Chapter 35

72 5 2
                                    

"Saan mo ba gustong kumain?"tanong niya.

"Kahit saan, basta kasama ka."nakangising kinindatan ko pa siya nang lingunin niya ako.

"Paasa ka, alam mo 'yon?"

Mas lalo akong natawa sa kaniyang sinabi.

"Eh sa nakakatuwa 'yang reaksiyon mo kapag ginaganoon kita eh."

"Pinaglalaruan mo ang feelings ko."

"Putanginang kadramahan 'yan ha.Hindi bagay sa'yo, baby!"

"Tinatanong ka ng maayos, hindi ka sumasagot.Saan nga?"

"Ikaw na ang bahala."giit ko.

Sa hinaba-haba ng aming byahe ay sa kasalan din ang aming pinatunguhan.Charotism!Dumaan muna kami sa simbahan para magdasal.Tanghaling tapat sumimba?Nadaanan kasi kaya pinahinto ko muna si Lincoln.May ipagdadasal lang akong kaluluwa, kay Law Paasa Morozova.Nakayuko kaming pareho ni Lincoln habang taimtim na nagdadasal.Nagulat nga ako nang hindi siya nasunog kanina noong pumasok kami.Edi sana may palibreng cremation na.Choss!

"Anong ipinagdadasal mo?"bulong ko kay Lincoln nang mapansing nakapikit pa rin siya.Nagmulat siya at nginitian ako.

"Ipinagdadasal kong sana maging tayo."

"Pun─"

Idinampi niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi at pinanlakihan pa ako ng mga mata.

"Nasa simbahan tayo, 'yang bibig mo."saway niya sa akin.

Nakangiwing itinulak ko siya palayo.Pinahid ko ang aking labi gamit ang likurang bahagi ng aking kamay.

"Baka kung saan mo idinampi 'yang daliri mo tapos inilapat mo sa luscious lips ko?"

Umalog ang kaniyang balikat habang nagpipigil ng tawa.

"Kung anong iniisip mo ay tama ka, doon ako huling humawak."nakangising aniya.

"Lincoln!"pigil ang sigaw na tawag ko.

Ang bwisit na 'to!

"Tsk!Tara na nga!Nasa loob ka pa ng simbahan gumagawa ka na kaagad ng kasalanan."hinila ko siya patayo at inaya ng lumabas.Sa sandaling makalayo na kami sa simbahan ay saka ko siya hinampas sa braso.

"Aray naman!"daing niya.

"Talagang masasaktan ka!Puro ka kabulastugan!Sumbong kita sa nanay mo eh!Sasabihin kong kaya kita binusted ay dahil dyan sa kalokohan mo!"

"Sus!Sino kayang unang nanghawak?"tumaas-baba ang kilay niya sabay baba ng tingin sa kaniyang pang-ibaba.

"Aba, Lincoln ha!"pakiramdam ko ay namumula na ang buo kong mukha dahil sa kakulitan ng bwisit na 'to.

"'De joke lang.Baka kung saan ka na naman magpunta kapag napikon ka.Hali ka nga, baby."hinila niya ang aking braso upang mapalapit.Inakbayan niya ako kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.Nawala ang ngiti sa kaniyang labi ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mga mata habang nakatitig sa akin.

"Pwede bang kahit ngayon lang ay magkunwari tayong mahal natin ang isa't isa?"

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso.Hinawakan niya ang aking pisngi at walang paalam na idinampi ang kaniyang labi sa aking noo.

"Maaari ba, Fawzia?"tila napapaos ang kaniyang boses.Napalunok ako dahil tila may kung anong pumipigil sa akin para magsalita.Unti-unting umangat ang magkabilang sulok ng aking labi.

"S-sige, pero huwag kang aasa sa akin, Lincoln.Ayokong masaktan kita."

Tumango siya bago ako pinakawalan.Inabot niya ang aking kamay at hinawakan iyon.Ramdam ko ang mainit niyang palad na unti-unting bumabalot sa aking kamay.

"Anong gusto mong endearment natin?"malambing ang boses na aniya.

"Hoy."maagap na sagot ko na ikinawala ng kaniyang ngiti.

"Mag-isip ka pa ng iba."

"Bogart."

"Fawzia!"

"Akala ko ba magkukunwari tayong mahal natin ang isa't isa?Bakit sinisigawan mo ako?"nakataas ang kilay na tanong ko.Huminga siya ng malalim at napapisil na lamang sa bridge ng London este ng kaniyang ilong.

"Hindi mo ako sineseryoso."akmang bibitaw na siya nang higpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Para binibiro lang eh!Masyado kang seryoso, Bogart."

"Bogart?Naglolokohan ba talaga tayo dito?"nakakunot na ang kaniyang noo at gustong-gusto ko na talagang matawa.

"Eh sa iyan ang gusto kong endearment eh!Para unique.Tsk!Bahala ka nga!Break na tayo ha!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata na tila nagpa-panic sa aking sinabi.

"Fine!Bogart it is!Ikaw ang masusunod, Bogart."labas sa ilong ang kaniyang pagtawag at talagang diniinan pa niya.

Inakay niya ako papasakay sa kaniyang kotse.Imbis na kumain kami sa fastfood o resto ay nag-take out na lang kami dahil naisipan naming mag-road trip na lang.Mula Batanes hanggang Jolo, ganern.Choss, Eat Bulaga lang ang peg?Dabarkads yarne?Nakalimutan kong nasa Quezon nga lang pala kami at wala sa Batanes.

"Bogart, oh."isinubo ko sa kaniya ang hawak kong stick ng fries.

"Isa lang?Tapos ikaw, lima kaagad ang bawat sinusubo mo?"reklamo niya kaya sa inis ko ay dumampot ako ng marami at walang pasabing isinalpak sa kaniyang bibig.

"Hmmgsyhak!"kunot noong aniya at halos mabulunan pa.

"Ano?"kunwari ay wala akong ginawa.Nang malunok niya ang kinakain ay pinukol niya ako saglit ng masamang tingin.

"Balak mo ba akong patayin?!"

"Luh!Papaano mo nalaman?"

Napabuga na lamang siya ng malalim na paghinga na tila kinakalma ang sarili.Nakakatuwa talagang pikunin 'tong si Lincoln.

"Oh, inom ka na, Bogart.Baka mamaya sabihin mo pang napakasama kong girlfriend."wika ko sabay lapit sa kaniya ng Coke float.

"Masama talaga ang ugali mo, pati mukha.Lahat sa'yo masama."

"Aba, Bogart!Sumusobra ka na!"

Napuno ng kaniyang tawa ang sasakyan.

"Tanginang tawagan talaga 'yang naisip mo, Fawzia.Ibang klase."napapailing na aniya.

Umikot ang aking mga mata at inabala na lamang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Oh, natahimik ka na dyan."puna niya nang hindi na ako magsalita.

"Hindi kita papansinin hangga't hindi mo ako tinatawag sa endearment natin.In one, two, three, go!"

"Ang lakas ng trip mo."

Lalalala~

"Hoy!Kinakausap kita, Fawzia."

May nagsasalita ba?Parang wala naman akong nadidinig.

Lalalalala Fawzia, babaeng pinakamaganda~

"Bogart..."

Awtomatikong nilingon ko siya habang may napakatamis na ngiti sa labi.

"Yes, Bogart?"

Halatang nagpipigil siya ng ngiti ngunit hindi niya rin nagawa.Nagkukunwari pang ayaw eh halata namang kinikilig rin sa tawagan namin!Habang pinagmamasdan ko si Lincoln ay napatanong akong bigla sa aking sarili.Bakit hindi siya?Bakit hindi na lang siya ang lalaking minahal ko?

"Baka ma-inlove ka niyan sa kakatitig mo sa akin."wika niya kaya ngumiti na lamang ako.

Sana nga, sana sa'yo na lang ako nahulog.Ikaw naman ang mas nauna kong nakilala kaya bakit hindi kita nagawang mahalin, Lincoln?

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon