iyon kahit hindi naman ako ang tinatawag.Napangiwi ako nang makita ang isang couple na wagas kung makapagyakapan.Edi sila na.
"Are you on a date?"seryosong tanong ni Law kaya napabalik ang atensyon ko sa kaniya.
"Huh?"
"Who's with you, Fawzia?"
"Wala, hindi ako nakikipag-date, baliw!May sinamahan lang ako."
Natanaw kong papalapit na si Stella sa akin.Hinanap ko si Van at nakitang taliwas na direksyon ang tinatahak niya.Ang drama ng buhay ng dalawang 'to.Pwedeng isabak sa MMK o Magpakailanman.
"I love you, babe!"
Napasimangot ako nang marinig na naman 'yung magkasintahan sa kabilang bench.Ang lakas-lakas ng boses!Edi sila na ang may lovelife.
"Bye na, mamaya na lang tayo mag-usap."sabi ko kay Law bago putulin ang tawag.Nasa harap ko na rin kasi si Stella.Tumayo ako at pumantay sa kaniya.
"Anong nangyari?Anong sinabi ni Van?"
Hindi siya nagsalita at sa halip ay yumakap lamang sa akin habang umiiyak.Hindi na ako nag-usisa pa hanggang sa maihatid ko sa sakayan si Stella.Halata naman sa ikinikilos niyang hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Van.Pero sana magkaayos na sila kaagad.Kawawa si Stella kapag hindi tinanggap ni Van ang bata.Palibhasa ang mga babae ang nabubuntis kaya patanggi-tanggi na lang ang mga kalalakihan.
Pagkauwi sa bahay ay kaagad akong dumapa sa kama.Pagod na pagod ako kaya mabilis akong nakatulog.Kinagabihan, nang buksan ko ang aking cellphone ay nakita kong tadtad ako ng message galing kay Law.
"Fawzia, why did you ended the call?"
"Hey, why aren't you replying?"
"Go home now, kid."

BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...