"Oh my god!Totoo ba 'yon, Law?!"nagugulat na bulalas ni Ate Emersyn.
"No, it's not."sinamaan ako ng tingin ni Law kaya natawa ako.
"Joke lang 'yon, Ate Emersyn."wika ko kaya tila nabunutan siya ng tinik.
Nalipat ang atensyon namin nang may humawak sa bewang niya, si Kuya Mcneir.Hindi ko siya kinu-Kuya dahil crush ko siya, my way of respecting him lang, ganern.Siya kasi 'yung tipo ng tao na titingnan mo pa lang alam mo ng seryoso sa buhay.Ni hindi ko nga alam kung tumatawa pa ba 'to o ngumingiti.Nakaramdam ako ng kaba nang lingunin niya ako na karaniwang nararamdaman ko lang sa mga terror teacher ko.
"You're Fawzia, right?"
Agaran akong tumango at hindi alam kung ngingiti o ano.Nilingon ko si Law at nakitang kunot noong nakatitig siya sa akin.Para tuloy gusto ko na lang magtago sa likuran niya kasi na-i-intimidate talaga ako ng bongga kay Kuya Mcneir.
"Oh, you know her, hon?"tanong ni Ate Emersyn.
Hon?Kung ganoon ay sila pala.Pero sa bagay obvious naman sa paghawak pa lang sa bewang.
"She's Law's..."
Tila sinasadyang bitinin ni Kuya Mcneir ang sasabihin niya at nginisihan ng makahulugan si Law.
"We're leaving.Thanks for helping her, Emersyn."paalam ni Law bago ako hinawakan sa braso at akayin sa kung saan.Nginitian ko na lamang 'yung dalawa bago itinuon muli ang atensyon sa lalaking kasama ko.Bumalik kami sa pwesto namin kanina.Ininom ko ang tubig na nakalagay sa mesa.
"Do you like him?"
Kunot noong nilingon ko si Law nang magsalita siya.
"Huh?Sino?"
"Mcneir."walang kakurap-kurap na aniya.Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na napailing.
"Hoy!Grabe ka naman!Papaano mo naman nasabi?"
"You're staring at him for two minutes straight earlier."
Nabilang mo, Kuya?Sakto talaga?
"Bakit?Masama bang tumitig?Porke nakatingin lang eh may gusto na kaagad?Duh!"inikutan ko siya ng mga mata.
"Good, kasal na sila ni Emersyn kaya huwag mo ng susubukan pang magka-crush sa kaniya."
Ulol!Sino bang may sabing may crush ako kay Kuya Mcneir?Eh ikaw nga lang ang gusto ko!Bwisit na lalaking 'to!
"And you seem so nervous whenever he talks to you."
"Hindi ko lang kasi mapigilan na kabahan.Duh!Si Kuya Mcneir 'yon eh.Nakaka-intimidate kaya ang aura niya.'Yung tipong bawal kang mag-joke o magsabi nang walang kabuluhang bagay."pag-amin ko.
"You're intimidated by Mcneir's presence and you're calling him Kuya?"tila hindi pa siya makapaniwala nang sabihin niya iyon.
"Alangan namang ate ang itawag ko.Sino ba namang hindi ma-i-intimidate eh mukhang seryoso siya sa buhay.And I'm calling him Kuya po kasi mas matanda siya sa akin."
"Then bakit sa akin hindi ka nahihiya?"umangat ang gilid ng kaniyang labi na ikinalaki ng bahagya ng aking mga mata.
"At bakit naman ako mahihiya sa'yo?Sino ka ba?"
Akmang magsasalita pa ako nang makaramdam ako ng panlalamig.Kinagat ko nang mariin ang ibaba kong labi dahil pakiramdam ko nasusuka na naman ako.
"Pingutin mo nga ako."utos ko kay Law na ipinagtaka niya.
"Bakit?"
"Basta!Pingutin mo ako.Nasusuka na naman ako."hinawi ko ang maiksi kong buhok at ikinipit iyon sa likurang bahagi ng aking tenga.Inalis ko rin ang suot kong hikaw.Kahit halatang naguguluhan ay inangat niya ang kaniyang kamay at marahang pinisil ang aking tenga.Iyon na 'yon?
"Lakasan mo naman!"salubong na ang aking kilay dahil sa pagkairita.
"Ouch!"daing ko nang gawin nga niya.
Masunurin talaga ang bwisit!Binitiwan niya ang tenga ko kaya napahimas ako doon.Effective naman at nabuhay muli ang dugo ko.Kanina kasi pakiramdam ko nanghihina na ako.Iyon ang ginagawa sa akin ni Mama noon kapag sumasama ang pakiramdam ko.
"Yung kabila naman."wika ko bago gumilid.Walang imik na sinunod naman niya ngunit nang mapagawi ang tingin ko sa kaniya ay napansin kong namumula na ang kaniyang leeg at tenga.Nag-iwas rin siya ng tingin sa akin nang mapansing nakatitig ako.Problema nito?
"Thanks."isinuot kong muli ang pares ng hikaw sa aking tenga.
Naagaw ang aking atensyon nang makitang may ilan ng mga tao ang nagsasayaw, 'yung slow at sweet dance.Haays, kainggit.Ngumuso ako at nilingon ang katabi kong sobrang tahimik.Wala sa akin ang atensyon niya at nasa ibang gawi.Nang sundan ko iyon ng tingin ay nakita kong nakatitig siya sa isang grupo ng kababaihang magaganda at sosyalin.Sino kaya sa kanila ang type niya?May kung anong sumakit sa aking dibdib, nandito nga ako sa tabi niya pero sa ibang tao naman siya naka-pokus.
You're so near, and yet so far.Choss!
Ayaw ko mang aminin pero nasasaktan ako.Pero ano nga bang kasalanan ni Law?Sa totoo lang ay wala naman kasi hindi niya naman ako inutusang magustuhan siya.Iyon nga lang, umasa ako.Masyado akong nadala sa mga ipinapakita niya sa akin noon.Ang akala ko pa naman gusto niya rin ako.Napahinto ako sa pag-iisip nang may maglahad ng palad sa aking harapan.Inangat ko ang aking mukha at nakita si Kinsley.
"Sayang naman ang maganda mong ayos kung sisimangot ka lang.Gusto mo bang sumayaw, magandang binibini?"
Ang akala ko magpapahula siya sa akin.
Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil nag-iinit iyon.Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.Mabuti pa si Kuya Kinsley mabait, hindi katulad ng isang lalaki dyan.Hindi ko sinasabing si Law 'to ah, pero siya na nga iyon.Akmang ilalapat ko na ang kamay ko sa nakalahad niyang palad nang may tumapik doon.
"Are you really pissing me off, Medrano?"seryosong tanong ni Law.Ngumisi lamang si Kinsley bago binawi ang kaniyang kamay.
"Bakit?Napipikon ka na ba?"
Huwag nilang sabihing mag-aaway sila ng dahil sa akin?Omg!Ang ganda ko pa lang talaga.Choss.May lahi rin pa lang epal itong si Law.
"Pwede ba, Kuya Law?Hayaan mo kami.Wala namang ginagawang masama si Kuya Kinsley."sabat ko dahilan upang ako naman ang samaan niya ng tingin.
"Now you're calling me Kuya?"
"Yes po, opo."puno ng sarkasmong sagot ko.
Tumayo siya at nanatiling nakasunod ang tingin ko sa kaniya.Ganoon na lamang ang pagkagulat na naramdaman ko nang lumuhod siya sa aking harapan.'Yung tipong nakatuon 'yung isa niyang tuhod sa carpet habang nakalahad ang kanan niyang kamay sa akin.'Yung ano!'Yung parang sa scene ng mga prinsipe at prinsesa!Narinig ko ang pagtawa ni Kinsley bago naglakad papalayo.Ramdam ko ang pagtingin sa amin ng ilang mga bisita.
"A-ano bang ginagawa mo?"kinakabahang tanong ko kay Law.
"Dance with me, Fawzia."ngumiti siya na mas lalo kong ikinagimbal.
Meganon?Anong nakain nitong paasang 'to?

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Fiksi UmumFawzia Grande is a dominant type of woman. She speaks what's in her mind and acts like she conquers the world. Fate and Cupid played so well that she experienced the oh so-called love with Lincoln and Law. Will she take the chance to be with the one...