Chapter 41

66 3 0
                                        

"Thanks."wika ko kay Law nang ipag-usod niya ako ng upuan.Naupo rin siya sa aking katapat na silya.

"Alam mo may potensyal ka."

Napagawi ang tingin niya sa akin na tila nagtataka.

"Potensyal saan?"

"Sa pagiging isang magaling na alalay.Kulang na lang mag-apply ka sa akin bilang driver/boydyguard ko eh."

Napapailing na dinampot niya ang menu sa table at iniabot sa akin.

"Choose what you want to eat."

"K."

Tinanggap ko iyon.Ang una kong hinanap ay ang presyo ng bawat pagkain pero walang nakalagay doon.Tsk!Alam na this!Ano kayang masarap sa mga 'to?Haays, wala naman akong kaalam-alam sa Spanish cuisine tapos dito pa ako dinala-dala ng lalaking 'to.Eh sa totoo lang nagke-crave akong humigop ng mainit na sabaw ng Paksiw na pata ng baboy, 'yung Batangueño style.Ibinaba ko ang hawak.

"Ikaw na ang pumili.Basta 'yung masarap.Pakibilis, nagugutom na ako."

Hindi siya nagsalita at ipinagpatuloy lamang ang pagtingin sa menu.Maya-maya pa ay tinawag niya na ang waiter at sinabi ang gusto.Habang naghihintay ay sinilip ko ang oras at nakitang almos 4PM na.

"Pagkatapos nito, iuwi mo na ako ha.Kailangan ko pang mag-review para bukas."paalala ko.

Kagaya ng aking sinabi ay iyon naman ang kaniyang ginawa.Matapos naming makakain ay dumiretso na kami sa bahay.Hindi na ako nag-abala pang hayaan siyang pagbuksan ako.Kinuha ko ang wallet ko at sinilip ang laman non.Thank god at may natira pang four hundred.Babawasan ko na lang 'yung ipon ko mamaya para may baon ako bukas.Kinuha ko ang natitirang pera at iniabot iyon sa kaniya.

"What is that for?"

"Bayad ko doon sa kinain natin kanina.Alam kong mahal iyon at wala pa 'to sa kalahati pero tanggapin mo pa rin."

"Fawzia, it's my treat.You don't have to─"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang abutin ko ang kaniyang kamay at ikipit doon ang pera.

"Tanggapin mo na lang!Thanks sa pagsama and paghatid.Sorry sa abala, bye!"wika ko bago siya tinalikuran at pumasok sa gate.Napabuga na lamang ako ng malalim na paghinga.Alam niyang may gusto ako sa kaniya pero heto siya at nagpapakita pa rin sa akin.Wala ba siyang balak na hayaan akong makalimot?









"Hi, Fawti!Pagayahin mo ulit ako mamaya ha."bungad sa akin ni Trevor pagkapasok ko sa room.Nakalimutan kong sabihin na gumaya nga pala sa akin kahapon itong tukmol na 'to.

"Sige, basta ang way ng pagpapagaya ko sa'yo ay 'yung katulad ng sa Bad Genius."nagkunwari pa akong nagpa-piano na ikinangiwi niya.

"Parang hindi bestfriend!"

"Kailan ba kita naging bestfriend?"bawi ko."Charot lang!Iiyak ka naman kaagad dyan!"ginulo ko ang kaniyang buhok dahilan upang mapalayo siya.

"Ah, Fawzia!Pinaghirapan ko 'tong ayusin tapos guguluhin mo lang?Tsk!Tsk!Pasalamat ka!"oa na aniya pero hindi ko na inabala pang pansinin.

"Saan ka nagpunta kahapon?"usisa ni Lincoln.

"Dyan sa lang sa tabi-tabi."

Napataas ang kilay ko nang ngumiti siya.

"Date ulit tayo mamaya?"

"Ulol!Hindi pwede.May lakad kami ng Mama at Lola ko mamaya."

"Sama ako.Close naman kami ng Mama at Lola mo eh."pamimilit pa niya kaya napairap ako.

"Hindi nga pwede.Saka na lang ulit kapag may free time ako.You know naman me, super busy akong tao."

"Nag-date kayo ni Lincoln?!"usisa ni Phoebe habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Hindi naman date 'yon, nangidnap lang kami tapos nagtanim ng bomba itong si Fawzia."nakakalokong ngumiti si Lincoln.

Bwisit talaga 'to!

"Ha?"tila naguluhan ang ilan naming mga kaibigan sa isinagot ni Lincoln.

"Wala 'yon!Huwag n'yo na lang intindihin 'tong si Lincoln kasi kinulang siya sa gatas noong bata."

Nahinto lamang kami sa pagchi-chismisan nang dumating ang aming guro.Dahil mahihirap ang itinake naming mga test kahapon ay maaga kaming natapos ngayon dahil sobrang dadali lamang ng mga sinagutan.

"Thanks kanina, Fawzi."nakangising sabi ni Trevor nang maipasa niya ang test paper niya.Nagulat pa ako nang may kunin siya mula sa loob ng kaniyang bag na .....lip tint?Kafederasyon na ba itong si Trevor?Bumigay na ba siya ng tuluyan?Nagtaka ako ng iaabot niya sa akin ang dalawang magkaibang shade ng lip tint.In fairness, may taste sa pagpili ng shade si baklita.Halatang bago pa lamang iyon at hindi pa nagagamit.

"Anong gagawin ko dito?Gusto mo bang lagyan kita?Magaling akong mag-blend."puno ng pagtataka kong tanong.Natawa siya sa aking sinabi.

"Baliw, hindi!Anong tingin mo sa akin?Sa'yo 'yan, bayad doon sa pagpapagaya mo."

"Sige, lakasan mo pa nang i-zero tayo ni Ma'am."pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Sorry naman.Basta sa'yo na 'yan.Pansin ko kasing mahilig kayong mga babae dyan kaya bumili ako noong nagpunta kami ng kapatid ko sa Mall."

"Sure kang sa akin 'to?Wala ng bawian?As in?"paninuguro ko.Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang tumango siya.

"Omg!Thank you, Trevor!Ang bait mo talaga!Ikaw na ang pinakapaborito ko sa mga kaibigan ko!Ikaw ha!May pa ganito ka pa!"hinampas ko ang kaniyang balikat.Akmang guguluhin ko ulit ang kaniyang buhok nang samaan niya ako ng tingin.

"Oo na, oo na.Huwag mo ng hawakan ang buhok ko.Shh!Manahimik ka na dyan."

"Owkiee po!"todo ngiting isinilid ko sa aking bag ang ibinigay niya.Natutuwa talaga ako kasi hindi naman ako nag-e-expect na bibigyan niya ako ng ganoon.

"Sus!Para lip tint lang tuwang-tuwa ka na kaagad?Bilhan kita ng isang dosena niyan eh."pang-e-epal ni Lincoln.

"Sige, bumili ka tapos ilalagay ko lahat dyan sa labi mo."

Ilang minuto pa ay pinalabas na rin kami ng aming guro.Sa parking lot ay natanaw ko ang aming sasakyan, si Papa ang driver.Pero sigurado naman akong hindi siya sasama sa amin dahil mas gugustuhin niya pang matulog.Medyo tamad rin kasi itong lumabas ng bahay tapos napakainipin pa.Nang makasakay ay dumiretso kami papunta sa salon na madalas naming punthan noon.Doon rin ako nagpagupit noong nakaraan.May sama ata ng loob sa akin si Ateng maggugupit dahil iniksian masyado.

"Text n'yo na lang ako kapag magpapasundo na kayo."hinalikan niya kami isa-isa sa pisngi bago muling sumakay sa kotse.

"Bye, Papa!"nag-wave pa ako habang tinatanaw siya.

"Magpapagupit ka po, Mama?"usisa ko nang makapasok kami.

"Hindi-hindi!Magpapatubo ako ng buhok."puno ng sarkasmong aniya kaya napasimangot ako.

Now, alam n'yo na kung kanino ako nagmana.Dahil nakapagpagupit na rin naman ako noong nakaraan ay nagpalinis na lamang ako ng kuko sa kamay at paa.Naalala ko kasing pupunta nga pala ako sa party ni Atticus.Hindi pa nga lang ako sure kung makakapunta ako dahil hindi pa ako nakakapagpaalam.Ang hirap kasing magpaalam dahil hindi kilala nina Mama sina Atticus.Sigurado akong hindi nila ako papayagan.Pero sayang din naman 'yung biniling gown sa akin ni Kinsley.Once again, bahala na si Batman.

"Ano po kayang mas maganda dito, Lola?"tanong ko sa kaniya dahil hirap na hirap akong pumili sa mga designs na ilalagay sa aking kuko.

"Ako."aniya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.Parang kinausap ko lang ang sarili ko eh.Now, alam n'yo na kung kanino ako nagmana.(2)

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon