Chapter 8

89 6 0
                                        

"Make it faster!"sigaw niya kaya napatakbo ako ng wala sa oras papasok sa room at kaagad na binuhat ang pinakamalapit na upuan. Kapag ako nagka-muscle nito!

"Ito na!"inis na sabi ko pagkalapag ng upuan sa kaniyang harapan.

"Iangat mo nga ang binti ko, pakipatong na rin sa ibabaw ng upuan."

"Ayoko nga! Ano ako utusan?!"

"Ah, ayaw mo? Sige, madali naman akong kausap."

Dinukot niya mula sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone at nagpipindot. Maya-maya pa ay tinapat niya iyon sa kaniyang tenga, habang ako ay kunot noong nakamasid lamang sa kaniyang ginagawa.

"Hello, Ma?"

Napantig ang tenga ko sa narinig. Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok bago iangat ang kaniyang paa at ibagsak este ipatong sa ibabaw ng upuan. Nakangisi siya sa akin at pinutol na ang tawag. Sumbungero!

"Susunod din naman pala."

Aba't! Kung hindi lang siya tumawag sa Mama/Principal/may-ari ng school ay hindi ko siya susundin, 'no!

"Guys, nakahanda na ang food! Kakain na tayo."anunsyo ni Trevor sa amin. Tumalikod na ako upang sumunod kay Trevor.

"Hoy, Fawzia!"

Iritadong nilingon ko si Lincoln.

"Bakit ba?!"

Kapag ganitong gutom ako eh 'wag niya akong mahoy-hoy!

"I'm starving."

Napaatas ang kilay ko.

"Edi kumain ka! Pake ko kung gutom ka?!"

"Tangina! Kailangan ba talagang sumigaw?!"

Aba't!

"Tangina ka rin, trip ko lang sumigaw! Like whoooo!"

"Baliw."umiiling na sabi niya.

"Baliw sa'yo, baby."pang-aasar ko.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng kaniyang tenga. Kinilig ang gago!

"Damn!"mura niya nang subukang tumayo pero muntik na siyang matumba kaya napabalik siya sa kaniyang upuan. Tsk! Tsk! Kinokonsensya pa ako eh wala naman ako non.

"Hoy, 'wag mo nang pilitin! Ikukuha na lang kita. Maghintay ka rito, ocakes?"bilin ko bago naglakad at tinungo ang room.

"Pahingi ng dalawang paper plate, spoon, and fork."utos ko at kaagad naman akong inabutan ni Phoebe.

Kakaunti lang ang kumain sa room. Naglilibot pa siguro 'yung iba. Nag-ambagan kasi kami kanina para sabay-sabay kumain. Wala rin sina Ken at Dirk. Saan naman kaya nagsusuot ang mga itlog na 'yon? Nang makakuha ako ng pagkain ni Lincoln ay lumabas ako para puntahan siya.

"Ito na po, kamahalan."

Nag-bow pa ako sa harap niya matapos maibigay ang pagkain.

"Makakaalis ka na, alipin."

Hindi man lang nag-thank you! Tinalikuran ko siya pero nang nasa medyo malayo na akong parte ay nilingon ko siyang muli. Kawawa naman, nag-iisang kumakain doon. Binalikan ko ang kinuha kong pagkain kanina sa room bago nagpunta sa pwesto ni Lincoln. Ang bagal niya kumain. Kung ako siya ay baka wala pang isang minuto ubos ko na 'yon. Pero hindi ako matakaw ah! Hindi talaga! Gutom lang. Napaangat ang tingin niya sa akin. Panigurado gandang ganda na naman 'to.

"Oh, ba't bumalik ka?"nagtatakang tanong niya.

"Mukha ka kasing kawawa. Nag-iisa ka lang dito kumain kaya heto sasamahan ka ng magandang si Fawzia."nakangiting turan ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon