"Punyetang Capstone Project 'yan!Ayoko na!"reklamo ko sabay sandal sa aking kinauupuan.
"Punyeta talaga, wala rin akong maisip na topic."segunda naman ni Phoebe.
"Bao na ginawang sandok na lang."suhestyon ni Van.
"Eh kung ituktok ko kaya sa'yo 'yang sandok na bao?Scientific experimentation nga daw."giit naman ni Gon.
Hmm, ano kayang magandang topic?Bakit kasi may pa-ganito pa.Nakakatamad rin kayang gumawa ng research, 'no.Haay buhay, maikli na nga lang puro pasakit pa.Choss.Sad girl yarne?
"Bioplastic na lang."wika ni Lincoln kaya nilingon namin siya.
"Buhay ka pa pala."halos sabay-sabay pa kaming magsalita.
"Ulol."napapailing na aniya.
Sa huli ay napagpasyahan na rin naming sundin ang suhestyon ni Lincoln the great, at tantananan!Himalang na-approve kaagad ang topic namin.May dala rin naman pala siyang swerte kahit papaano.
"Fawti, wala daw tayong service.Gusto mo bang sumabay sa amin?"tanong ni Dirk kaya umiling ako.
"Hindi na, trip kong mapag-isa."
"Sure ka?Baka kung mapaano ka.Ihahatid ka na namin."
"Sus!Takot na lang nila sa akin.Baka isang tingin ko lang sa kanila ay magsitakbo na sila palayo."
"Tama!Tama!Hindi mo ba alam na mala-Batista ang lakas niyang si Fawzia, Dirk?"sabat ni Gon kaya sinipa ko siya sa binti.
"Ulol!"natatawang isinakbit ko ang aking bag.Saglit na napalingon ako sa gawi ni Lincoln at nakitang nakatitig siya sa akin.Unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi, ngunit ilang sandali pa ay nginitian ko rin siya.Ganoon rin ang kaniyang ginawa bago tuluyang lumabas ng aming room.
"In another life, I would be your girl~"
Napataas ang aking kilay nang madinig na kumakanta na sina Van.May mga mapang-asar na ngisi sa kanilang labi habang itinuturo ako at ang papalayong si Lincoln.
"Tigilan n'yo nga akong mga bugok kayo!Makauwi na nga."
"Asus!Bawi na lang kayong dalawa sa susunod na buhay!"sigaw nila nang makalabas ako sa room.
Tsk!Kalokohan ng mga bugok na 'yon.Dumaan muna ako sa tindahan upang bumili ng maiinom.Parang trip kong maglakad ngayon, mataas pa rin naman ang sikat ng araw kaya hindi naman siguro ako mapapahamak.Isa pa, wala rin naman masyadong loko-loko dito sa amin.Oh, wait, maliban pala noong muntik na akong mapagsamantalahan.Thanks to Law at hindi nangyari iyon.Isa iyon sa dahilan kung bakit ako nagkagusto sa mokong na 'yon.May pagka-feeling rin kasi ako, feeling ko noon ay siya ang prince charming ko.Malay ko bang paasa pala ang ugok na 'yon.Tsk!
Napakunot ang aking noo ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad nang mayroong bumusinang sasakyan.Punyetang sasakyan 'to, epal!Kitang nag-e-emote 'yung tao tapos mag-iingay?Hindi bale sana kung isang beses lang eh kaso sunod-sunod pa.Isa pa, nasa tabi naman ako ng kalsada.Nang hindi na makatiis ay nilingon ko na ang walang hiya.Mas lalong kumunot ang aking noo nang makita ang pamilyar na sasakyan.Speaking of the paasa.Inihinto ni Law ang kaniyang kotse ngunit hindi naman bumaba.Nakababa naman na kasi ang bubong non.Malay ko ba sa parts ng sasakyan, basta 'yung parteng ibabaw.
"At anong ginagawa mo dito?"mariing tanong ko sabay simsim sa iniinom kong softdrinks.
"Get in."walang kangiti-ngiting aniya.
"Paano kung ayoko?"
Bumaba siya mula sa sasakyan at ganoon na lamang ang pagbilis ng tibok ng aking puso nang akalaing lalapit siya sa akin.Mabuti na lang at hindi niya ginawa.Binuksan niya ang pintuan sa tapat ng passenger seat bago muling ituon ang atensyon sa akin.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiction généraleFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...