Chapter 56

88 3 4
                                    

"Anong gusto n'yong ulam?"tanong ni Papa.

"Ikaw na ang bahalang mag-isip."dinig kong sagot ni Mama.

Abala ako sa panonood ng palabas sa tv habang katabi si Lola.Ang ganda kaya ng pinapanood namin.

"Hotdog?Okay na, mahal?"

Mahal?Eww!Ang corny talaga ng tatay ko.

"Ayoko ng hotdog!Eww!Alam mo namang hindi ako kumakain non.Cheesedog na lang."

Ganern?

"Hotdog po sa akin, Papa!"sigaw ko habang hindi pa rin inaalis ang mata sa pinapanood.Bold kasi ang palabas, choss!Nandoon na kasi sa part na nagbabarilan.

"Sausage sa akin."wika naman ni Lola kaya napangiwi ako.

Ang sosyal naman nito.May pa-sausage si Mayora.

"Oh, ok.Gusto n'yo rin bang magluto ako ng itlog?"tanong na naman ni Papa.

"Yes, please.Uhm sunny side up sana."sagot ni Mama.

"Scrambled egg po sa akin!"wika ko.

"Nilaga 'yung sa akin, 'nak!"sigaw rin ni Lola.

"Kailangan talaga iba-ibang luto?Kayo talagang tatlo!"

Natawa ako.Kahit hindi ko nililingon si Papa ay na-i-imagine ko ng nakasimangot siya.Hindi ko alam kung inaasar lang din ba siya nina Mama at Lola, ako kasi oo.Trip na trip kong inisin 'tong tatay ko, kumpare ko rin 'yan eh.

"Magluto ka na rin ng Pancit Canton, Spicy flavor ha."bilin ni Mama.

"Calamansi sa akin, Pa."nakangising segunda ko.

"Chilimansi sa akin."si Lola.

"Ako daw ang bahalang mag-isip pero kung makapag-request naman.Magkakatulad nga, iba-iba namang luto at flavor ang gusto n'yo.Tsk!Pasalamat kayong tatlo at mahal ko kayo!"nadinig kong wika ni Papa bago naglakad patungo sa kusina.

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto at hindi na namin napigilang hindi mapatawa.Sabi ko na nga ba at nang-iinis lang din 'tong dalawang 'to.

"Good job, Ma, Fawzia."papuri ni Mama kaya nag-thumbs up kami sa isa't isa.Mabuti na lang at hindi pikon si Papa.

Kinagabihan, tulog na silang tatlo ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko.Nakahiga ako sa aking kama habang nakatulala sa kisame.Wala lang, trip ko lang magmuni-muni.Naputol ang pagkatulala ko nang mag-vibrate ang aking cellphone.Napataas ang aking isang kilay nang mabasang may message si Lincoln.

From: Lincoln

"Gising ka pa?"

Umikot ang aking mga mata bago nagtipa ng mensahe pabalik.

To: Lincoln

"Hindi, tulog na."

Ilang minuto pa ay may na-receive akong reply mula sa kaniya.

From: Lincoln

"Nandito ako sa labas ng bahay n'yo."

Kaagad akong napabangon dahil sa kaniyang sinabi.Dali-dali akong bumaba mula sa kama at sumilip sa bintana.May ilaw sa gate namin at doon ay natanaw ko nga si Lincoln.Mukhang may dala siyang flashlight dahil may umiilaw rin sa parteng gawi niya at hindi nga ako nagkamali nang itutok niya sa akin ang ilaw.

"Ang punyetang 'to, itinutok pa talaga!"mabilis kong isinara ang kurtina at kaagad na humagilap ng jacket.Siniguro kong wala akong ginagawang ingay sa paglabas sa aming bahay.Dali-dali kong binuksan ang gate at lumabas mula doon.Natanaw ko ang kaniyang kotse na nakaparada sa gilid.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras, aber?"nakapamewang na tanong ko.

"Nagroronda, hindi mo ba alam na isa ako sa mga tanod ng baranggay n'yo?"aniya.

Pinasadahan ko siya ng tingin, nakapangtulog outfit na rin siya.T-shirt na white at shorts with pambahay na tsinelas.

"Ulol!Mukha ka lang tanod, oy!Tsk!Aba!Lincoln kasi!"reklamo ko nang itapat niya sa akin ang ilaw.Natatawang pinatay niya iyon.Maliwanag ang kapaligiran ngayon dahil kabilugan ng buwan kaya kahit hindi gumamit ng ilaw ay nakaka-aninag pa rin.

"Bakit ka nga kasi nandito?May nangyari bang hindi maganda?"

"Wala lang, na-miss lang kita."

Natigilan ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Lincoln naman.Papaano ka makaka-move on niyang kung kada mami-miss mo ako ay pupunta ka dito para lang makita ako?"

Sumilay ang mumunting ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi ko mapigilan, Fawzia."

"Haays, sa susunod huwag mo ng gagawin 'to.Hindi mo ba kasama si Hannah sa bahay n'yo?Papaano kung may magising siyang wala ka?Edi iiyak na naman 'yon?"

"Wala siya sa bahay, nandoon siya sa kanila."

"Lincoln, hindi mo ako mapipilit na maging kabit mo."kunot noong giit ko.

"Ouch!"daing ko nang pitikin niya ang aking noo.

"Sino bang nagsabing gagawin kitang kabit?Para na-miss lang naman, as a friend lang gano'n."

"Hindi mo kasi nililinaw!Umuwi ka na nga!Gabing gabi na gumagala ka pa."

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa."

"Iyon naman pala eh.Samahan mo muna ako.Maglakad-lakad tayo dito sa inyo.I-tour mo ako."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa kaniyang sinabi.

"Tangina lang ha, seryoso ka, dude?Kung kailan gabi saka ka hihirit sa akin na i-tour kita dito sa amin?At anong palagay mo dito sa baranggay namin?Pasyalan?"

"Ang daming dada, pumayag ka na lang.Malungkot ako ngayon, hindi ako makatulog.Kailangan ko ng kausap."

Lihim akong natigilan nang mabaksan nga ng kalungkutan ang boses ni Lincoln.Bumuga ako ng malalim na paghinga bago nagpasya.

"Oo na, oo na.Mangongonsensya ka pa dyan.Feeling talaga nito.Wait lang, kukunin ko lang ang bike kong brand new."nginisihan ko pa siya bago pumasok sa loob.

Sinulyapan ko ang bahay namin bago tinungo ang garahe.Kabibili lamang ng City bike na 'to noong isang araw, gift sa akin ni Lola.Pagkalabas ko ay nandoon pa rin sa kaniyang pwesto si Lincoln habang nakatutok ang mga mata sa aming gate na tila inaabangan ang paglabas ko.Isinara ko muna ang gate bago umangkas sa bike.

"Hindi lang ikaw ang malakas ang trip."aniko nang makalapit.Nakakatamad kayang maglakad.

"Paangkas ako."aniya sabay lapit sa akin at naupo sa silya sa likuran.

"Punyetang lalaki 'to ginawa pa akong driver!Sa ganda kong 'to?"

"Ang ingay mo, mag-pedal ka na lang dyan, Manang."

Bwisit talaga!Tour pala ha, pwes simulan na natin.

"Nakikita mo ba 'yung puno na 'yon?"tanong ko.

"Oh, anong meron dyan?Ikaw ang nagtanim?"

"Hindi, may nakatira dyan.Tall, dark,  and smoker.Nightshift madalas, mahilig sa magaganda.Babaero ang punyeta."

"Tangina, may kapre dito sa inyo?"halos pabulong pa iyon at bakas na bakas ang takot sa kaniyang boses.Pigil na pigil ko ang pagtawa.

"Syempre meron, minsan nga nakakwentuhan ko pa.Inaalok akong mag-yosi, ang sabi ko naman I don't smoke, dude, so fuck off!"

"Tsk!Ewan ko sa'yong babae ka."

"Fasten your seatbelt, Bogart!"wika ko bago binilisan ang pag-pedal para mahulog siya.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon