Gusto ko sanang tumanggi kaso nasa amin na talaga ngayon ang atensyon ng karamihan sa mga bisita.Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko sa sandaling inilapat ko ang kamay ko sa nakalahad niyang palad.Halos magwala ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog ng puso ko nang marahang dampian ni Law ng halik ang likurang bahagi ng aking palad.Ang galing magpakilig pero paasa naman!Tengeneng leleke 'te!
Maganda at masarap pakinggan ang pagtugtog ng violin na nagsisilbing musika ng mga sumasayaw. Dahan-dahang inilapat ko ang aking kanang kamay sa balikat ni Law, habang siya naman ay humawak sa aking bewang gamit ang kaniyang kaliwang kamay.Nanatili kaming magkahawak at talagang hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya.Kinikilig ako na medyo naiinis na nalulungkot.Halo-halo ang emosyon ko ngayon.Nahahalata rin sa abo niyang mga mata na masaya siya.Pero totoo nga ba iyon?O baka naman natutuwa lang siya dahil sobrang bilis kong pumayag noong ayain niya ako.May kung anong sumakit sa aking puso habang iniisip iyon.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?"seryosong tanong ko kay Law.
Finally!Nahanap ko rin ang boses ko.
"Ano sa tingin mo ang dahilan?"
Hindi ko alam na may talent pala sa pagsayaw itong si Law dahil halos siya lang ang kumikilos sa aming dalawa.Nadadala lang ako dahil nakahawak siya sa aking bewang.
"Pinapaasa mo na naman ako.Nagbibigay ka na naman ng motibo pero sa huli sasabihin mong hindi mo ako gusto."
Hindi ko maiwasang hindi mainis sa aking sarili.Kung hindi lang sana ako naging malapit sa lalaking ito ay hindi ko mararanasan ang mga nararamdaman ko ngayon.Baka talagang hindi pa siya ang tamang tao para sa akin dahil masyado pa akong bata.Pero gaano ba kalayo sa edad ko ang edad niya?Hindi niya ba alam ang kasabihang, "Age doesn't matter?"
"I'm sorry for breaking your heart."
Sorry na naman?So totoo nga?Inaamin niyang wala lang ito sa kaniya.Halos manubig ang aking mga mata pero pinilit kong huwag umiyak.Gusto ko pero ayaw kong masira ang make up ko kaya later na lang.
"Ang galing mo, ang galing-galing mong magpaasa, Law.Hanga na ako sa'yo.Porke alam mo kung papaano ako uutuin at sasaktan ay gagawin mo ng asal.Pinaglalaruan mo ako."puno ng paghihinanakit ang aking boses.
"Fawzia, I lied."
Anong ibig niyang sabihin?
Naramdaman kong bumitaw siya sa aking bewang.Huminto rin siya sa pagsayaw kaya ganoon din ang ginawa ko.
"K-kung isa lang 'to sa mga pagpapaaasa mo, pwede bang huwag mo na lang gawin?Nasasaktan ako, Law."
"Listen to me first."
Kahit gusto ko siyang awatin ay mas pinili kong manahimik at sundin siya.
"Nagsinungaling ako noong sabihin kong wala akong gusto sa'yo.The truth is .......I love you, Fawzia."walang kakurap-kurap na aniya.
Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang nabingi ako nang marinig ang huli niyang sinabi.Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa bibig.Umatras ako at umiling.
"No way.Tama na, Law.Huwag mo akong paasahin bago pa kita tuluyang kamuhian."tinalikuran ko siya at kagaya ng mga napapanood sa mga teleserye ay nag-walk out ako.Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako o pag-usapan, wala rin namang ibang nakakakilala sa akin kaya bakit ako mahihiya sa kanila?
I love you, Fawzia.
Mahal niya ako?Totoo kaya 'yon?Kahit tila wala sa sarili ay nagpalinga-linga ako sa labas upang hanapin ang kotse ni Law.Wait, kotse ni Law?Haays, ang akala ko pa naman matatakasan ko na siya.Naalala kong siya nga pala ang sumundo sa akin kanina at maghahatid mamaya sa bahay.Napairap ako sa kawalan nang maaalalang naiwan ko sa loob ang handbag ko.Ugh, bwisit!Epic failed ang drama ko!Muntik ko na nga rin sanang iwanan 'yung isa sa pares ng sapatos ko para may remembrance siya sa akin.Hinawakan ko ang gilid ng aking gown at itinaas ang kaunting bahagi non upang hindi mahirapan sa paglalakad.
"Hoy!"
Nilingon ko ang walang hiyang tumawag at nakita ang pinakawalang modo na tao sa buong mundo, walang iba kundi si Nigel.Nakangisi siyang naglakad papalapit sa akin.
"Hoy ka rin!"wika ko sa kaniya.
"Bakit nandito ka?"
"Kasi ako ang VIP guest.Duh!"
"Talaga?Hindi halata.Akala ko suma-sideline kang janitress."
Napakamapang-asar talaga ng lalaking 'to!
"Fawzia!"
Nilingon naming pareho ni Nigel ang tumawag at nakita si Law na kunot noong naglalakad papalapit.Sa likuran niya ay nakasunod si Kinsley na nakapamulsa pa.
"Why the hell did you walk out?"tanong ni Law.
Tumikom ng mariin ang aking labi.Sinong hindi mapapa-walk out sa sinabi niya?
"Baka nabigla sa sinabi mo."tudyo ni Kinsley.
"Umamin ka na, Law?"tila natatawa pa si Nigel nang itanong iyon.
Bakit parang may alam sila?Talaga bang may gusto nga sa akin si Law?Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil hindi ko ma-take ang pagtitig sa akin ni Law.
"Sayang at hindi mo nakita."wika ni Kinsley kay Nigel.
"May gusto ka ba talaga sa akin?"diretsong tanong ko kay Law nang makabawi.Hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon, seryisong seryoso pa rin siya.Naku naman!Sinasabi ko na nga ba at nagbibiro lang siya kanina!
"Oh, damn!Ayokong makasaksi ng ganitong klaseng eksena."napapailing na naglakad papalayo si Nigel.
"Mas lalo naman ako.Ge, alis na kami, Law."bumaling sa akin si Kinsley."Nahihiya lang 'yan sa'yo, Fawzia.Hindi lang halata pero patay na patay sa'yo 'yan."
"Bloody hell, Medrano!"buong lakas na sigaw ni Law at halos mamula na sa galit dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.Kung siya namumula sa galit, ako naman dahil sa kilig.
Keshe nemen, enebe!Eke leng 'te!Penyeteng leleke 'te peneherepen pe eng kegendehen ke, deds ne deds nemen pele se eken!Pero punyeta ka talaga, Law!Kung totoo man na may gusto nga talaga siya sa akin, pwes, lintik lang ang walang ganti!

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Ficción GeneralFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...