Chapter 14

72 7 3
                                        

"Punyeta kayo!Naririndi na ako sa inyo!"pinag-umpog ko silang dalawa.

Kakalbuhin ko na sila mamaya kapag hindi pa sila tumigil!Bumaling ako kay Lincoln na ngayon ay may hawak ng sigarilyo.Nakakunot ang noong nakatitig siya sa akin.Oo, titig talaga!Nakakailang tuloy.

"So, ganito na, guys!Maglaro na lang tayo para hindi boring!"pag-agaw ni Sean sa aming atensyon.

"Anong laro naman 'yan, Sean da Paul?"bored na tanong ni Phoebe.

Sean da Paul ang punyeta!Muntik na akong mapakana ng, Clean Bandit, Sean da Paul, Anne Marie, sing make them hear!

"Bagong-bago 'to!"proud na sabi niya kaya na-excite naman kami.

Ano kaya 'yon?

"Charaaan!Truth or dare!"aniya sabay wagayway ng boteng walang laman.

Napasimangot kaming lahat.

"Wews!Bagong-bago nga ah.Nag-time travel ka pa ata sa future para malaman ang larong 'yan."

"Nahiya naman kami sa sobrang bago!"nakangiwing sabi ni Eva.

Ang akala ko pa naman kung ano na.As usual, bumilog kaming lahat sa sahig.

"Ito na ang mechanics, kung kanino mapatapat ang dulo ng bote ay mamimili siya kung truth or dare at kung sino naman ang nakatapat sa kabilang dulo ay siya ang magtatanong or mag-uutos.Gets n'yo ba?"paliwanag niya.

Para namang hindi namin alam kung paano laruin 'yon!

"Oo na, start na!"naiinip na sabi ko.

Ipinaikot niya ang bote at tumapat iyon kina Van at Phoebe, si Phoebe ang magtatanong o mag-uutos.

"So, Van of the walls, "panimula ni Phoebe.

Napasimangot si Van, samantalang kami ay nagtawanan.Syempre maliban kay Kabayo.Tahimik lang siyang naninigarilyo sa tabi ni Gon.Kapre ata 'to eh.Kanina pa hithit ng hithit.

"Truth or dare?"

"Truth!"

"Okay!So, may pag-asa pa bang mapatawad mo si Stella?"

Natahimik kaming lahat.Nawala rin ang malawak na pagkakangiti ni Van.Mukhang hindi niya rin inaasahan ang tanong ni Phoebe.Maski kami ay ganoon din.

"Meron naman, pero hindi pa sa ngayon.Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin.Hindi sapat ang sorry lang."

Gaano kasakit?Choss!

"Spin na!"natatawang aniya nang mapansing nakatingin lamang kami sa kaniya.

Para maalis ang awkward atmosphere ay ipinaikot na ni Van ang bote.Sigurado akong nasasaktan pa rin si Van kapag naaalala niya ang nangyari sa kanila ni Stella.Ikaw ba naman ang lokohin, 'no?Naaawa ako sa kaniya.Mabait si Van kahit ilang buwan ko pa lang siyang nakakasama.Hindi niya deserved ang maloko.Lahat naman ata ng tao ay hindi deserve na lokohin.Tumapat ang bote kayna Eva at Dirk.

"Truth or dare?"tanong ni Dirk kay Eva.

"Uhm, t-truth."kinakabahang sagot ni Eva.

Hmm, I really smell something fishy between these two!

"Kailan mo ako balak sagutin?"nakangiting sabi ni Dirk.

Naghiyawan kami sa tanong ni Dirk.Ang lokong 'to, nanliligaw pala kay Eva?Ni hindi man lang nagkukuwento sa amin!Kaya naman pala parang may something!Sabi ko na nga ba eh!

"H-hindi ko pa alam."namumula ang mukhang sagot ni Eva.

Nalaglag ang balikat ni Dirk pero maya-maya ay ngumiti rin ng pagkalaki-laki.May sa abnormal talaga!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon