Chapter 27

67 6 0
                                    

"Arte mo."komento ni Lincoln sa akin bago muling ibinaling ang tingin doon sa lalaki.

"Give her sex on the beach."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Ano raw?Sex on the beach?!

"Hoy, ano bang pinagsasabi mo dyan?!"inis na bulong ko sa kaniya.

"Cocktail pa rin 'yon.Kung ano-anong iniisip mong babae ka!"paliwanag niya kaya napahinga ako nang maluwag.

Hindi naman kasi niya kaagad sinabi!Wews!Ano ba kasing klaseng tawag 'yon.Sex on the beach ang punyeta!Weird!

"Here's your sex on the beach, sexy."kumindat pa ang bartender sa akin.

Lihim akong napangiwi, eh halos katulad lang din naman ng hitsura nung Bocce Ball.Cocktail lang naman pala, dyos ko!Gusto ko ng totoong alak!

"Cocktail na naman?!"inis na binalingan ko si Lincoln.Tumaas ang isa kong kilay nang makitang may mapaglarong siyang ngiti sa labi.

"Bakit ka nakangiti dyan?"

"Wala naman, may naalala lang ako sa cocktail."binagalan niya pa ang pagbanggit ng cocktail na ikinalaki ng aking mga mata.

"B-baliw!Kalimutan mo na nga 'yon!"

"Bakit ko kalilimutan?Wala ka namang ginawang masama ah, dinakma mo─ aray!"

"Lincoln!"kinurot ko siya ng madiin sa tagiliran.

"Ang sadista mong babae ka!"reklamo niya habang hinihimas ang nasaktang parte ng katawan.

"Bagay lang 'yan sa'yo!"

Nakasimangot akong bumaling sa mga nagwawala este nagsasayaw na mga tao.Parang gusto ko ring sumayaw.Hinila ko si Lincoln na umiinom ng alak sa tabi ko.Napakadaya talaga nitong kabayong 'to!Ayaw niya akong painumin ng totoong alak pero siya umiinom!

"Oh?"

"Sayaw tayo."

Gumuhit muli ang mapang-asar niyang ngiti.

"Huwag na, baka makita pa nila kung gaano katigas ang katawan mo.Mahiya ka naman, Fawzia."aniya kaya hinampas ko siya sa braso.

"For your information, hindi matigas ang katawan ko!"

"Sabi mo eh."tumayo siya.

"Saan ka pupunta?Sasayaw na tayo?"nakangiting tanong ko.

"I'll just go to the comfort room, wait for me here.Pag-iisipan ko 'yang gusto mong gawin pagbalik ko."paalala niya bago umalis.

Haays, ang boring naman!Hinanap ko sina Phoebe sa paligid ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko na makita.Napa-second look ako sa kabilang side nang mayroong makaagaw ng atensyon ko.Awtomatikong napatayo ako nang matanaw si Law kasama ang ilan ring

"Hey, kid!"

Kunot noong binalingan ko ang dalawang lalaking humarang sa gawi ni Law.Pamilyar 'yung isa sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay Caesar ang pangalan niya.

"Kilala mo, C?"tanong nung kasama niyang lalaki.In fairness, ang pogi niya rin.Bigla ko tuloy naalala ang pangalawang target ko, ang mag-boy hunting.Choss!

Tumaas ng bongga ang kilay ko nang makitang may ibinulong 'yung Caesar doon sa kasama niya.

"Ah, siya 'yon?Ang bata pa nga niya."wika nung lalaki habang nakatitig sa akin.

"Excuse me?"mataray na sabi ko.

"Hi, I'm Kinsley, kaibigan din ako ni Law."pagpapakilala niya.

"Fawzia Maganda Grande."humble na pagpapakilala ko rin.

"Buntis ka, hindi ba?Bakit nandito ka, bata?"tanong ni Caesar.

"Hindi ako buntis at mas lalong hindi na ako bata!Duh!"inirapan ko siya.

"Sinong kasama mo?"tanong pa niya.

"Mga kaibigan ko."

Kung makatanong naman 'to, akala mo close kami!

"Tsk!Tsk!Mga batang nakatakas sa palda ng mga nanay nila.Hanapin mo na ang mga kaibigan mo at magsi-uwi na kayo.Bawal pa kayo dito."wika ni Kinsley.

Aba't ang lokong 'to!

"Bata ka dyan!Palibhasa oldies ka na!"

"Sinusundan mo ba si Law?Nakakatawa ka, stalker."nakangising aniya.

"Hindi, 'no!Hindi ko siya sinusundan!Huwag n'yo ring babanggitin 'yan sa kaniya."

"Bakit naman?"

"Kasi assuming 'yon!Baka akalain nga niyang sinusundan ko siya!Duh!Yesterday was my eighteenth birthday, that's why my friends and I decided to came here."maarteng sabi ko.Kunot noong nagkatinginan silang dalawa bago ako muling binalingan.

"Hey!"sigaw ko nang hatakin ako ni Caesar sa braso.Nanlaki ang aking mga mata nang makitang papunta kami sa pwesto kung nasaan sina Law.Binitiwan ako ni Caesar kaya awtomatikong napatago ako sa likuran niya.

"Who's that sexy?Your new bitch, Trinidad?"nadinig kong tanong nung isa sa mga kasama nila.

Bitch niya, ulol!

"Hey, Law!Eyes here."

Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako ni Kinsley paalis sa likuran ni Caesar.

"Fawzia, don't be shy."nakangising aniya kaya kahit nahihiya ay nag-angat ako ng mukha upang tingnan ang reaksiyon ni Law.Walang emosyong nakatingin rin siya sa akin.After two weeks ay nakita ko siyang muli.Walang pinagbago, suplado pa rin.Walang puso!Walang awa!Hindi niya alam kung gaano niya ako nasaktan sa mga salitang binitawan niya noon.

"Siya pala 'yung sinasabi nilang girlfriend mo."komento noong isang lalaki.

"She's not my girlfriend.I don't even know her."

Gano'n?Umangat ang gilid ng labi ko at sa isang iglap ay nawala bigla ang hiyang nararamdaman ko.

"Sino bang Law ang sinasabi n'yo?Sa pagkakatanda ko kasi wala naman akong kilalang ganoon ang pangalan.Siguro ang pangit niya, 'no?'Yung tipong malaki ang tyan, balbas sarado, at ubod ng sama ang ugali."nilakasan ko pa ang mga deskripsiyon ko.

"Siya 'yon."turo ni Kinsley kay Law.Pansin kong nakaabang silang lahat sa sasabihin ko.Pinasadahan ng tingin si Law habang nanatili ang ngisi sa aking labi.

"'Yan na 'yon?Sorry pero hindi ko talaga siya kilala.Hindi kasi ako nakikipagkilala sa mga matatandang lalaki.Hindi ako mahilig sa mga sugar daddy kaya please lang, huwag n'yo akong tuksuhin sa kaniya."

Pumalainlang ang malakas nilang tawanan dahil sa aking sinabi habang si Law ay nanatiling tahimik ngunit masama naman ang tingin sa akin.

"I've told you, guys.Tiklop si Law sa babaeng mahal niya."natatawang sabi ni Caesar.

Babaeng mahal?Ulol!

Napapailing at walang imik na iniwan ko na sila doon.Ang lalakas ng trip ng mga gurang na 'yon ah.Pagkabalik ko sa counter ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Lincoln.

"Saan ka ba nagpunta?!"

"Dyan lang sa tabi-tabi.Sorry na."

"Tsk!Sa susunod hindi na talaga kita iiwanang mag-isa.Ang likot mo!Para kang bata!Kung saan-saan ka nagpupupunta!"

Awit!Galit na si Kabayo!

"Sorry na nga kasi, aba!Sorry po!"ginaya ko pa si Chichay.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon