"Fawti, hindi ka sasama?"tanong ni boy pusta. 'Yung lalaking palaging nangongolekta ng pera. Nalimutan ko kasi ang name niya. Saka ano raw? Fawti?
"It's Fawzia, duh! Hindi na muna, tinatamad ako manood."
Tinalikuran ko sila pero lumingon akong muli at nginitian nang matamis si Lincoln.
"Bye, baby Lincoln! Isipin mo lang ako para manalo ka sa laban mo."malambing na sabi ko sa kaniya kaya inasar na naman siya ng kaniyang mga kaibigan. Inakay ko na palayo sina Dirk at Ken, baka magbago pa ang isip ko.
"Para namang lalaban sa ring si Lincoln kung maka-goodluck ka. Tama! Ikaw si Jinkee tapos si Lincoln si Manny!"tumatawang sabi ni Ken kaya binatukan ko siya.
"Abnoy! Si Mommy Dionisia 'yan!"sabat ni Dirk kaya siya naman ang kinutusan ko. Trip na trip talaga akong asarin ng mga bugok na 'to.
"Pero baby pala ah? Ikaw ha, Fawzia!"
"Trip ko lang 'yon. Naniniwala naman kayo sa akin."
"Sus! Baka maging totoo 'yang trip-trip na 'yan."
"Never."pangongontra ko.
"Huwag magsabi nang tapos, baka kainin mo sa huli 'yang mga sinasabi mo."
"Edi busog!"
Pero malabo pang mangyari 'yan sa sabaw ng squid!
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naka-isang buwan na pala ako sa SINHS. July na at nagsisimula na silang maghanda para sa monthly event. Masyado silang magastos. 'Yun lang ang masasabi ko. Ang dami kasing ek-ek lavush na mga binayaran sa school.
"Psst! Taba."
Nilingon ko si Lincoln. Ang bwisit na 'to inaasar na naman ako.
"Uy lumingon siya! Aminadong mataba nga."panggagatong ni Trevor kaya nagtawanan sila. Isang buwan na rin nang patulan ako ni Lincoln sa pang-aasar sa kaniya. Ang problema nga lang ay ako ang mas napipikon sa aming dalawa. Wagas naman kasi makapang-asar 'yang gagong 'yan!
"Lincoln, may dalaw ka! Isa sa mga babae mo!"
Napatigil sa pang-aasar si Horsie at sinilip kung sino ang naghahanap. Kaagad siyang tumayo at tinungo ang babae sa labas ng aming room. Natanaw ko ang isang maputi na medyo kaliitang babae sa labas ng aming room. Naningkit ang aking mga mata nang makitang ngiting ngiti siya habang kausap si Horsie.
"Kilig na kilig, akala mo naman!"bulong ko. Napagawi ang tingin ko kay Ken na nakangiti ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Punyeta! Huwag niyang sabihin na narinig niya ako?
"Lincoln! Nagseselos na 'yung isa mo pang binabae este babae dito! Bumalik ka na daw!"sigaw niya bago ko pa matakpan ang kaniyang bibig.
Naghiyawan ang mga kaklase ko sa narinig. Napalingon sa amin si Lincoln ngunit hindi pinansin ang sinabi ni Ken at ibinaling muli ang atensyon sa kaniyang kausap. Tsk! Porke may magandang babae sa harap niya, snobber na! Feeling naman niya ikinagwapo niya iyon!
"Ay sayang! Wala siyang pake sa'yo."tila malungkot na sabat ni Van.
"Che! Paki ko sa kabayong 'yan? Tadyakan ko pa siya eh!"
Punyeta! Hindi ako nagseselos, 'no! Nag-iwas ako ng tingin ngunit hindi ko rin natiis na hindi lumingon sa gawi nila kaya nakita kong magka-usap pa rin ang dalawa. Ngiting ngiti pa ang gago!
"Lincoln, 'yung bebe Fawzi mo, selos na selos na!"sigaw ni Gon kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Selos mo ulol!
Kung hindi pa dumating si Ma'am ay hindi pa ata sila matatapos. Seryoso akong nakinig sa klase at hindi na lumingon sa gawi nina Horsie kahit na panay ang pang-aasar nila sa akin.
"Hindi nga ako nagseselos!"buong lakas na sigaw ko para matahimik na ang mga kaluluwa nila.
"Yes, Ms. Grande? Bakit ka magseselos?"nakataas ang kilay ni Ma'am sa akin.
"Wala po."nahihiyang tumungo ako dahil sa pagkapahiya. Dinig ko ang pagpipigil ng tawa nina Van sa ginawa ko.
Mamaya kayo sa akin!
Nang magtagpo ang tingin namin ni Horsie ay inirapan ko siya.
"Awts! Lq kayo, 'tol?"dinig kong sabi ni Gon.
"We're not lovers."sagot ni Horsie kaya napa-ohhh sila.
Parang tanga naman. Para namang may sinabi akong kami? Eww lang! Nang matapos ang klase ay walang imik akong lumabas sa room at hindi na pinakinggan pa ang mga pang-aasar nina Van sa akin. Simula rin nang araw na iyon ay hindi ko na pinansin pa si Lincoln. Kahit panay ang pang-aasar sa akin ng kaniyang mga kaibigan niya ay hindi ko na pinatulan.
"Magsitayo ang lahat. Pumila kayo sa labas at aayusin na natin ang seating arrangement n'yo."utos ng aming guro.
Tamad akong tumayo at nagtungo sa labas ng room. Masama ang kutob ko dito. Tsk!
"Hi, Fawzi! Miss ka na raw ni Lincoln."sabi ni Gon ngunit hindi ko pinansin.
"Nagtatampo ata sa'yo, pre."rinig ko pang sabi niya.
Lol!
"Grande! Delos reyes!"tawag ni Ma'am kaya pumasok kami ni Trevor. Binago din ang formation ng upuan, hindi na letter U, letter B na. De joke lang, basta iniba na. Tapos ang usapan!
"Hi!"bati ni Trevor.
"Maka-hi ka naman dyan, akala mo ngayon lang tayo nagkita."nakangiwing sabi ko kaya napakamot siya sa kaniyang batok.
"Mendez! Flores! Doon kayo sa likod nina Grande!"
Tsk! Ayaw ko pa naman silang makalapit. Lalo na si Van na wagas kung makapang-asar!
"Hi, Fawti!"nakangising bati niya.
Sa unahan ko ay sina Dirk at Ken. Mabuti na lamang at malapit sa akin ang dalawang itlog. Sa right side ko ay si Gon habang sa left side na tabi ko ay si Trevor. Oh, 'di ba? Kumpleto sa paligid ang mga bwisit sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Genel KurguFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...
