Chapter 50

69 4 0
                                        

Itinukod ko ang aking kamay sa gilid ng aking ulo habang pinagmamasdan si Lincoln.Ngayon ay nakikita ko na talaga nang malinaw ang pagkakahawig nila ni Law.Ang kaibahan nga lamang ay grey ang mga mata ni Law, samantalang light brown naman ang kay Lincoln.Parang kay Tita Loren lang.

"Huwag mo akong masyadong pakatitigan, baka ma-inlove ka na sa akin niyan."wika ni Lincoln habang abala pa rin sa pagsusulat sa kaniyang notebook.Masipag pa lang mag-aral ang kurikong na 'to.

"Asa ka naman, dude."nakangiwing umayos ako ng pagkakaupo.

"Ligawan mo na kasi, Lincoln."udyok ni Trevor pero hindi ko na lang pinansin.

"Ayoko, siya ang manligaw sa amin.Siya itong patay na patay sa akin kaya bakit ako ang kikilos?"

Aba't!Ano raw?!Inis na nilingon kong muli si Lincoln at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy!Lalaking makapal ang mukha!"

"Yes, baby?Huwag kang mag-alala, hindi naman kita papahirapan, pero pilitin mo muna ako."kumindat pa siya kaya umakto akong nasusuka.

Bwisit talaga 'tong si Lincoln!Arrgh!Bwisit na bwisit na nga ako sa paasa niyang Kuya, pati ba naman sa kaniya?My god!Anong kasalanan ko sa dalawang 'yon sa past life ko?Baka naman lalaki ako noon, habang sila ay mga babae tapos pinagsabay ko sila at ginawang asawa pareho.Choss, overthink pa more.

"Lincoln, excuse ka daw sabi ni Hannah!"sigaw ni Phoebe kaya napalingon kami sa gawing pintuan.Natanaw ko doong nakatayo ang oh so called bestfriend ni Lincoln.Ngayon ko lang ulit nakita si Hannah.Tumayo si Lincoln at kaagad na nilapitan ang babae.Excited much?

"Selos ka?"usisa nina Gon kaya umiling ako.

"Hindi ah, bakit naman ako magseselos?"

"We?"

Gusto kong matawa sa kanilang reaksiyon dahil parang hindi sila naniniwala sa aking sinabi.Pero ang totoo kasi niyan, nagkaroon talaga ako ng crush kay Lincoln noon.Crush lang naman, pero noong nalaman kong may gusto rin sa kaniya si Hannah ay kusang nawala ang feelings ko.Ramdam ko rin naman kasing hindi lang kaibigan ang tingin ni Hannah kay Lincoln, babae ako at alam na alam ko ang mga kilos ng babaeng may nagugustuhan.Anyway, noon pa naman iyon.Mabilis rin namang nawala ang pagka-crush ko kay Lincoln.Hindi ko na rin 'yon sasabihin sa kaniya dahil baka mas lalo siyang umasa.Baka manghinayang pa.

Ilang saglit pa ay nakita kong bumalik na si Lincoln sa kaniyang silya, kunot na kunot ang noo.Bumaling ang tingin ko kay Hannah at nakitang halos mangiyak-ngiyak na ito habang pinagmamasdan ang likuran ng lalaki.Oh damn, boy!I know that look.Parang nakikita ko sa kaniya ang sarili ko.Obvious namang may gusto siya kay Lincoln, iyon nga lang, medyo obvious ring hindi tugma ang kanilang nararamdaman.Bakit ang hilig magpahabol at manakit ng damdamin ng magkapatid na 'yon?Sarap sakalin.Tsk!

Nagkatinginan kami ni Hannah at hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano.Walang reaksiyong tumalikod siya at naglakad na palayo.Hays, may isa na namang nasawing puso, mga kaibigan.Pinihit ko ang aking katawan upang balingan si Lincoln.Tila wala pa rin siya sa mood.

"Umiiyak siya."wika ko dahilan upang mapalingon siya sa akin, ganoon rin sina Trevor.

"Sinong umiiyak, Fawti?"usisa ni Van.

Tingnan mo 'to, magiging tatay na nga napaka-chismoso pa rin.

"'Yung baby n'yo ni Stella."

"Ulol!"sinimangutan niya ako kaya itinuon kong muli ang atensyon ko kay Lincoln.

"Hindi mo ba siya susundan?"tanong ko.Nakatitig lamang siya akin at walang nababaksan na emosyon maliban sa inis.

"Hayaan mo siya."

Haays, magkapatid nga silang talaga.Parehong mapanakit.Porke alam nilang may gusto sa kanila ay ayos lang.Inirapan ko si Lincoln at hindi na siya tinangka pang kausapin buong araw.Kinagabihan, habang nanonood ako ng palabas sa t.v. ay nag-vibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Kuya Kinsley.Peto bakit naman kaya siya napatawag?

"Bakit po?"tanong ko pagkasagot.Mabait naman siya sa akin kaya ganoon rin ang gagawin ko.

"Hello?Kuya Kinsley?"wika kong muli nang hindi siya magsalita.

"Did I dial the wrong number?You're Fawzia, right?"

"Si Fawzia nga po ito.Bakit po, Kuya?"

"Ikaw ba talaga 'yan, Fawzia?"

"Oo nga, punyeta ka!Paulit-ulit?"napipikong sabi ko.

Nadinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.

"Oh, sorry.Akala ko nagkamali ako ng tinawagan, ang galang at ang bait mo kasi."

Ganern?Dati ba akong walang hiya?Parang hindi naman ah.

"Matagal na akong mabait.Bakit po ba?"

"May itatanong lang sana ako sa'yo."

"Ano po 'yon?"

"Hey, kid!Hindi bagay sa'yo ang maging magalang!"nadinig kong sigaw ng boses ng lalaki sa kabilang linya.Tila inagaw pa kay Kinsley ang cellphone niya.Nagsalubong ang aking mga kilay nang makilala ang nagsalita.

"Punyeta ka, Nigel!Panira ka talaga ng araw!"

Narinig ko ang paghalakhak nilang dalawa sa kabilang linya.Mga bwisit!Tinawagan lang ata ako para inisin!Sa sobrang inis ko ay pinatayan ko na sila ng linya.Word of the day ko na ang salitang bwisit.Maya-maya pa ay tumawag silang muli at pigil ang inis na sinagot ko iyon.

"Bakit ba kasi?!"

Ang alam ko mayaman 'tong dalawang 'to kaya dapat busy sila.Mas inaatupag pa ang pang-iinis sa akin kaysa sa makabuluhang bagay.Hindi gumaya sa kaibigan nilang workaholic, paasa nga lang.

"Chill, Fawzia.May itatanong lang kami.Damn it, Nigel!Huwag mo ng inisin!"nag-aagawan pa ata sila ng cellphone kaya napairap ako.

"Ano nga?Inuubos n'yo ang oras ko."

"Nag-away ba kayo ni Law?"

Natigilan ako sa itinanong ni Kuya Kinsley.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi.

"Sinong Law ang tinutukoy mo?"puno ng kaseryosohan ang aking boses.

"I think, they had a uhm what do you call that again, Medrano?The fight between a couple?"tanong ni Nigel.

"Lover's quarrel ata."sagot naman ni Kinsley.

"Eww!Duh!We're not lovers so stop with your stupid assumption, guys."maarteng wika ko bago sila muling pinatayan ng linya.



__________________________________

Malapit na tayo sa katapusan.Choss!Nasa Chapter 56 na ata 'yung nasa draft ko, tinatamad lang akong i-revise.Ewan ko na lang kung matapos ko 'to ngayong May.Sana lang talaga sipagin ulit ako.Anyway, may ishe-share ako sa inyo, so kahapon inilabas 'yung part two ng 365 ek ek lavu.For me, hindi siya ganoon kaganda.Mas bet ko pa rin 'yung unang movie kaysa doon sa pangalawa.Parang ang content lang kasi ng part two ay 90% seggs, 9% music, at 1% plot.Lol!Skl HAHAHAHA! :>

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon