Chapter 9

79 7 0
                                        

"You done?"

Kumatok si Lincoln sa pinto.Mukhang nainip siya kaya sumunod na.

"Oo, saglit lang!"

Inayos ko ang isinuot kong palda kanina.May tagos na 'yon kaya hindi ko na magagamit.Napangisi ako sa bagong uniform skirt na ibinigay ni Lincoln.Kasya sa akin ah.Kanino kaya 'to?Baka sa kaniya 'to?Choss!Lumabas ako sa c.r at nakitang nakasandal sa tabi ng pintuan si Lincoln.

"Saan mo 'to nabili?"turo ko sa palda.

Napakamot siya sa batok.

"Hindi ko 'yan binili, sa kaibigan ko 'yan."

"Ah, ocakes.Sa Monday ko na lang ibabalik."

Tumango siya bago ako talikuran.Paika-ika pa rin siya habang naglalakad.Nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran.

"Mabuti at hindi ka nahiya sa pagbili ng napkin ko."

"Ano namang nakakahiya don?Ang tanga naman nila kung iisipin nilang para sa akin 'yon, hindi ba?"

Napangiti ako.Sabagay, tama nga naman siya.In fairness, may point ang gwapo este gago.

Kinatanghalian ay tumulong ako sa pagluluto ng meryenda.Kasama ko sina Van at Stella.Sila kasi ang naatasang mag-prepare.Sumama lang talaga ako kasi wala akong magawa.

"Fawzia, hindi ganiyan ang tamang pagpiprito.Ayusin mo naman, masusunog na oh!"naiinis na sabi ni Van.

"Manahimik ka!Dyan ka sa niluluto mo mag-focus!"pagtataboy ko sa kaniya.

Napailing na lang siya sa akin.Si Van na talaga ang star sa porn star este sa christmas tree.Marunong na ngang mag-ayos ng buhok, marunong pa magluto.Dinaig pa ako!Nakakaloka talaga siya, Darla!

"Tumigil na nga kayo dyan!Ang ingay n'yong dalawa!"masungit na saway ni Stella sa amin sabay irap kay Van.

Wews!Anyare 'teh?Taray ah!

Nang matapos kaming magluto ay dinala namin iyon sa room para makakain na kami.Nasa baba ang kitchen na dating canteen, pinayagan naman kaming makialam dahil kay Lincoln.Wala eh, ang lakas ng backer.Kanina ko pa rin napapansin ang pagtataray ni Stella kay Van,  habang si Van naman ay tila walang pakialam.Panay ang irap ni Stella sa lalaki.Nang hindi na ako nakatiis ay kinalabit ko si Gon.Siya kasi ang katabi ko ngayon, sa kaliwa ko naman ay si Ken.

"Oh?"tanong niya.

"Magkaaway ba sina Stella at Van?Bakit parang inis si Stella sa kaniya?"

Natawa siya na ipinagtaka ko.

"Mag ex 'yang dalawa, hindi mo pa ba alam?"

Eh?Kaya naman pala!Hmm that's explain why kaya parang may ilangan sila sa isa't isa.

"Hindi, hindi ba obvious?Magtatanong ba ako kung alam ko?Anyway, sino ang nakipag-break?"

"Si Van."

"Bakit daw?"

"Nahuli niya kasi si Stella na niloloko siya."

Ohh!Manloloko pala!Choss!Napaka judgemental ko naman.

"Baka naman misunderstanding lang."

"Misunderstanding ba 'yung nakikipag-sex siya sa c.r?"

"Eh?!Hindi nga?!"nagugulat na sigaw ko dahil sa pagkabigla.Grabeng chismis kasi!

Napalingon ang mga kaklase ko sa aming direksyon kaya sinamaan ako ng tingin ni Gon.

"Hehehe wala 'yon.Go!Kumain lang kayo!"pagpapalusot ko.

"Ang ingay mo.Huwag mong ipagkakalat 'yon ah."bilin ni Gon kaya tumango ako.

"Mukha ba akong madaldal?"

"Oo."

Aba't!

"Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan?"

"Oo, nagtanong ka pa─ aray ko naman!Ang bigat talaga ng kamay mong babae ka!"pagrereklamo niya nang hampasin ko siya.Tumayo siya at lumipat ng pwesto sa tabi ni Dirk.

Pero omg!Nahuli ni Van na nakikipag-sex si Stella sa c.r?Sino kaya 'yung kachukchakan niya?
Hindi ako chismosa ha!Slight lang.Pero kung si Stella naman pala 'yung nanloko eh bakit siya pa 'yung g na g?

"Si Derrick 'yung kaanuhan ni Stella."

Napalingon ako nang magsalita si Ken.

"Sinong Derrick?"kunot noong tanong ko.

Nakikinig pala ang gunggong na 'to sa chismisan namin ni Gon.Another chismosa spotted!Welcome to the club, pare!

"Isa sa mga senior high.'Yung kalaban ni Lincoln noong first day mo sa school, siya 'yon.Ang pangit niya,  hindi ba?"

Napatango ako.Mas gwapo nga naman si Van kaysa don!

"Hanggang kailan mo ba ako balak tiisin, Van?!"

Naagaw ang atensyon namin nang marinig ang pagsigaw ni Stella.Tumayo siya sa harapan ni Van.Tila wala namang pake si Van at patuloy lang ang pagkain.Nagulat ako nang itapon ni Stella ang pagkain ni Van.Grabe naman si Ate!Hinampas ng malakas ni Van ang kaniyang desk bago tumayo.

"Putangina, Stella!Ano bang problema mo?!"buong lakas na sigaw niya at tila nawalan na ng pasensya.

Para kaming nasa sinehan.Napalingon ako sa katabi ko at nakitang may pagsandal pa ito sa kaiyang silya.Ay wow!Feel na feel?Ang iba naman ay walang pakialam kagaya nina Lincoln at Trevor na naninigarilyo lamang sa tabi ng pinto.Lakas makapanigarilyo porke tago ang room namin!Anyway, let's go back to Stella and Van.

"Ikaw ang problema ko!"balik sigaw ni Stella.

"Matagal na tayong tapos!Ang tigas naman ng mukha mo para kausapin ako matapos mo akong lokohing putangina ka!"galit na galit si Van at halos gusto na niyang sapakin si Stella.Dahil walang nagtangkang umawat ay tumayo na ako at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Itigil n'yo na 'yan."

Napataas ang kilay ko nang samaan ako ng tingin ni Stella.Anong problema nito?

"Shut up, bitch!Huwag kang makialam dito!"

Aba't!Ang punyetang babaeng 'to!

"Stella, 'wag mo siyang sigawan!"pagtatanggol ni Van sa akin.Nagpabalik-balik ang tingin ni Stella sa amin ni Van.

"Siguro ikaw ang bago niya, 'no?Ke bago-bago mo pa lang ang landi-landi mo na─ "

Dinig ko ang pagsigaw ng iba matapos kong sampalin si Stella.Hindi lang isa, kung hindi dalawa. Sumeryoso ako at nakipagtitigan rin sa kaniya.Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi habang umiiyak.

"Sa susunod ayusin mo ang tabas ng dila mo.Hindi ko siya inaawat dahil may gusto ako sa kaniya or whatsoever.Inawat ko si Van dahil sumosobra na siya.Babae ka pero kung mamura ka niya ay sagad na sagad sa buto.Pero alam mo, Stella?Sana hindi ko na lang 'yon ginawa kasi nakakatangina naman pala talaga 'yang mindset mo!"

"Fawzia, tama na 'yan.Kumalma nga kayo!"pag-aawat sa amin ni Dirk.

Hinawakan ako ni Phoebe sa balikat at inilayo doon.Natahimik silang lahat habang ako ay wala ring imik na bumalik sa pwesto ko.

"Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ni Ken kaya tumango ako.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon