"Tama na 'yan, Herrera. Huwag mo nang patulan 'yung bata."saway nung isa pang lalaki.
"He's sick, Fawzia."sabi ni Kinsley dahilan upang mapahinto ako sa patitig nang masama doon sa dalawa niyang kasama. Binalingan ko si Law at nilapitan siya. Idinampi ko ang aking palad sa kaniyang noo.
"Ang init mo! May lagnat ka nga?"puno ng pag-aalalang tanong ko.
"Baka wala!"sabat noong lalaking nakakabwisit.
"Kausap ka? Ha? Kausap kang punyeta ka?"pambabara ko rin sa kaniya. Ang epal eh! Ayaw ko na sanang patulan kasi mas lalo akong magmumukhang childish at immature pero sinusubukan niya talaga ang pasensya ko.
"Pasalamat ka at babae ka."napapailing na aniya.
"Oh, edi salamat po, Manong!"
"Enough!"
Napatigil kami sa pagtitig nang masama sa isa't isa.
"Siya kasi eh!"sabay turo ko kay Manong.
"Get out of here, Nigel!"
Nanlaki ang aking mga mata sa itinawag ni Law doon sa lalaki.
"Nigel? Ikaw si Nigel?!"nagugulat na sigaw ko.
"What now, kid?"
"Ikaw 'yung may kasalanan kung bakit ako nawalan ng malay kanina, 'no?! Hali ka! Pasampal nga kahit isa!"akmang lalapitan ko siya nang mahagip ni Law ang aking braso.
"Herrera, get the fuck out of here! Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!"buong lakas na sigaw ni Law habang nakatitig nang masama kay Nigel. Nakangising tumalikod si Nigel at naglakad paalis. Sana malasin siya sa love life! Bwisit! Masama ang ugali!
"Sinaktan niya ako kanina, Kuya Law!"pagsusumbong ko. Ako naman ngayon ang sinamaan niya ng tingin, binitiwan niya rin ang aking braso.
"You called me what?"tila hindi makapaniwalang aniya.
"Kuya? Bakit? Ayaw mo ba?"
Sa loob-loob ko ay gusto kong matawa dahil sa kaniyang reaksiyon. Napahilot siya sa kaniyang sentido.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga? At higit sa lahat ay bakit nakahubad ka pa dyan? Feeling mo ba hot ka, ha? Hotdog ka!"sunod-sunod na tanong ko kay Law. Hindi siya sumagot kaya binalingan ko sina Kinsley.
"Bakit n'yo ba ako dinala dito? At bakit kailangan may pa-kidnap effect pa?"
"Para may thrill."
"You're Fawzia, right?"tanong ng isa niyang kasama. Naglakad siya papalapit sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon. In fairness, ang lambot ng kamay niya!
"Oo, bakit?"
"Hmm, wala naman. I'm Atticus, one of his friends."tukoy niya kay Law. Binawi ko ang kamay ko nang tumikhim si Law. Nagselos ata. Choss!
"I'm sorry for the way we dragged you here, Fawzia."
"K lang. May magagawa pa ba ako ngayong nandito na?"
"As you can see, Law is sick, so you need to take care of him."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"At bakit naman ako, aber?"
"Because I say so."
Wow ha! Paladesisyon ka?
"Ayoko nga."
"And why? I thought you cared for him? You like him, right?"
Nanlaki ang aking mga mata.
"Sinabi mo sa kanila?!"namumulang tanong ko kay Law.
"I didn't."aniya.
"We?! Papaano niya nalaman? Ang daldal mo!"
Sinabi rin kaya niyang tinanggihan niya ang kagandahan ko?
"He did not. It is pretty obvious that you like him, Fawzia."giit ni Atticus kaya napairap ako.
"Basta ayoko! Mayaman si Law kaya kayang kaya niyang magpagamot. Hindi naman ako nurse at mas lalong hindi rin naman ako doctor kaya bakit ako pa? Bakit hindi na lang kayo ang mag-alaga sa kaniya, tutal mukhang concern na concern naman kayo sa kaniya?"
"You shouldn't have brought her here. Ihatid n'yo na siya pauwi."wika ni Law at tinungo ang napakalaking hagdan sa kaniyang bahay. Stairway to heaven na ata 'yon sa haba at laki eh!
"Ihatid n'yo na raw ako."nakataas ang kilay na sabi ko doon sa dalawa.
"Baka nakakalimutan mong tinulungan ka namin noong nakaraan kaya may utang na loob ka sa amin."
Nangonsensya pa nga! Haays!
"Saan ba ang kusina dito?"iritadong tanong ko. Nagkatinginan silang pareho. Tila hindi na-gets ang aking sinabi. Slow!
"What do you mean?"
"Saan kako ang kusina nang maipagluto ko na si Kuya!"
Itinuro naman nila ang kitchen at halos mamangha ako sa lawak at sa mga gamit na nandoon. Nagpatulong ako sa kasambahay ni Law na magluto, umalis rin saglit 'yung dalawang epal. Ewan ko lang kung umuwi na sila.
"Sigurado ka bang nasa tamang kwarto tayo?"tanong ko sa kasama kong kasambahay.
"Opo, young lady."
Young lady pa nga! Kaloka! Kumatok akong muli, ngunit medyo nilakasan ko na dahil kanina pang walang sumasagot. Nanlaki ang mga mata ng kasambahay sa aking ginawa.
"Y-young lady, baka magalit po si Sir."
Sinong takot? Ilang ulit kong ginawa iyon hanggang sa hindi na ako nakatiis, binuksan ko na ang pintuan. May pakatok-katok pa ako, eh hindi naman pala naka-lock! Naabutan namin siyang nakahiga sa kaniyang kama. At talagang may gana pa siyang ibalandra 'tong mabato niyang katawan ha? Mukhang naramdaman niyang may pumasok sa loob kaya nagmulat siya.
"Makikikuha naman po ng t-shirt ni Law."nakangiting utos ko doon sa kasambahay. Tumango siya at nagpaalam saglit. Pagkabalik ay mayroon ng dalang kulay white t-shirt.
"Magdamit ka nga!"sabi ko bago iniabot kay Law ang t-shirt. Naupo siya sa kaniyang kama at isinuot iyon. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tattoo sa kaniyang bewang, parang konektado pa iyon sa tagong parte ng kaniyang katawan.
"Oh, kumain ka na!"padabog na inilapag ko sa harapan niya ang bowl na may lamang sopas na may gayuma este lason.
"You're so sweet."puno ng sarkasmong aniya.
"Ako pa ba?"
Matapos niyang makakain ay pinainom ko siya ng gamot nang matodas na. Choss! Pakakasalan ko pa 'to kaya hindi pa pwede.
"Masakit pa ba?"tanong ko nang mapansing kumunot ang kaniyang noo. Tumango siya. Wala sa sariling naupo ako sa gilid ng kaniyang kama at hinilot ang kaniyang sentido. Nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo at maya-maya pa ay lumalim ang kaniyang paghinga. Mabuti naman at nakatulog na siya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakatitig kay Law. Para siyang prinsepe kung matulog, i-kiss ko kaya nang magising?
"Fawzia, ang sabi namin alagaan mo si Law at hindi pagsamantalahan."
Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa nagsalita. Dali-dali akong tumayo nang makita si Kinsley.
"Wala akong ginagawang masama! Oh, nasaan na ang doctor?"usisa ko dahil inutusan ko kanina 'yung kasambahay ni Law na tumawag ng doktor.
"Ako."nakangisi at tila proud na sabi ni Kinsley.
Ano raw?!
"We? Doctor ka? Hindi halata."
"Fine, still a Med student."
Advance mag-isip 'tong si Kinsley!
"Marunong ka naman palang mag-alaga ng may sakit tapos ako pa itong inutusan mo!"reklamo ko habang chini-check niya si Law.
"Trip lang."kibit balikat na aniya.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...
