Nakapangalumbaba na iginala ko ang paningin ko sa loob ng room.Mayroong mga natutulog, ang iba ay nagse-cellphone lang, may pagtaas pa ng paa.Parang nasa bahay lang, feel na feel.Dapat talaga hindi na lang ako pumasok.May program kasi sa school ngayon kaya wala na namang klase.
"Hi, Fawti!"tawag ni Van kaya napagawi ang tingin ko sa kaniya.Tumango ako at ngumiti bago inilipat ang tingin sa kaniyang kasama, si Lincoln.Napataas ang kilay ko nang mapansin ang pasa niya sa gilid nang labi, pati na rin ang sugat niya sa kilay.Nakasunod lamang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makaupo siya sa kaniyang silya.
"Anong nangyari sa mukha mo?Nakipag-away ka ba?"akmang hahawakan ko siya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Aray ha!Bakit ka namamalo?Ikaw na nga 'tong inaalala!"
Hinaplos ko ang kamay kong nasaktan.Ang lakas naman kasi ng pagkakatampal niya.
"Pagpasensyahan mo na Fawti.Broken hearted─ sabi ko nga wala akong alam."napatigil si Van sa pagsasalita nang samaan siya ng tingin ni Lincoln.Bumaling siya sa akin.
"Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo!"masungit na aniya.
"Ang arte mong bwisit ka!Huwag ka ng lalapit sa akin kahit kailan ha!"padabog akong lumabas ng classroom.
Sana pala hindi ko na lang siya pinansin.Siya na nga itong inaalala, siya pang masungit?Kakairita!Sa susunod talaga huwag na huwag siyang lalapit sa akin dahil sasamain siya!Nag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Law.Tinatamad akong makipag-usap kaya hindi ko na lang sinagot.Baka sa kaniya ko pa maibunton ang inis na nararamdaman ko.Bumalik ako sa room at mabilis na dinampot ang aking bag.
"Saan ka pupunta, Fawti?"usisa ni Gon.
"Sa impyerno, sama ka?"
"Huwag na, kakagaling ko lang don eh."
Pagkalabas sa main gate ay kaagad akong sumakay sa nakaparadang jeep.Mahirap na at baka maulit muli ang nangyari noon.
"Manong, sa Bignay 2 po."inabot ko ang bayad sa katabi kong pasahero.
"Fawzia?"
Napabaling ang atensyon ko sa katapat at nakita si Stella.
"Oh, hi!"nakangiting bati ko.
Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin.Matagal na kaming okay ni Stella.Nag-sorry na siya sa akin at ganoon din ako.
"Saan ka pupunta?Nag-cutting ka?"tanong niya.
"Oo, pupunta ako kina Mama at Lola.Ang boring sa room kaya doon na lang ako sa farm."
Saan naman kaya pupunta 'tong babaeng 'to?Paniguradong wala rin siyang balak pumasok sa school.
"Uuwi na rin sana ako kaso nakita kita kaya sasama na lang ako sa'yo."
Humawak pa siya sa aking braso kaya hindi na ako nakatanggi.Mas mabuti na ring may kasama ako sa pag-absent.Pagkababa sa jeep ay inaya ko siyang maglakad papunta sa farm.Alam ko ang daan dahil ilang ulit na akong nakapunta doon tuwing bakasyon.Natanaw ko si Lola na nakaupo sa dampa, katabi niya si Mama.
"Wazzup!"wika ko sabay akbay sa kanila.
"Ay!Susmaryosep kang bata ka!Huwag ka ngang nanggugulat!"napahawak si Lola sa dibdib niya.
"Sorry, Lola.I love you!"wika ko at inabot ang kaniyang kamay upang magmano.Tumabi sa akin si Stella at nagmano rin kay Lola.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka?"nakataas ang kilay na tanong ni Mama.
"Tinamad po akong pumasok.Tsaka wala rin naman po kaming klase ngayon, 'di ba, Stella?"
"Oo nga po, may event po kasi.Uuwi na nga po sana ako kaso nakita ko si Fawzia kaya sumama na lang po ako sa kaniya."
"Mama, Lola, si Stella nga po pala, kaibigan ko."
Ngumiti silang dalawa sa kaniya.
"Aba'y kagandang bata naman nito.Napakaputi pa.Paniguradong may nobyo ka na, hija."
Inayos ni Stella ang buhok niya bago sumagot."Wala po, study first po."
Napangiwi ako.Study first daw pero nakipagchukchakan sa cr?Charot lang!Hindi ko siya dapat hinuhusgahan.Malay ba natin kung may rason siya kung bakit niya ginawa 'yon o baka naman nagkamali lang ng tingin sina Gon.
"Nasaan po pala si Papa?"pag-iiba ko ng topic.
"Ayon at natulong sa pagha-harvest.Ang dami kasing bunga ng mga itinanim ng mga farmers natin.Swerte rin tayo dahil ang mahal ng presyo ng mga gulay ngayon."
"Nakapag-meryenda na po ba sila?Kami na lang po ni Stella ang bibili at maghahatid sa kanila ng mga pagkain."
Mukhang wala sa sarili si Stella at nakatulala lamang sa puno ng talong.Ano kayang iniisip niya?Talong ni Van?O talong nung Senior High?Naalala ko tuloy 'yung talong ni Lincoln.Wews!Naramdaman ko ang pag-init ng paligid o sadyang mainit lang talaga ang panahon?
"Dapat hindi na kayo pumunta dito.Tingnan mo at namumula ka na sa sobrang init.Pinagpapawisan ka pa."puna ni Mama habang pinupunasan ang mukha ko.
"Okay lang po.Bibili na po kami ni Stella."iniabot sa akin ni Mama ang isang libo.
"Mama, keep the change na po ah!"sigaw ko nang makalayo.Dinig ko pa ang pag-angal niya kaya natawa ako.
"Ang tahimik mo naman, okay ka lang ba?"tanong ko kay Stella.
"Oo naman."
"Kung hindi ka okay, ihahatid ulit kita sa labasan then umuwi ka na para makapagpahinga ka.Medyo namumutla ka rin.May lagnat ka ba?"
Huminto siya sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa ko.Ilang segundo siyang napatitig sa akin bago namuo ang luha sa kaniyang mga mata.Hinipo ko ang kaniyang noo pero hindi naman siya mainit.
"May s-sasabihin ako sa'yo."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Punyeta ba naman, na-e-excite ako!Baka chismis 'to, Mars!
"Ano 'yon?"
Nagtaka ako nang tuluyan na siyang napahagulhol.Luh, anyareh?Sinugod niya ako ng mahigpit na pagyakap.
"Ano bang nangyayari sa'yo?May masakit ba?Stella, pinapakaba mo na ako!"medyo nagpa-panic na rin ako dahil panay ang iyak niya.Halos hindi na nga siya makahinga nang maayos.Tinipon ko ang kaniyang buhok habang marahang hinahaplos ang kaniyang likuran.
"B-buntis ako, Fawzia."
Nalaglag ang panga ko sa narinug.
"Ako ba ang ama niyan?"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at binatukan ako.
"Aray ko naman!Joke lang eh!"
"Anong ikaw a-ang ama?!Panira ka, Fawzi!Nakakainis k-ka talaga!"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o hindi.Pero seryoso kayang buntis siya?
"Sino ang ama ng dinadala mo?"
Napalunok siya at halatang-halata ang pagiging kabado.
"Si V-van."
Ay deads!Nakabuntis ang Vans of the Wall!Hindi ako makapaniwalang buntis si Stella at si Van ang ama.Saan kaya nila ginawa?Kailan?Anong posisyon?Lights on?Lights off?
"Tumahan ka na nga!Mukha ka ng batang uhugin.Baka kung mapaano pa 'yang inaanak ko!"
Napanguso siya lalo habang pinupunasan ang luha at sipon.Eww!Kaderder!
"Basta ninang ako niyan ha."wika ko upang gumaan naman kahit papaano ang nararamdaman niya.
"Talagang kukunin kitang ninang ng baby ko, basta 'wag kang kuripot."
"Oo naman!Ako pa?Tama na ang piso sa kaniya hahaha─ aray!"
Napahawak ako sa pisngi kong pinisil niya.Shocks!Ako pa ata ang pinaglilihian ng babaeng 'to.Pero 'di bale, maganda naman ako kaya siguradong maganda ring bata ang lalabas.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...