"Kumpleto na muli ang magkakapatid na Cojuangco matapos umuwi ng pinakabatang miyembro ng kanilang pamilya na si Lucian.Inaasahan na mananatili siya at ang iba pa niyang mga kapatid sa loob ng bansa matapos masawi ng kanilang mga magulang sa isang plane crash."pagbabalita ng news anchor.
Napahinto ako sa pag-inom ng kape nang may mapansing pamilyar na mukha sa telebisyon.Oh, so kapatid pala ni Olga Cojuangco 'yung Lucian.Kawawa naman sila, naulila na.Matamang akong nakikinig at napag-alaman kong may dalawa pa pala silang kapatid na babae, sina Trina at Saoirse.In fairness, walang tapon sa kanilang magkakapatid.Ang ganda ng lahi nila.Pansin ko ring tila hindi nagkakalayo ang edad nila sa bawat isa.
"Kailan kaya ulit dadaan ang mga kaibigan mo, apo?"
Napalingon ako kay Lola nang magsalita siya.
"Hindi ko po alam, pero sa birthday n'yo po ay i-i-invite ko sila."
"Sana dumating si Lincoln."wika ni Mama na ikinatigil ko.
Kinagat ko ng mariin ang ibaba kong labi.Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang latest ganap sa buhay ng lalaking 'yon.Pero dapat ko pa nga bang sabihin gayong wala naman iyong kinalaman sa akin?
"Bakit natulala ka, anak?"
Napabalik ako sa aking sarili nang marinig ang boses ni Mama.Ngumiti ako at umiling.
"Wala po, may iniisip lang."
"At ano naman 'yon?Miss mo na rin si Lincoln, 'no?Ayieee!"
Napalunok ako.Halos ilang buwan na rin ang nakalilipas simula noong ikinasal siya kay Hannah.Pribado iyon at ilan lamang ang nakakaalam.Pero wala akong ideya kung alam na ba ni Law o hindi pa.Tinotoo ko rin kasi ang pangako ko kay Lincoln, kagaya ng nais niya ay hindi ako nagpunta sa kasal nila ni Hannah.Patuloy pa rin siyang pumapasok sa school, habang si Hannah ay pansamantalang huminto muna.Magkaibigan pa rin kami ngunit hindi na kagaya ng dati.Naiintindihan ko namang kailangan na niyang dumistansya ngunit minsan hindi ko pa rin mapigilang hindi malungkot sa hindi malamang dahilan.
"Anak?Fawzia?May problema ba?"
Pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa.Wala si Papa dahil busy siya sa farm pero mamaya ay susunod rin kaming tatlo doon.Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya sasama na lang ako sa kanila.
"Huwag mo akong pinaglololoko.Mayroon kang problema at hindi ka nagsasabi sa amin."
Ngayon ay nababaksan na ng kaseryosohan ang boses ni Mama.Nakakatakot pa naman siya kapag ganito.Sure akong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot.Dating imbestigador 'to eh.
"Mangako po muna kayong huwag n'yong ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa bagay na 'to."
Nagkatinginan silang dalawa ni Lola habang nakakunot ang mga noo.
"Huwag mong sabihin na buntis ka?"
Nanlaki ang aking mga mata.
"Lola, grabe ka po ah!Ni wala nga po akong kalandian o boyfriend."giit ko.
"Naninigurado lang.Ayoko pang magka-apo sa tuhod, 'no!"aniya.
"Alam ko na.May subject kang naibagsak, 'no?"panghuhula ni Mama kaya umiling ako.
"Eh ano pala?!"halos sabay pa sila nang itanong iyon.Napahawi ako sa aking buhok at mariin na ipinikit ang mga mata nang ilang segundo.
"Nakabuntis po si Lincoln at ikinasal na sila ng babaeng nabuntis niya."direktang aniko na ikinalaglag ng kanilang mga panga.
"H-ha?!Pero sino?Bakit?Papaano?"tanong ni Mama nang makabawi.
"Hindi ko po pwedeng sabihin ang pangalan.Basta iyon lang po, Ma, La.Ikinasal na po si Lincoln kaya kung umaasa pa po kayo sa aming dalawa ay napakalabo nang mangyari nang hinahangad n'yo."
"Sayang naman!Gusto ko pa naman ang batang iyon."bakas ang lungkot sa boses at ekspresyon ni Mama.
"Kaya pala hindi na siya dumadalaw dito.Teka nga, pero hindi ba naging kayo?Kahit palihim lang?"usisa ni Lola.
"Hindi po, La.Magkaibigan lang po talaga kami ni Lincoln."sagot ko.
"Pero ramdam kong mahal ka niya, apo."
Naramdaman ko rin po.
"Pero hindi bale, may isa pa akong manok."dagdag niya na ipinagtaka namin ni Mama.
"Sino naman po?"
Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Lola.
"Edi si Law!"
Halos masamid ako sa sariling laway dahil sa pagkabigla.'Yung paasang 'yon?De punyeta siyang lalaki siya!Naku!Baka hindi na kayanin ng dalawang 'to kapag sinabi kong magkapatid sina Lincoln at Law.
"Mama, malabong mangyari 'yang sinasabi mo.Mayaman 'yung si Law at kahit gaano pa kaganda si Fawzia ay hindi 'yon papatol sa kaniya."
Napangiwi ako sa sinabi ng aking ina.Parang hindi ako anak ah!
"Ma, anak mo ako!Nandito po ako oh."umakto pa akong nasasaktan habang nakahawak sa bandang dibdib.Kung alam lang nilang minsan ko na ring napaibig ang bwisit na Law na 'yon, wala nga lang siyang paninindigan at palabra de honor.
"Anak, I'm just telling the truth.Pero umamin ka, may crush ka doon sa Law na 'yon, 'no?"may mapang-asar pang ngiti sa labi ang aking ina.Umakto akong nasusuka.
Omg!Nahalata ba nila noon?Ganoon ba ako ka-obvious?
"Eww, Ma!Eww po!Hindi ko po 'yon crush.He's too old for me!"
"Sabi mo eh."nakangising aniya.Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa ngiting 'yon, mag-ina nga talaga kami ni Maria.
"Pero feeling ko may hindi ka pa nasasabi sa amin, apo."wika ni Lola.
"Feeling ko rin, Ma."segunda ni Maria Mercedes.
Nag-iwas ako ng tingin at akmang tatayo na nang mahawakan ako ni Mama sa braso.
"Fawzia, upo."mariing aniya kaya napabalik ako sa aking pagkaka-upo.
"Ma, wala po akong sikreto.Iyon na po 'yon."nakangusong giit ko.
"Huwag ka ng magsinungaling.Ikwento mo na ang dapat mo pang ikwento."
Haays, mukhang wala na talaga akong choice.Napabuga ako ng hangin.
"Huwag n'yo po itong ipagkakalat at pag-uusapan kapag nandyan ang mga kaibigan ko, lalo na po kay Lincoln."
Kahit na alam kong imposible namang makita pa nila si Lincoln na dumalaw dito sa bahay.Gusto ko lang ipaalala para handa.Tumango silang pareho.
"Magkapatid po sina Lincoln at Law."
"Ano?!"/"Ha?!"
Halos mapahampas pa ang dalawa sa mesa habang ako ay halos magkandahulog na sa kinauupuan.Nakakagulat naman kasi ang reaksiyon nila!My god!
"Magkapatid ang dalawang pogi na 'yon?"paniniguro ni Lola kaya tumango ako.
"Opo, as in same parents."
"Kaya pala pamilyar ang mukha ni Law noong nakita ko siya."wika ni Mama habang tila inii-imagine ang mukha ng magkapatid.
"Grabe pala ang koneksyon ng dalawang 'yon, 'no?Dinaig pa ang nasa teleserye."
Lalo na po ang love triangle namin.Charot!Baka hindi na nila makayanan kapag ikinuwento ko pa ang tungkol sa aming tatlo.Buong araw ay halos okupado ang isipan nina Lola at Mama.Tinatanong sila ni Papa ngunit hindi naman siya pinapansin.Kawawa tuloy itong kumpare ko.
"Bakit nagkaganoon 'yung dalawang 'yon?"usisa ni Papa sa akin.
"Ewan ko po, baka kulang lang po sa tulog."
Baka nasobrahan sa chismis!Choss!
__________________________________
Tapos wala pala kayna Law at Lincoln ang end game ni Fawzia, 'no?Baka si Lucian talaga kasi sa letter L din naman nagsisimula ang pangalan niya.Choss!Baka last chapter na ang Chapter 60, then Epilogue na.Kasipagan at motivation ang hinihiling ko pero bagong plot para sa bagong story ang nakuha ko, lol.Good night!:>
![](https://img.wattpad.com/cover/260021898-288-k551094.jpg)
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...