Chapter 32

76 5 0
                                    

"Anak, totoo bang binusted mo si Lincoln?"halata ang pagkadisyama sa boses ni Papa nang tanungin niya ako.Siguradong isa kayna Lincoln at Tita Loren ang nagbalita non sa kanila.

"Opo."

"Ha?Pero bakit naman?Ang akala ko ba nasa M.U. stage na kayong dalawa?"

"Wala pong gano'n, Mama.Gusto ko si Lincoln pero bilang kaibigan lang po."

"Pero anak, ang bait-bait kasi ni Lincoln at ng Mama niya.Hindi ba talaga pwedeng bigyan mo siya ng chance?"

Walang tunog na inilapag ko ang hawak na mga kubyertos at pinakatitigan ang aking mga magulang.Nanatiling tahimik si Lola na tila naninimbang ng sitwasyon.

"Mama, Papa, sana naman po ay respetuhin n'yo ang desisyon ko.Kapag sinabi ko pong ayaw ko kay Lincoln, ayoko po.Huwag n'yo po sana akong ipagtulakan sa lalaking hindi ko naman po gusto."napabuga ako ng hangin bago tumayo."Tapos na po akong kumain, sorry po."mababa ang boses na iniwan ko sila.

Pagkarating sa silid ko ay napatulala na lamang ako sa kusina.Wala sa sariling inabot ko ang aking cellphone at tinawagan ang number ni Law.Hindi ko alam kung nagpalit na ba siya ng number o hindi, pero susubukan ko pa rin.Napabuga ako muli ng malalim na paghinga nang hindi ko siya ma-contact, gayon pa man ay nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.

"Nililigawan ako ni Lincoln."

Iyon ang message ko kay Law.Ano kayang magiging reaksyon niya?Nang wala akong matanggap na reply ay ibinaba kong muli ang aking cellphone.Habang nakikinig ako ng music ay nag-pause ang kanta dahil mayroong nag-text.Napangiwi ako kahit na natutuwa nang makitang mayroon ng reply si Law.Nakakahiya naman sa isang oras na paghihintay ko sa kaniya, 'no?Kung ganoon ay iyon pa rin pala ang number niya.

"No one is asking and I don't give a damn about you and that dickhead."

Grabe sa sungit ha!Pero hindi bale na nga, at least nag-reply siya.

"Sa tingin mo mahal niya talaga ako?Mukha rin kasi siyang pursigido."

Halos mamuti na ang mga mata ko kakahintay sa kaniyang reply.This time ay inabot siya ng kalahating oras bago nakapag-reply.Ano kayang ginagawa ng mokong na 'to?

"What's the point of telling me, kid?I said I don't give a damn."

"Sorry naman po, Mr. Who doesn't give a damn.Kailangan ko po kasi ng payo dahil Kuya kita.Ano po bang tingin n'yo kay Lincoln?"

Sinadya ko talagang i-po siya at tawaging Kuya nang makabawi-bawi man lang sa kasungitan niya.Siya lang ang nakakaganito sa akin, nakakabawas angas tuloy.Pasalamat siya at crush ko siya!

"He's an ass, dump him."

Napabangon ako sa kaniyang sinabi.Kusa na lamang akong napangiti.Hindi ko maiwasang hindi umasa.Ipinatong ko na ang cellphone sa ibabaw ng drawer at hindi na nag-abala pang replyan si Law.Baka busy siya tapos mas lalo pa siyang mainis sa akin.

Dahil walang pasok kinabukasan ay nagpasya akong magtungo sa office ni Law.Trip ko lang siyang bwisitin este bisitahin.Nang makakain nang umagahan ay kaagad rin akong umalis.Nag-commute lamang ako papunta kay Law.Sana lang talaga wala na si Danni doon.

Napangiti ako nang matiwasay akong makapasok sa loob.Hindi man lamang ako hinarangan ng mga guard dahil kilala na nila ako, ngunit nang malapit na sana ako sa office ay natanaw ko na naman si Danni.Magtatago na sana ako ngunit nakita niya na ako, inayos ko ang postura ko at nilabanan siya ng titig.Tumayo siya mula sa kinauupuang silya at nilapitan ako.

"You again, kid?"mapanuyang pinasadahan niya ako ng tingin.Huminto pa iyon saglit sa aking puson at naalala kong nagkunwari nga pala akong buntis noon.Flat na flat pa naman ang puson at tyan ko ngayon, kinontian ko lang kasi ang kain.

"Hmm, so what brings you here?"

"Kailangan kong makausap si Law."

"Do you have an apppointment with him?"kahit na mukhang hindi niya nagustuhan ang presensya ko ay bakas pa rin naman ang pagiging propesyunal niya.Sayang, okay sana siya sa akin, kaso may gusto siya sa future husband ko.Hinaplos ko ang aking puson at nakita kong nagbaba siya ng tingin doon.

"Uh, of course, he knows that I'm here.Law and I need to talk pa kasi about our baby."

"Stop lying, I know you're not really pregnant."

"Papaano mo naman nasabi?"

"Para namang papatulan ka ni Sir gayong napakabata mo pa para sa kaniya.I bet you're just sixteen, am I right?"

"Nah, eighteen na po ako, Miss Danni."

"Ah, that's why malakas ang loob mong lumapit sa kaniya dahil nasa legal age ka na."natawa siya ng marahan at bakas na bakas ang panunuya doon. "As if namang papatulan ka niya."

"Yes, of course, and he already did.Kaya nga nandito ako para kausapin siya."lumapit ako sa kaniya ng bahagya habang malawak pa rin ang ngiti."Ang totoo nga niyan, balak niya na akong pakasalan.Mas excited pa nga 'yon sa akin noong nag-birthday ako.Sa wakas, nasa legal age na raw ako at nang makapagpakasal na kami."

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"What?!"

"Shh!Secret lang natin.Sige ka at ipagkalat mo nang sisantehin ka ng boss mo."

"You're just lying, kid."bakas na bakas ang pagkairita sa kaniyang ekspresyon.

"I am not.Anyway, balak kitang kuning isa sa mga abay kaya magpakabait ka, Miss Danni.Bye!"kinuha ko ang pagkakataon nang matulala siya at tila pinoproseso pa rin ang aking mga sinabi.Nakakatuwa naman siya, ang dali niyang mapaniwala.

Dahil sa sobrang excited kong makita si Law ay hindi ko na nagawang kumatok.Huli na ang lahat nang mapalingon ang lahat ng kalalakihan sa akin.Napalunok ako at gusto na sanang isara iyong muli nang magakatagpo ang paningin namin ni Law.Salubong ang kaniyang mga kilay na nakatitig sa akin.

"What brought you here?"

"Uh, pwede ba tayong mag-usap?"

"We are already talking."

Inilibot ko ang aking mata ko.Nakatingin silang lahat sa akin kaya medyo nailang ako.Hindi ko kering matitigan ng napakaraming pogi.Mayroon akong mga nakitang pamilyar na mukha kagaya nina Mcneir, Caesar, Kinsley at Atticus.Himala at wala si Manong Nigel.

"Can you still wait for a couple of minutes, Miss?"seryosong tanong ni Mcneir.

"Uh, s-sige."napayuko ako dahil sa hiya.Bigla akong na-intimidate, iba kasi 'yung aura niya kayna Law at sa iba pa nilang kaibigan.Scary si Kuya Mcneir!

"Thanks, please close the door as you leave."

Kabado akong tumango at mabilis pa sa alas kwatrong isinara ang pintuan.Napapunas ako ng pawis sa leeg.Grabe!Kinabahan ako do'n!Dinaig niya pa ang terror teacher ko kahit hindi naman siya nagsusungit!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon