Chapter 7

89 7 0
                                        

"Huwag ka ng magtago."utos ni Horsie.

Napakamot ako sa aking batok bago umalis sa likuran ng puno at nagpunta sa kaniyang harapan.Kanina niya pa pala ako napansin.

"Thank you nga pala at sorry kanina kasi natarayan kita."nahihiyang sabi ko.

May hiya pa rin naman ako, 'no!

Humithit siya sa hawak niyang sigarilyo at ibinuga ang usok sa mismong mukha ko kaya napaubo ako.

"Gago ka ba?!"

"Oo."nakangising sagot niya.

Aba't!Kapag ako hinika sasakalin ko talaga siya hanggang sa pareho kaming malagutan ng hininga!Umakyat siya sa isang sanga ng puno at naupo doon.Hmm, parang gusto ko rin maupo don.

"Hoy!Hoy!"

Nangunot ang kaniyang noo bago nagbaba ng tingin sa akin.

"What?"

Itinaas ko ang mga kamay ko.Napatagilid ang ulo niya at mukhang hindi ako na-gets.

Slow!

"Uupo rin ako!Tulungan mo akong makaakyat."utos ko.

Inirapan lang niya ako kaya sa sobrang inis ko ay hinigit ko ang nakalawit niyang paa.

"Tangina!"sigaw ni Lincoln nang mawalan ng balanse.Tatawa pa lang sana ako nang mahulog siya sa akin.

Tangina rin!Ang bigat!

"Aray ko!"reklamo ko habang iniinda ang nasaktang braso.

"Hoy, umalis ka nga sa ibabaw ko!"sigaw ko pero agad ding napatigil nang magtama ang aming paningin.

Ang gwapo niya sa malapitan!Emeged!Fawzi, you're so malandi!Nasaktan ka na nga, mas inuuna mo pa ang kagwapuhan ng gagong 'yan!

Nakatitig lang din siya sa akin kaya napalunok ako.Ito na ba 'yon?Magkakatitigan kami, then maglalapit ang mukha namin?Then magkikiss kami?!Kyaaaaah!Mama!Papa!Lola!Mawawala na ang first kiss ko!Eggzoyted ako!Este kinakabahan ako!

"Hoy!Anong ginagawa n'yo dyan?!"

Awtomatikong napaalis sa ibabaw ko si Lincoln nang makarinig kami ng sigaw.Boses 'yon ni Dirk, sigurado ako.Nagmadali akong tumayo at ipinagpag ang uniform.Nanatiling nakaupo si Lincoln sa lupa.Humarap ako sa gawi ni Dirk at nakitang kasama niya pala si Ken, ngiting-ngiti ang mga loko.

"Hoy!Wala k-kaming ginagawa ha!Ang dumi ng isip n'yo!"depensa ko.

"Asus!Wala naman kaming sinasabi ah!"nakakalokong sagot ni Ken.

"Kanina pa namin kayo hinahanap tapos tsk!Tsk!"ngumisi nang nakakaloko si Dirk bago inilipat ang tingin kay Lincoln.

"Che!Umalis na nga kayo!"pagtataboy ko.

"Oo na, gusto mo lang masolo si Lincoln eh."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.Aba't!

"Hindi ah!Ako na nga lang ang aalis!Bahala kayo dyan!"

"Don't go."malamig na sabi ni Lincoln kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Nice!"

"Baby don't go~"pagkanta ni Ken.

A-ano daw?!

"At b-bakit?!"

Tumingala si Lincoln at itinuro ang kaniyang binti.

"Nabalian ako."

Punyeta!Akala ko naman kung ano na!

"Edi magpatulong ka dyan sa dalawang 'yan!Akala ko pa naman kung ano na ang sasabihin mo!My god!"

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon