Chapter 18

74 7 1
                                    

Nakatingin lamang ako sa cellphone ko.Kanina ko pa inaabangan ang reply ni Law, actually kagabi pa nga eh.Kaso mukhang busy talaga siya o baka ayaw niya lang talaga akong kausap?Noong nilapitan niya ako kahapon, akala ko talaga hahalikan niya ako.Napansin ko ring kaagad siyang napalayo nang malaman niya ang edad ko, dapat ba hindi ko na lang sinagot?Ayaw niya ba sa babaeng mas bata sa kaniya?Napahinto ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

"Good morning, I'll pick you up later."

Ang kaninang nakanguso kong mukha ay unti-unting napalitan ng ngiti.Buo na ulit ang araw ko.Ano kayang sasabihin niya?Papakasalan niya kaya ako?Pananagutan─ wait, wala pa namang nangyayari sa amin para pakasalan at panagutan niya ako.Bakit may pa?Para namang gusto kong may mangyari sa amin kahit gusto ko talaga.Choss, katalandian moments again.Gusto ko na tuloy matapos na agad ang klase.

"Hi, kanina ka pa?"tanong ko kay Law habang inaayos ko ang buhok.Nakasandal siya sa kaniyang kotse.

"Get in."

Napangiti ako ng todo nang pagbuksan niya ako ng pinto.For the first time!Kinilig ang baga ko este puso!Ang tahimik naman masyado.Hindi ko na keri kaya dadaldalin ko na lang siya.

"Kumain ka na?"

Umiling siya.Ang yaman-yaman niya pero nagpapakagutom siya?Kung ako siya kada oras kakain ako.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"kumunot ang noo niya.Nakukulitan na siguro sa akin."Sabi ko nga tatahimik na ako."

Huminto kami sa isang building.Ito pala 'yung Morz Empire.Ano kayang gagawin namin dito?

"Faster and follow me, Fawzi."

Napababa tuloy ako ng wala sa oras at sumunod sa kaniya.Napayuko ako dahil sa bulungan ng mga empleyado.Nahiya akong bigla.Napahinto rin tuloy ako nang huminto si Law sa paglalakad.Natahimik ang mga empleyado niya nang balingan niya ito ng tingin.Cool!Isang tingin lang ay napatahimik niya na kaagad sila.Dumiretso kami sa kaniyang office.

"Ano bang gagawin ko dito?"tanong ko habang inililibot ang tingin sa loob.Malinis tingnan ang paligid at ang gaganda rin ng mga paintings na nakasabit sa wall.

"Nothing."

Napabaling ako sa kaniya.Pasimpleng umangat ang aking kilay.Nothing talaga?Ano 'yon tutunganga lang kami dito?

"Are you hungry?What do you want to eat?"tanong ni Law sa akin.

"Tagalog, please?"

Kahit naiintindihan ko naman siya.Bakit ba?Trip ko lang marinig ang boses niya kapag nagtatagalog siya.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano."

"Be specific, walang kahit ano."

Napairap ako sa kaartehan niya.

"Basta kahit ano!Tapos ang usapan."

"Alam mo hindi ka mukhang seventeen lang."aniya matapos may kausapin sa telepono.

"Bakit?Ilang taon na ba ako sa palagay mo?"

"Old enough to be my woman."

Umawang ang labi ko kasabay ng pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"Aha!May gusto ka sa akin, 'no?"

"What if I do?"

Ganern?Ang bilis sumagot!

"Uh, edi wow?Pero huwag kang mag-alala, sanay na ako dyan.Aware naman kasi ako sa beauty ko.Alam kong nabighani ka ng kagandahan ko, pero sorry ka na lang dahil hindi kita sasagutin kung sakali mang manligaw ka."

"I forgot to say the word joke, you didn't let me finish what I was going to say.Sino bang may sabing manliligaw ako?Masyado ka pang bata para sa akin."nakangising aniya.

Oops, napahiya ako doon ah.Tama nga naman siya, wala siyang sinabing manliligaw siya.Asyumera ka talaga, Fawzia!Nasobrahan ka sa kahanginan!

"Talaga!Kaya itigil mo na ang pakikipagkita sa akin dahil baka ma-fall ka.Wala akong balak saluhin ka.Kawawa ka kapag nagkataon.At ang laki ng age gap natin, six years."

"Ok."

Ok?'Yun na 'yon?Hindi ko alam kung nambubwisit ba 'to o ano.Dahil siya ang nagdala sa akin doon ay siya rin ang naghatid sa akin pauwi.Hindi ko na lang pinadiretso sa tapat ng bahay dahil baka makita siya nina Mama.Akalain pang boyfriend ko.Walang imik na bumaba ako at hindi na nakapagpasalamat dahil kagaya ng dati ay pinaandar niya kaagad ang kaniyang sasakyan papaalis.Habang nakatanaw sa kaniyang kotse ay napaisip ako.

Kung nasa tamang edad na kaya ako, manliligaw kaya siya?

Limang araw na ang nakalilipas simula noong huli kong nakita si Law.Busy kaya siya?O 'di kaya narealize niyang hindi talaga ako mahalaga para paglaanan niya ng oras.Pero kung sa bagay, siya na mismo ang pumayag nang sabihin kong huwag siyang maglalalapit sa akin.

Pero nami-miss ko na siya.Napanguso ako ng todo.Nakakaasar talaga.Kapag nakita ko ang lalaking 'yon sasabunutan ko siya ng bonggang-bongga.Hindi ko naman siya itini-text o tinatawagan dahil baka kung ano isipin niya.Asyumero pa naman din 'yung lokong 'yon!

"Para ka ng si Donald duck sa kakanguso mo dyan."

Inirapan ko si Lincoln.Epal!Kitang nag-e-emote ako eh.

"Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo, Lincoln."

Bukod kasi sa malungkot ako ngayon dahil nami-miss ko si Law ay nagugutom rin ako kaya 'wag niya akong simulan.

"Sorry."

Kinalabit niya ako pero hindi ko siya nilingon.Himala at nag-sorry ang damuho.

"Sorry na."pangungulit pa niya.

"L.q kayo?"tumabi sa akin si Gon kaya napapagitnaan nila ako.

"Sinabi ng hindi nga kami!"naiinis na sigaw ko sabay walk-out.Akma pa silang susunod nang samaan ko sila ng tingin.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon