Chapter 3

125 7 0
                                        

Luminga-linga ako upang makahanap ng pwedeng kapitan at hindi naman ako nabigo nang makita ang isang baging na mas mahaba pa ata sa buhay ko. Hinila-hila ko iyon para tingnan kung matibay, nang makasiguro ako ay itinali ko iyon sa aking bewang at inumpisahan nang umakyat. Nadaanan ko pa si Dirk na hirap na hirap sa pag-akyat.

"Ang makakakuha ng flag ay may prize na matatanggap kaya galingan ninyo!"sigaw ni Ma'am mula sa ibaba.

Mas lalo tuloy akong na-motivate. Napansin kong naghihilahan na sila paibaba, may dayaang nagaganap. Ang kaninang si Ken na nasa itaas ay ayaw tantanan ni Tim. Nakahawak si Tim sa paa ni Ken kaya hindi siya makaalis sa pwesto. Natawa ako dahil ang dami nang nalalaglag. Hmm, mukhang masaya 'yon ah. Tinanaw ko ang pwesto ni Dirk. Napalingon siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Hoy! Alam ko 'yang mga ngiti mong ganiyan! Anong binabalak mo? Hoy, Fawzia 'wag! Aahhh! Bwisit ka!"natatawa na naiinis na reklamo niya habang kinikiliti ko siya.

Hindi rin naglaon at nahulog ang unggoy este si Dirk. Hindi naman ganoon kataas ang kaniyang pwesto. Bukod pa roon ay may foam sa lupa kaya safe ang babagsakan. Nang mahulog siya ay itinaas niya ang kaniyang gitnang daliri sa akin, ngunit tinawanan ko lamang siya. Sunod kong nilapitan 'yung lalaking nangongolekta ng pusta tuwing may laban.

"Bulaga!"

"Aaaaaah! Putangina!"napabitaw siya sa kaniyang pagkakakapit kaya nahulog din.

"Masaya ka na niyan?"

Napalingon ako sa kabilang side at nakita si Lincoln. Nakaupo siya sa isang sanga ng puno. Feeling cool ang loko. Aba! Aba! Nakaisip ako ng kalokohan kaya lumapit ako sa kaniya. Madali lang akong nakakagalaw dahil may baging na sumusuporta sa bigat ko.

"Medyo, pero mas masaya ako kapag kasama kita, baby."ngumiti pa ako pero inirapan lang ako.

"Ah, talaga? May regalo nga pala ako sa'yo."aniya na ipinagtaka ko. Ano kaya 'yon? May hinigit siya sa tabi ng dahon at biglang ihinagis sa akin.

"Putangina! Ahas!"sigaw ko.

Muntik na akong mahulog dahil sa pag-alis ng inaakalang ahas, putol na baging lamang pala. Akala ko totoo na! Bwisit! Sinamaan ko ng tingin si Lincoln nang makitang nakangisi ito sa akin.

"Gago ka ba? Paano kung napabitaw ako?!"

"Edi babagsak ka. Bobo mo naman, Grande."

Aba! Gago talaga! Tinantya ko ang pagitan namin at ngumiti nang nakakaloko sa kaniya.

"Goodbye, baby!"

Sinipa ko ang sanga kung saan siya nakaupo kaya nawalan siya ng balanse at nalaglag sa ibaba. Dinig na dinig ko pa ang malulutong niyang mura kaya mas lalo akong natawa. Napailing na lamang ako at itinuloy ang pag-akyat. Ngiting tagumpay akong bumaba sa puno dala ang flag.

"Fawzia won! Here's your prize."nakangiting sabi ni Ma'am sabay abot sa akin ng isang susi.

Susi? Nagtataka kong tinanggap ang susing ibinigay ni Ma'am.

"Susi ng condo unit 'yan."aniya kaya tumango ako pero ano raw?

Condo unit?!

"Eh?! Talaga po—"

"Syempre, joke lang 'yon! Susi 'yan ng classroom n'yo. Ikaw na ang maghahawak niyan simula ngayon."

Punyeta? Akala ko pa naman totoo iyon! Luh! Paasa si Ma'am! Nakasimangot kong itinago ang susi sa wallet ko.

"Naks! Sulit ba ang pangingiliti mo sa akin?"mapang-asar na tanong ni Dirk.

"Che!"

Hanggang sa makarating ako sa room ay nakasimangot pa rin ako. Anong klaseng prize ba naman kasi ang susi? Pati susi ng classroom ay ginawang prize. Nauna akong magpalit ng uniform sa cr. Pagkabalik ko sa room ay nakasalubong ko pa sina Stella na patungo pa lamang doon. Nagtawanan sina Ken at Dirk nang makita ako. Inirapan ko sila. Bubwisitin na naman ako ng dalawang itlog na 'to. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang lunchbox ko.

"Naks! May pabaon ang Mama!"puna ng isa kong kaklase.

"Naks! May pakialamero!"bawi ko dito kaya kakamot-kamot siyang naglakad palayo.

Huwag siyang paloko-loko sa akin ngayong bad trip ako. Mabilis kong naubos ang baong pagkain. Nakihati pa nga 'yung dalawang itlog sa ulam ko, sina Ken at Dirk. Nang matapos ay inilagay kong muli iyon sa loob ng aking bag. Pumasok si Lincoln kasunod si Trevor. Gusto kong uminom ng coke. Nauhaw ako bigla sa kagwapuhan ni Lincoln. Charot!

"Ken, ibili mo nga ako ng coke."

Aalma pa sana siya nang magsalita akong muli.

"Sa'yo na ang sukli."dagdag ko sabay abot ng fifty pesos.

"Just wait a minute, kapeng mainit!"sabi niya bago magtatakbo palabas. Tumayo si Dirk kaya nilingon ko siya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa cr, bakit sasama ka?"nakakalokong ngumiti siya sa akin kaya itinaasa ko ang aking gitnang daliri at inirapan siya. Natatawang naglakad siya paalis. Itinaas ko ang aking paa at isinandal sa upuan sa unahan ko. Wala namang nakaupo doon kaya ayos lang.

"Mamaya daw alas kwatro, 'tol. Sa mahogany ulit."dinig kong may nag-uusap sa likod.

Kapag lumingon ako ay mapapansin nila ako kaya ginamit ko ang cellphone ko at doon na lamang sa screen tumingin. Nasa likuran sina Trevor at Lincoln kasama ang ilan pa naming kaklase. Nanlaki ang mata ko nang tumingin sa direksyon ko si Horsie. Kita kasi sa screen.

"May chismosang nakikinig, mamaya na lang tayo mag-usap."parinig ni Lincoln. Nanlaki ang butas ng ilong ko at nilingon sila.

"Hoy! Grabe ka ah! Hindi ako nakikinig! Hindi ko nga alam na may laban kayo mamayang 4 PM sa Mahogany! For your information, hindi ako chismosa! Hindi talaga!"nakanguso akong bumaling sa harap matapos sabihin iyon.

"Horsie? Sino? Si Lincoln? Tangina, pre! Ginawa kang kabayo!"nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Shut up!"

Natahimik sila pero ramdam ko ang pagpipigil kasunod ay ang mga yabag na papalapit sa akin. Maya-maya ay nasa harapan ko na si Horsie.

"Isa pang tawag mo sa akin ng Horsie, malilintikan ka na talaga sa akin!"pananakot niya.

"Oo na, sa'yo lang ako!"banat ko kaya naghiyawan ang kaniyang mga barkada.

"Aba't talagang!"

Inambahan niya ako pero inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Natigilan siya, maski ako. Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita nang malapitan ang gwapo niyang mukha.

"Ahem! Andito na ang coke mo, Fawzia."pagsingit ni Ken.

Napahiwalay kami ni Lincoln sa isa't isa. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Tsk! Kinikilig ba ako? Umalis sa harapan ko si Lincoln, rinig ko pang inaasar siya ng mga tropa niya.

"Anong nangyari?"tanong ni Dirk.

"Wala! Huli ka na sa balita!"sagot ni Gon.

Nang mag-uwian ay sabay ulit kami nina Dirk. Mas bet ko pang kasama 'tong dalawang kumag kaysa doon sa mga kaklase kong babae. Hindi kasi sila lumalapit sa akin, hindi rin naman ako gaanong friendly. Pero kapag kinausap naman nila ako ay ini-entertain ko sila. Entertainer na ba ako non?

"Himala at hindi ka manonood ng away ngayon."puna ni Ken.

Nahuli kasi ako ni Horsie!

"Tinatamad ako, gusto ko nang umuwi at matulog."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon