"Bakit ka ba nagkakaganiyan?!"sigaw ng aking ina habang hindi pa rin mahinto sa pag-iyak.
"You're really asking me that question, Loren?After what you did with that stupid man?Do you think I'm that dumb not to know Lincoln wasn't my child?!"
Bumalatay ang gulat sa napakagandang mukha ni Mama, ngunit mas lamang doon ang sakit at pagtataka.Hangga't maaari ay ayokong marinig ang pag-aaway nila pero imposibleng mangyari iyon.Simula noong ipinanganak ang nakababata kong kapatid na si Lincoln ay wala ng araw na hindi sila nag-away.
"Bakit m-mo ba ipinagpipilitang niloko kita?Norman, sa tagal ng pagsasama nating dalawa, ni minsan hindi ko naisip na gawin 'yang mga paratang mo!Anak mo si Lincoln.Anong karapatan mong itanggi ang batang nagmula sa'yo?!"
"Your drama won't work on me, Loren.You better leave this house tomorrow because I can't stand being with you.I'm so disgusted by your presence.By the way, take Lincoln with you.I don't want to spend a single peso anymore for that bastard.I guess, five years is enough, right?"
Hindi na ako nagulat nang sampalin siya ng aking ina.Kumuyom ang aking mga palad at lalabas na sana mula sa pinagtataguan nang makarinig ako nang mahinang paghikbi.Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko si Lincoln na umiiyak habang nakayakap sa robot niyang laruan.Bumalatay ang gulat sa akin.Kanina pa ba siya nandoon?Hindi ko alam kung naiintindihan niya na ba ang pinag-uusapan ng aming mga magulang o umiiyak lang siya dahil alam niyang nag-aaway na naman sila.
"K-kuya Law..."
Akmang lalapit siya sa akin upang yumakap ngunit sinamaan ko siya ng tingin dahilan upang mapahinto siya sa paglapit.
"Don't get near me, Lincoln.You're such a crybaby."aniko bago siya tinalikuran at pumasok na sa silid kung saan nandoon ang aming mga magulang.Kagaya nang nasaksihan ko kanina ay hindi pa rin maaawat sa pag-iyak si Mama, habang ang aking ama ay walang ekspresyon na nakatitig lamang sa kaniya.Naglakad papalapit sa akin si Papa nang matanaw ako.
"This is my only son, Law, and he will be living with me."
"Hindi!Wala kang karapatang kunin sa akin ang anak ko!"akmang lalapit siya sa akin ngunit umatras ako.Kagaya nang ginawa ni Lincoln kanina nang titigan ko siya ay napahinto rin siya.Gayon pa man ay nagpatuloy pa rin siya makalipas ang ilang segundo.
"L-Law, anak, hali ka.Hindi ba kay Mama ka sasama?Love mo si M-Mama, hindi ba?"lumuhod siya at pumantay sa akin.Hinawakan niya ang aking mukha at marahang hinaplos iyon.
"Sa a-akin ka sasama, 'di ba?"dinampian niya ng halik ang aking noo.
"I said Law will be with me.Don't worry, I will take care of my son."
Natigilan ako nang marinig ang napakalamig na boses ni Papa.Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.Alam ko na ang dapat kong gawin.Kahit labag sa kalooban ko ay itinulak ko papalayo si Mama dahilan upang mapasalampak siya sa sahig.
"Mama!"sigaw ni Lincoln at kaagad na dinaluhan ang aming ina.Yumakap siya dito nang mahigpit.Kumuyom nang mariin ang aking mga palad at gusto nang saktan ang sarili dahil sa ginawa.
"L-law.."hindi makapaniwalang aniya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.
"I'll stay with Papa."
Narinig ko ang paghalakhak ng aking ama.
"See?I told you, Loren."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Narrativa generaleFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...