Chapter 37

68 4 2
                                    

"Ano?Nailabas mo na ba ang lahat ng sama ng loob mo?"nakangising tanong ni Lincoln pagkabalik ko sa sasakyan.Mabuti na lamang talaga at may malapit na gasoline station, kung hindi ay baka may sumabog ng bomba sa kotse ni Lincoln.

Aasarin ko na sana siya pabalik nang may mapansin ako.Umawang ang aking labi kasabay ng paglaki ng aking mga mata.Parang ano, parang may pagkakahawig sila ni Law.O baka naman namamalik mata lang ako kakaisip sa lalaking 'yon?

"Bakit ka nakatitig ng ganiyan?"nagtatakang tanong niya.

"May kamukha ka."

"Sino?"

"Yung alagang aso ng kapitbahay namin."wika ko na ikinasimangot niya.

Gusto ko sanang sabihin na si Law kaso baka mainis lang siya.Muli kaming sumakay sa kotse at nagpatuloy na sa pag-uwi.

"Papalubog na ang araw oh, ang ganda ng mga ulap."kusa akong napangiti habang pinagmamasdan ang kahel na kalangitan, medyo nagpi-pinkish din iyon.Ang cute.

Napalingon ako kay Lincoln nang ihinto niya ang sasakyan.

"Bakit?May dadaanan ba tayo?"

"Can we take a photo of us, Fawzia?"

Natigilan ako saglit bago siya nginitian.

"Oo naman, alam ko namang fan na fan kita eh!"

Natatawa siyang bumaba kaya ganoon din ako.Wala gaanong tao sa nahintuan naming lugar ngunit kagaya namin ay mayroon ding nga kumukuha ng litrato.

"Come here."

Wews!Panay Ingles si Bogart ngayon!Umaasenso!

Lumapit ako sa kaniya at kaagad na ngumiti nang ipokus niya sa amin ang front camera.Siya ang may hawak dahil mas matangkad siya sa akin.

"One, two, three, smile!"sigaw ko.

Naka-ilang take kami ni Lincoln nang magkasama.Meron pa nga akong solo.

"Mas maganda ka pala kapag nakatalikod."puna niya na ikinangiwi ko.

"Mas maganda ako sa mga kuha natin kung wala ka sa tabi ko!"giit ko.

"Oo na, sige na, pumwesto ka na doon."turo niya sa unahang bahagi ng sasakyan.

Sumunod ako at nag-ala model sa pag-pose.Hindi ko nga alam kung matatawa ako o ano dahil tila seryosong-seryoso si Lincoln sa pagkuha ng mga larawan sa akin.Sinasabi ko na nga ba at fan ko siya.Haays, mapagbigyan na nga ang number one fan ko.

"Ikaw naman, bilis!Baka sabihin mo pa mamaya na ang unfair ko."sinubukan kong kunin sa kaniya ang kaniyang cellphone ngunit umiling lamang siya.

"Huwag na, ayoko ng solo."

"Arte mo ah!Mag-take na nga lang ulit tayo nang magkasama, bilis."suhestyon ko bago hinanggit sa kaniya ang cellphone at ipinatong iyon sa maaring pagpatungan.

"Lapit ka na dito, Bogart!Ise-set ko na 'yung timer!"hinila ko siya at kaagad na nag-pose nang magsimula na ang timer.Walang kangiti-ngiti si Lincoln sa larawan kaya napasimangot ako.

"Ngumiti ka naman!Ikaw itong nag-aya tapos wala kang reaksiyon dyan!"isinet ko ulit ang timer ngunit bago pa ako makangiti ay hinila na ako paharap ni Lincoln sa kaniya.Ngumiti siya kaya natigilan ako.Magkaharap kaming dalawa habang nakahawak siya sa chin ko.

"Set mo na ulit."nakangising aniya sabay bitaw sa akin.

Natutulirong lumapit ako sa kaniyang cellphone ngunit bago ko isinet ang timer ay tiningnan ko muna ang huling kuha sa amin.Ang anggulo ng kuha namin kanina ay tila may balak siyang halikan ako.Kung titingnan sa litrato ay tila inlove kami sa isa't isa.Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon