Chapter 52

70 2 0
                                        

Napakunot ang aking noo nang matanaw si Hannah sa labas ng aming room. Tila balisa siya at halos paiyak na. Kadarating ko lamang at siya na naman ang makikita ko? Nang mapagawi ang tingin niya sa akin ay ganoon na lamang ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Ngumiti siya ng pilit sabay talikod at tahakin ang taliwas na daan.

Nagpatuloy ako sa pagpasok sa room at kaagad na hinanap si Lincoln. Tila wala siya sa kaniyang sarili, malayo ang kaniyang tingin habang kunot na kunot ang noo. Mukhang alam ko na ang nangyari. Tangina lang ha, huwag niyang sabihin na tinanggihan niya si Hannah? So, nagpapaka-Van the second siya? Geez! Bakit kasi ang aaga nilang magpabuntis at mambuntis! Ako tuloy ang namomoroblema! Napapailing na inilapag ko ang aking bag sa upuan at kinalabit si Lincoln. Awtomatikong nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo nang makita ako.

"Usap tayo mamaya after class."walang kangiti-ngiting sabi ko. Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi ngunit hindi pa rin maitatago non ang kaniyang pagkabalisa.

"Bakit? Inaaya mo ba akong mag-date?"biro pa niya.

"Basta, usap tayo mamaya."

Tila naging mabilis ang oras hanggang sa matapos ang aming klase. Magkasabay kami ni Lincoln na lumabas ng gate ng school. Muntik na akong mapahinto nang makita ko na naman si Hannah. Daig niya pa ang aninong palaging nakasunod. Halata sa mga mata niyang nasasaktan siya, pero kung ano mang nasa isip niya ngayon ay nagkakamali siya. Ang akala niya ata may kung ano sa amin ni Lincoln. Kung alam niya lang na para sa kaniya at sa baby niya itong ginagawa ko.

"Sakay ka na."nadinig kong wika ni Lincoln matapos akong pagbuksan ng pinto ng kaniyang kotse.

"Saan mo ba gustong pumunta?"tanong niya.

"Basta, mag-drive ka lang dyan."

"Tsk! Ewan ko sa'yo. Ang lakas na naman ng trip mo, Fawzia."

Hindi na lamang ako nagsalita at sa halip ay ipinukol ang atensyon sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Ihinto mo, Lincoln."utos ko nang mapansin ang isang lugar na hindi masyadong dinadaanan ng mga tao.

"Huh? Bakit?"kahit tila nagtataka siya at ipinark niya ang kaniyang kotse sa gilid ng daan. Kaagad akong lumabas kaya awtomatikong napasunod siya.

"Bakit tayo nandito, Fawzia?"tila takang taka siya habang nagmamasid sa paligid. Hinarap ko siya at pinakatitigan. Nang mapansin ang aking ginagawa ay napunta sa akin ang kaniyang atensyon.

"Mahal mo pa rin ba ako?"walang kaabog-abog na tanong ko dahilan upang magulat siya, ngunit hindi rin naglaon at napalitan iyon ng ngiti.

"Syempre naman. Bakit mo naitanong?"

Napabuga ako ng hangin.

"Mas mabuti sana kung hindi na."

Napawi ang kaniyang ngiti at naging seryoso.

"Bakit? Dahil ba kay Law? Kayo na ba?"

"Hindi, hindi rin kami."

Umangat ang gilid ng kaniyang labi sa narinig.

"Wala kang aasahan kay Law, Fawzia. Kung uutusan mo lang akong huwag kang mahalin, then huminto ka rin sa paghahabol mo sa kaniya."

Huminto na nga. Sinaktan niya ako ng lubusan eh. Sino pang hindi matatauhan? Pero hindi iyon ang issue sa aming dalawa. Ang issue ngayon ay ang nangyari sa kanila ni Hannah. Inilang hakbang ako ni Lincoln hanggang sa nasa harapan ko na siya. Akmang hahaplusin niya ang aking pisngi ngunit umiwas ako. Umatras ako at nakita ko kung papaano dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata.

"Ano bang nagustuhan mo sa kaniya? Anong katangiang wala ako na meron siya?"puno ng pagsusumamong aniya. Naiinis ako na ewan. Pero kailangan kong palabasin na in love pa rin ako sa kapatid niya para lang tigilan niya na ako at nang sa ganoon ay mabaling ang kaniyang atensyon kay Hannah.

"Dahil hindi ikaw si Law. Iyon lang 'yon, Lincoln."diretsong wika ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Tinalikuran ko siya at ibinaling sa ibang tanawin ang aking paningin. Natahimik siya ng ilang minuto at naririnig ko ang mahina niyang pagmumura.

"Dahil ba sa mayaman siya? Dahil ba sa pangalan na taglay niya, Fawzia?"

Napantig ang tenga ko sa narinig at kaagad na hinarap siya. Bakas ang galit sa mga mata ni Lincoln.

"Anong sinabi mo?"mariing tanong ko.

"Kung gusto mong makuha ang apelyidong meron siya ay ibibigay ko sa'yo! Kapatid ko si Law at kung anong meron siya ngayon ay mayroon din ako! Kahit na ayaw ko sa putanginang apelyidong iyon ay gagamitin ko para lang mahalin mo rin ako, Fawzia!"

Awtomatikong umangat ang aking palad upang sampalin siya. Natigilan si Lincoln. Hindi ko inaasahang aaminin niyang magkapatid sila ni Law, ngunit mas hindi ko inasahan ang mga salitang binitiwan niya para sa akin.

"Ano bang tingin mo sa akin? Manggagamit? Mukhang pera? G-ganoon ba ako sa'yo?"halos maluha-luha na ako.

"I'm s-sorry, hindi ko sinadya─"

Natawa ako ng peke."Nasabi mo na, babawiin mo pa? Lincoln, hindi ko inaakalang ganiyan ang tingin mo sa akin."

"Hindi sa ganoon, sorry. Nabigla lang ako."tinangka niya akong hawakan ngunit nagpumiglas ako. Bumalatay ang sakit sa kaniyang mga mata.

"Fawzia, I'm really sorry.  Hindi ko lang matanggap na hindi mo ako magawang mahalin. Kapatid ko si Law, siya ang nakatatandang kapatid na nabanggit ko sa'yo noon."hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi, halata ang pagsusumamo sa kaniyang mga mata.

"Ako na lang ang mahalin mo, ako naman ang piliin mo."

"Sorry, Lincoln. Pero si Law lang ang lalaking mahal ko."wika ko dahilan upang dahan-dahan siyang mapabitaw sa akin. Totoong mahal ko pa rin si Law, ngunit balak ko na rin siyang kalimutan. Kailangan ko lamang siyang gamitin ngayon upang sa ganoon ay ihinto na ni Lincoln ang pag-asa niya sa akin.

"Ang swerte talaga ng gagong 'yon. Kahit na anong pananakit ang gawin niya sa'yo ay siya pa rin ang pinili at pipiliin mo."

Ganoon naman siguro talaga. Mas nagugustuhan natin ang taong ayaw sa atin. Kagaya ni Hannah, gusto niya si Lincoln pero ako ang mahal ni Lincoln. At ako? Si Law ang mahal ko at ganoon rin siya sa akin, ngunit kahit sabihin niyang mahal niya rin ako ay hindi niya ako nagawang maipaglaban dahil gusto niyang mapapunta ako kay Lincoln. Hindi maayos ang relasyon nilang magkapatid pero nagawa niya pa ring magparaya.

"Lincoln..."

Nag-angat siya nang mukha nang tawagin ko siya.

"Si Hannah... buntis siya at ikaw ang ama."

Ganoon na lamang ang pagkagulat na bumalot sa kaniyang mga mata dahil sa narinig.


Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon