"Oh, bakit malungkot ang birthday girl?"
Binalingan ko si Trevor at nakitang nasa akin na rin pala ang atensyon nina Ken, maging si Lincoln ay ganoon din.
"Naaawa kasi ako sa inyo, ang papangit n'yo."
"Aba!Aba!Pasalamat ka at birthday mo!"napapailing na sabi ni Ken.
"Birthday ko nga, paulit-ulit?Unli ka, unli?"
"Guys, kantahan natin si Fawzia!Birthday niya!"sigaw ni Dirk kaya napasubsob na lamang ako sa desk.
Punyetang birthday 'to oh!Pang-limang beses na nila akong kinakantahan ngayong araw.Kada subject, sasabihin nila sa guro naming birthday ko kaya ayon at wala silang tigil sa kakakanta.
"Happy birthday, Fawzia!"buong lakas na sigaw nila kaya nag-angat ako ng mukha.
"Thank you."nakasimangot na sabi ko habang pinupukol ng masamang tingin sina Dirk.
Bwisit talaga 'tong mga 'to!
"Manlibre ka naman, sigurado kaming marami kang baon ngayon."tudyo ni Gon.
Tss!Ano ako bata?Kailangan maraming baon kapag birthday?
"Oo na, oo na.Pero bukas na, tsaka tayo-tayo na lang ha.Huwag kayong mag-i-invite ng iba."
"Sino-sino ba ang ililibre mo, Fawti?"
"Uhm, syempre kasama kayong F5, short for Futangina 5, Gon, Trevor, Ken, Van, at Lincoln.Tapos sina Eva at Phoebe."
"Gago─ ako!Ang gago ko!"wika ni Ken nang pagtaasan ko siya ng kilay.
"Wala bang handaan sa inyo, Fawti?You know naman nakakagutom talaga kapag patapos na ang klase.Mag-uuwian na din naman at nakapagpaalam na ako sa nanay ko na mamimertdayan ako sa kaibigan ko."dire-diretsong sabi ni Gon kaya napasimangot ako.
"Syempre, meron.Nakakahiya sa inyo eh.Sumama na kayo mamaya, iniimbita rin kayo nina Mama."
Napasigaw ang mga loko dahil sa tuwa.Akala mo naman marami silang makakain mamaya, wala silang kaalam-alam na pinera ko ang pang-debut ko.Bwahahaha!Nasa akin pa rin anh huling halakhak!
Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang madatnan sina Mama at Papa na abala sa paglalatag ng napakaraming pagkain sa mesa.Marami ring nagkalat na balloons at may ilang regalo na nakalapag sa sahig.
"Ma, ang sabi ko po pera na lang, 'di ba?Baka ibawas n'yo po 'yan."nakangusong yumakap ako sa aking ina.
"Puro ka talaga kalokohan!Syempre hindi naman pwedeng hindi tayo maghahanda.Unica hija ka namin kaya dapat engrande.Para saan pa ang apelyido natin, 'di ba?"ginaya niya pa ang tono ko nang sabihin niya ang phrase na 'di ba.
"Oh, tuloy kayo mga, hijo."anyaya ni Papa sa mga kaibigan ko.Nandoon na rin sina Eva at Phoebe.
"Nasaan si Lincoln?"tanong ni Lola kaya kaagad na napahawi ang ilan upang ipakita si Lincoln.Tiningnan pa ako nina Gon na tila nang-aasar.
"Nakilala n'yo na po pala ang boyfriend ni Fawzia."biro ni Dirk.
"Baliw!Hindi kita pakainin dyan eh!"
"Joke lang!Ito namang si birthday girl, napakainit ng ulo.Kantahan nga natin ulit siya, guys!"
Napa-face palm na lamang ako sa kalokohan nila.Nagpaalam ako saglit upang magbihis.Inutusan pa nga ako ni Mama na magsuot daw ako ng dress pero hindi ko naman sinunod.Edi hindi ako makakakain ng marami kapag nag-dress ako?Tiis ganda, ganern?Duh!Lafang muna!
Sa gabing iyon ay ipinagdiwang ko ang aking kaarawan kasama ang aking mga kaibigan at pamilya.Kahit simpleng pagdiriwang lamang ay sobrang saya ko talaga.Kahit wala silang regalo sa akin ay ayos lang, mga kuripot eh.Choss!Ang totoo nga niyan ay niregaluhan nila akong lahat, maging si Lincoln ay mayroon ding ibinigay sa akin, ang puso niya.Choss lang!Pero feeling ko talaga may crush 'yon sa akin eh.Ewan, feeling ko lang naman kasi feelingera ako.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
General FictionFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...