Hindi tuloy ako makatingin sa kanila lalo na kay Lincoln nang magkaroon na ng pasok sa school.Sa lahat ba naman ng mahahawakan ay bakit 'yon pa?!Hinimas-himas ko pa tapos dinakma!Punyeta talagang kamay ito oh!Ipinahamak pa ako!Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.Nakayukong tumabi ako kay Trevor.Nawala ang kaastigan ko ng dahil lang sa ano ni Lincoln!Shems!Nang tumunghay ako ay bumungad sa akin ang mapang-asar nilang ngiti.
Heto na!Magsisimula na naman ang mga loko!
"Ahem!Ahem!Malaki kaya?"tanong ni Trevor kaya nilingon ko siya at pinanlakihan nang mga mata.
"Tsk!Fawti, hindi ko aakalain na ganoon ka kabilis."hirit ni Gon kaya siya naman ang sinamaan ko ng tingin.Nadinig ko ang tawanan nila, lalo na ni Lincoln.Tawang-tawa!Sana mabaog siya!
"Tumigil na nga kayo!Nakakainis na!"
Ang kahihiyan ko!Tsk!
"Bakit?Ang sabi ni Lincoln─"
Hindi ko na sila pinatapos magsalita at nagtatakbo na palabas ng room.
Maka-absent muna kaya?Kung hindi ako papasok ngayon ay iisipin nila na galit ako sa kanila, then mag-aalala sila tapos titigilan na nila ang pang-aasar sa akin.Kyaaah!I'm so matalino talaga!Sasabihin ko na lang kayna Papa na sumakit ang tyan ko kaya ako umabsent.Uuwi na lang ako sa bahay.Tama!Tama!Saktong may katawagan 'yung guard kaya naman habang nakatalikod siya sa akin ay dahan-dahan akong lumabas.Nakarating na ako sa labas ng main gate.Tatawid na sana ako nang may humintong Van sa tapat ko.Omg!Alam na this, punyeta!Bago pa ako makakilos ay may humigit na sa akin papasok sa loob.
"Putangina─"
Unti-unti akong nahilo nang may tela silang itinakip sa bibig at ilong ko.Sana pala hindi na lang ako tumakas kung ganito lang din ang aabutin ko!Dyos ko!Narinig ko pa ang malakas na tawanan nila bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako sa isang malakas na pagtama ng palad sa aking pisngi.Tangina, kailangan talagang manampal?Iminulat ko ang aking mga mata at pilit inaninag ang mga taong nasa harapan ko.Nakakatakot ang kanilang mga mukha at puro tattoo rin ang kanilang mga katawan, at maraming hikaw sa tenga.Humakbang papalapit sa akin ang isang payat na lalaki.
"Ang ganda ng batang 'to ah.Birhen na birhen."hinawakan niya ang mukha ko pero umiwas ako.
Yucks!Ang baho ng hininga niya!
"U-uuwi n-na ako."nangangatal na pakiusap ko.
Sana maawa sila sa akin.Kung alam ko lang na ganito ang magiging consequence ng pag-aabsent ko ay hindi na sana ako umalis sa room.Mas nanaiisin ko pang asarin na lang ako nina Trevor kaysa ma-rape ng mga adik na 'to!
"Ay, hindi!Wala munang uuwi!May gagawin pa tayo eh."
Nagtayuan ang balahibo ko nang haplusin niya ang aking braso.Inilayo ko iyon at niyakap ang sarili.Nakakadiri!
"Huwag!Nagmamakaawa ako!Ano bang g-gusto n'yo?Pera─"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang sampalin na naman niya ako.Tuluyan na akong nanghina nang bigyan niya ako ng malakas na suntok sa sikmura.Walang daing na lumalabas sa aking labi dahil sa sobrang lakas ng impact ng ginawa niyang pagsuntok.Ang putanginang 'to!Akala ba niya nasa boxing ring siya?!Naluluhang napahawak ako sa aking sikmura.
A-ang baby ko!
Ay─ hindi nga pala ako buntis.Punyeta!Mamamatay na ako't lahat eh puro kalokohan pa rin ang nasa isipan ko!Natumba ako sa pagkakaupo at tuluyan ng napahiga sa sahig.Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng internal organs ko sa sobrang lakas ng suntok niya.Isa pa, putangina niya siyang gago siya!Hayop!Gustong-gusto ko siyang murahin.Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa akin.Panay ang pagtulak ko sa kaniya at pagsipa.
"Huwag!M-maawa ka!"umiiyak kong pakiusap pero tinawanan lang niya ako.May mga kasama siya at nag-e-echo sa pandinig ko ang tawanan nila.
Mga walang hiya!Mga putangina n'yo!
Kawawang Fawzia.Bukas ay mamabalita na ako sa dyaryo.Front page pa!Balak kong maging front page pero sa magazine naman sana kapag naging model na ako!Paniguradong malulungkot sina Mama kapag namatay ako, lalo na kung nagahasa pa.Pero hindi pa talaga ako pwedeng mamatay!May project pa akong ipapasa bukas!
Pinilit ko siyang itinulak palayo sa akin at nang matamaan ko ng tuhod ang anes niya ay binuhos ko na ang lahat ng lakas ko para tuhudin ang dapat tuhurin.Sisiguraduhin kong mababaog siyang manyak siya!
"P-putangina mo kang b-babae ka!"umiiiyak na lumayo siya sa akin habang hawak-hawak ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita.
"Boss!"
Naglapitan sa kaniyang gawi ang ilan kaya kinuha ko ang opurtunidad para tumakas.Tumayo ako at tumakbo ng napakabilis.Hindi ko na madamdaman ang masasakit na parte ng katawan ko dahil namanhid na iyon.
"Habulin n'yo 'yung babae, mga tanga!"rinig kong utos ng isa sa kanila kaya mas binilisan ko ang pagkilos ko.Wala na akong pakialam kung saang direksyon ako tumatakbi.Basta ang alam ko kailangan kong makalayo!
Nariinig ko ang mga mabibilis na yabag na papasunod sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang magtago sa isang abandonadong silid.Nasa haunted house pa ata kami.Bwisit!Pigil ang hiningang sumiksik ako sa nakatambak na cabinet at pumasok sa isa mga doon.Mukhang hindi ako mamamatay sa kanila, mas mamamatay pa ata ako sa takot!Pilit kong iwinaksi ang paglikot ng aking imahinasyon.Wala naman sigurong multo dito, hindi ba?
Ipinikit ko ang mga mata ko nang marinig ang mga yabag papalapit sa kwartong tinaguan ko.Ito na siguro talaga ang katapusan ko.Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.Balak ko pa namang magkaroon ng sampung anak at isang dosenang apo.Ni hindi ko man lang naranasang magkaroon ng boyfriend!Napatili ako ng malakas nang biglang bumukas ang cabinet.
"Huwag!Ayoko pang mamatay!"pakiusap ko habang nakapikit.
"Sumama ka sa akin."
Napamulat ako kaagad at naaninag ang isang napakagwapong lalaki sa aking harapan, ngunit kahit na ganoon ay hindi ako sumunod sa kaniyang inutos.Baka kasabwat siya.
"K-kasama ka ba nila?Papatayin mo rin ba ako?M-maawa ka, ang bata ko pa─"
"Hindi, pero kung gusto mo na talagang mamatay iiwanan na kita dito."mariing aniya habang walang kangiti-ngiti ang mukha.
Kahit na natatakot ay dahan-dahan akong umalis sa pinagtagaguan at sumunod sa kaniya.Hindi pamilyar ang mukha niya.Hindi ko siya nakita kanina na kasama ang mga kidnappers ko at ang nakakapagtaka pa ay ni isa sa kanila ay wala man lamang akong nakita o nakasalubong.Nasaan na ang mga putanginang 'yon?Dumako ang tingin ko sa lalaking nauunang maglakad sa akin.Habang nakatitig sa kaniyang likuran ay napatanong ako bigla sa aking sarili.
Mapagkakatiwalaan ko ba talaga ang lalaking 'to?
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...