Chapter 29

62 6 0
                                    

"Okay ka na?"tanong ko kay Lincoln.

Pansin kong medyo gumagaling na ang mga sugat niya.Mabuti at hindi siya nabalian.Ang balita ko ay kusang sumuko sa mga pulis ang bumugbog sa kaniya.Ang sabi-sabi rin ay bugbog sarado at bali-bali na ang mga lalaki nang dumating sila sa presinto.Sino naman kaya ang gumawa sa kanila non?

"Humihinga pa rin naman."

"Lincoln,"

"Bakit?"

"Uh, ano, s-salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin."

Ngumiti siya.

"I'm the one who should be thankful, you saved me."

"Hindi ako ang nagligtas sa'yo.Anong akala mo sa akin superhero na may super powers para matalo 'yung mga bakulaw na 'yon?"

"Ha?Sino pala kung ganoon?"

"Mga kaibigan ko, sina Kinsley."

"Kinsley?At sino naman 'yon?"

"Kaibigan 'yon ni Law.Sila rin ang nagdala sa'yo sa ospital."

Pansin ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.Bigla ay sumeryoso siya.

"Nandoon sila ng gabing 'yon?"

"Oo, mabuti na lang talaga at nagkataong papauwi na rin sila noon.Naku!Naku!Baka napulot na tayo sa kangkungan kung nagkataon!"

Natahimik siya at tila malalim ang iniisip.

"Anyway, kailan pala ang labas mo dito?"

"Mamayang hapon."

Nag-stay pa ako doon hanggang sa makalabas siya ng ospital.Nauna na ring umuwi sina Mama.Nabanggit rin niyang napakabait raw ni Tita Loren, ang Mama ni Lincoln.Mukhang may bagong kumare si Mama.

"Lincoln, tara na?Naghihintay na ang driver sa labas."wika ni Tita Loren matapos maimpake ang gamit ni Lincoln.

Ngumiti siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya.Ang ganda niya talaga.Sa kaniya siguro nagmana si Lincoln, pero medyo pamilyar rin ang mukha niya.Hindi ko alam pero para bang nakita ko na ang ganoong ekspresyon sa tuwing ngumingiti siya.

"Sumabay ka na sa amin, Fawzia."anyaya ni Lincoln.

"Hindi na, magko-comute na lang ako."

"No, hija.Baka mapahamak ka pa sa daan.Sumabay ka na sa amin."

Wala na akong nagawa nang si Tita Loren na ang nag-anyaya sa akin.Parang nakakahiya talagang tumanggi aa kaniya.Tita na lang daw ang itawag ko sa kaniya o pwede rin daw na Mama.Paniguradong may sinabi sina Mama kay Tita Loren kaya ang bait-bait niya sa akin.Habang nasa byahe ay nakatulog si Lincoln.Napasandal pa siya sa akin kaya hindi ako makagalaw sa pwesto ko.Naawa naman ako sa kaniya kaya hinayaan ko na lang, pero nang nasa tapat na kami ng bahay ay dahan-dahan kong inalis ang pagkakasandal niya sa balikat ko.

"Bye, Fawzia."wika ni Tita Loren.

"Bye po, Tita.Thanks po sa paghatid sa akin.Ingat po kayo."

Nanatili ako sa labas habang tinatanaw sila palayo.Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa gate nang maramdaman kong may biglang tumigil na Van sa tapat ng bahay namin.Akmang lilingunin ko pa lamang iyon nang may humatak sa akin.Bago pa ako makasigaw ay mayroon nang tumakip sa aking bibig.Kaagad na umandar papalayo ang sasakyan at saka lamang inalis ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Tulong!Tangina n'yo!Pakawalan n'yo ako!"sigaw ako ng sigaw sa loob ng Van.

"Damn it!Cover her mouth!Nakakarindi!"malagong ang boses ng katabi ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon