Chapter 44

65 4 0
                                        

"Kinsley!"sigaw ko nang sa wakas ay sagutin niya na rin ang aking tawag.

"Bakit?May nangyari ba?"

"Iba 'yung gown na na-ideliver!At hoy!Bakit si Law ang nag-deliver dito?Inutusan mo ba siya?"

"Si Law ang nagdala dyan?"narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya."Hindi ko siya inutusan pero papaanong iba ang dinala niya?"

"Iba 'yung design ng gown sa loob ng box.As in!Hindi ito 'yung pinili ko noon eh."padabog akong nahiga sa kama.

Bwisit na Law 'yon!Huwag ko lang talagang malalaman na may kinalaman siya dito!

"Baka 'yung shop ang nagkamali ng ibinigay.Sandali at kakausapin ko."

"Huwag na, ako na lang ang kakausap.Ibigay mo na lang sa akin ang number ni Miss Carla.Nakakahiya naman sa'yo.Sorry pala sa pang-iistorbo ko."

"Ayos lang, text ko na lang sa'yo 'yung number."

"Ocakes, bye!"wika ko bago pinutol ang tawag.

Muli akong bumangon at tiningnan 'yung dinala ni Law.Beige ang kulay non at malayong-malayo ang disenyo sa napili ko.Sinubukan kong isukat habang hinihintay ang text ni Kinsley.Hmm, okay rin naman pala.Pero mas bet ko pa rin talaga 'yung una.Kita ang balikat ko pero wala ng slit sa ibabang bahagi.Ilang saglit pa ay natanggap ko na ang number ni Miss Carla.Kaagad ko iyon na tinawagan.

"Miss Carla?"

"Yes, who's this?"

"Si Fawzia po ito."

"Oh, Fawzia.Natanggap mo na ba 'yung gown mo?"

"Opo, ang kaso nagkamali po kayo ng ipinadala.Hindi po ito 'yung pinili ko noon."sinipat ko ang sarili ko sa salamin.

Ang ganda ko pa rin!

"Huh?You mean hindi mo ipinabago ang napili mo?"

Natigilan ako at nagtaka sa kaniyang itinanong.Malinaw naman ang naging usapan namin noon ah.

"Hindi po, sure na po akong iyon talaga ang gusto ko."

"Pero ang sabi ni Mr. Morozova nagbago raw ang isip mo.Sa katunayan ay siya pa nga ang namili ng gown na ipinadala ko ngayon.Siya na rin ang pumick up kanina."

Ano raw?!

"Hindi po, wala po akong sinabing ganoon."

"Talaga?Papaano na 'yan?"

"Uh, baka naman po pwedeng ipagpalit na lang po natin.Bukas na bukas rin po ay pupunta ako dyan para ako na mismo ang kukuha.Pwede po ba?"

"Pwede naman sana, ang kaso may iba ng bumili noong gown na una mong napili.Na-pick up na rin dito.Sorry talaga, Fawzia."

Ugh!Bwisit na lalaking 'yon!

"Ganoon po ba?Haays, sige, ayos lang po.Sorry po sa abala."

"Wala 'yon, hija."

"Salamat po ulit, bye po."paalam ko bago pinutol ang tawag.

"Bwisit ka talaga, Law!"nangigigil na sabi ko.Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Kinsley.

"Huwag mo ng ipapakita sa akin 'yang kaibigan mo ha!Nabubwisit ako sa kaniya!Siya 'yung nagpalit ng gown ko.Paladesisyon siya.Subukan niya lang talagang magpakita at sa kaniya ko 'yon isusuot!"

"Roger that."reply ni Kinsley.



Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang araw ng paghuhukom, charot.Ngayon na ang kaarawan ni Atticus.Mabuti na lang talaga at holiday ang birthday niya, ang kaso nga lang gabi gaganapin ang party.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon